Part 22

157 4 0
                                    


Namamasyal kami ngayon ulit ni Jungkook. Innenjoy ang natitirang araw ng bakasyon.

"Jennie napansin mo ba?" tanong nya

"Ang alin?"

"Si Jackson"

Natigilan ako sa sinabi nya. Anong kay Jackson?

"Ano?" tanong ko

"Kapag may lakad tayo lagi syang sumusulpot gaya na lang nyan oh"

Napalingon ako sa likuran ko shit! Si Jackson nga ito at papalapit sa amin. Nakangiti sya habang naglalakad papalapit samin ako naman ay nan liliit ang mga mata sa kanya.

"Hey Jungkook!" bati ni Jackson

Nag ngising aso lang si Jungkook kinakabahan tuloy ako hindi ko alam kung bakit.

"Hi my gorgeous ex!" pinasadahan nyako ng tingin mula hulo ang hanggang paa nailang tuloy ako kaya napatingin ako sa sarili ko rin. I'm just wearing ripped jeans then naka fitted na damit.

Napatingin ako kay Jungkook na ngayon madilim ang ekspresyon. Hinawakan ko ang kamay nya kaya napatingin sya sa akin.

"Ano ginagawa nyo dito?" tanong ni Jackson

"Dating" ani Jungkook na seryoso ang mukha

"Oh! date! ano ba yan? date ng friends with benefits?" humagalpak ng tawa si Jackson. Nainis naman ako sa kanya ano bang pake nya kung ano gingawa namin ni Jungkook.

"We're not friends" sabi ko

Nagtaas naman ng kilay si Jackson kita sa ekspresyon ng mukha nya ang pagkakagulat.

"Not friends? so... what? mag lovers?" nagngising aso si Jackson.

"Yeah. Jennie Kim is my girlfriend" inakbayan ako ni Jungkook habang sinabi iyon. Napangiti naman ako ang sarap pakinggan sa tainga pakiramdam ko ay lumulutang ako sa hangin ng sabihin nya yun.

Hindi agad nakapagsalita si Jackson. Napanguso sya at nagkibit balikat.

"Oh stay strong sa inyo sana magtagal kayo" sabi ni Jackson na malalalim ang tingin.

Bigla namang dumating si Joy galit ang ekspresyon ng mukha nya ano kayang meron? Siguro ay nag away na naman sila.

"Hoy Jennie!" sinampal ako bigla ni Joy.

"What the fuck!" sigaw ni Jungkook

"Anong problema mo? Bat mo sinampal si Jennie?" tanong ni Jackson

Nagulat ako sa mga pangyayari, anong dahilan at sinampal ako ni Joy. Hindi ko sya ginatihan ng sampal inintindi ko na lang sya siguro nadala ng emosyon whatever.

"Sabi na nga ba e! Makikipag balikan ka dyan sa ex mo! Tapos ano pag nagsawa ka maghahanap ka ng iba!" pasigaw na sabi Joy.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya. Makikipag balikan? Oh really?

"Please Joy wag ka magskandalo dito" ani Jackson na nakahawak sa braso ni Joy

"Wag mag skandalo? Huh! Talaga lang at ako pa ngayon ang nagiiskandalo!" sigaw ni Joy

"Uhm Joy? Kung may problema kayo ayu---"

"Ikaw! Ikaw Jennie! Ikaw yung problema namin!"

"Ano ba Joy tama na!" giit ni Jackson

Namumula na sa galit si Joy. Gayunpaman imbis na mainis ako sa kanya ay naawa ako, coz I can feel her pain.

"Alam nyo kayong dalawa kung nasan kami nandon din kayo okay lang sana eh kaso nag aaway kayo e! mismo pa sa harapan namin!" sabi ni Jungkook na nakapamulsa na

"Hoy Jungkook! Pagsabihan mo yang babae mo na wag dumikit kay Jackson!" sabi ni Joy na nanginginig

"At bakit? Sino ka para iutos na wag ako lapitan ni Jennie?" tanong ni Jackson

Heto kami ngayon ni Jungkook para kaming nanonood ng tv.

"Your not my girlfriend anymore kaya please lang? Tigilan mo nako! Wag ka magpakatanga!" sabi ni Jackson

"Jackson. Joy tama na yan" sabi ko ng mahinahon

Tumigin sa akin si Joy ng masama nagbabadyang pumatak ang luha nya, nasasaktan ako para sa kanya.

Umalis si Joy at hindi na lumingon sa amin.

"Jackson wag mong liligawan ang isang babae kung sasaktan mo lang naman" sabi ni Jungkook

Umiling lamang si Jackson at umalis.

"Ano ba tong dalawang to" sabi ko at napakamot sa batok

Napansin ko gilid ng mga mata ko nakatitig sa akin Jungkook. Lumingon ako sa kanya para tignan sya.

"Hmm?"

Hinawakan ni Jungkook ang kamay ko at nakatingin sya ng malalim.

"You know Jennie hindi ka nagkamaling sinagot ako"

Napagiti lamang ako. Sana nga hindi ako nagkamali.

"Uy nga pala sa susunod na araw na yung laban namin nood ka?" sabi ko ng maiba ang usapan.

"Oo naman nakaplano na yan sa utak ko" ngumisi sya.

"Ayiee sweet talaga ng boyfriend ko" niyakap ko sya.

Hinalikan naman nya ako sa noo. Kinikilig talaga ako sa kanya.

I Love You Since 2014 || JenKook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon