Aryl POV
Simula tumira kami dito sa visayas ay nag iba na lahat.. Lahat -lahat. Nakapundar kasi ang tatay at nakabili sya nang malaking bahay at lupa sa northern visayas.. Sinlaki nang bahay nila Frances sa Manila.. At dahil dun nag aadjust pa kami at mismo iniiba na namin ang estado nang buhay namin dito..Natanggap agad ako sa trabaho kahapon bilang waitress sa isang club. Dahil part time Job lang naman ito ay tinanggap ko na agad for experience lang .. At tsaka kahit alam ko na kung anong klaseng trabahong papasukin ko ay tinanggap ko na lang.. Syempre nagpaalam ako kay tatay at nanay pero key rin lang naman sa kanila.. Basta di lang ako gagawa nang gulo.
Pero sa tatlong linggo ko sa trabaho ay di talaga maiwasang may makaaway.. kadalasan amo ko or di kaya yung customer.. Sa kadahilanang Pambabastos.. Syempre kahit mga lalaki pa ito ay napapatumba ko talaga ito! Ginamit ko lahat nang martial arts na natutunan ko.. Mas lugi sila kasi sila pa yung nabugbog ko sila pa yung tinanggalan nang trabaho.. Kaya tinagurian akong siga sa club nito at di kalaonan ay ni rerespeto rin nila ako..
"Aryl! Iserve mo tu sa table na to..
"Ah okey Maam..
Papalapit na sana ako sa table na yun nang napansin kong may lumuluhod na lalaki sa harap nang tatlong lalaki at nagmamakaawa at umiiyak...
"Sir here's your drink..
"Ilagay mo lang dyan miss.. May tuturuan lang kami nang leksyon..
Papaalis na sana ako nang sinulyapan ko uli yung lalaki na nakaluhod parang galing yata itong bugbugan dahil sa pangas nito sa mukha at kahit di ko man klaro yung mukha nito para talagang isang suntok nito eh tulog na talaga ito.. Dahil nanghihina itong humihingi nang tawad.
Dahil sa taglay kong kuryusidad ay pinakinggan ko muna ang mga sinabi nang mga ito..
Alam mo Harold! Kung sinunod mo lang sinabi nang nanay at namin di ka sana magkakaganito ehh!
I know I know! But I can't.. Bugbugin nyo pa ako nang bugbugin hanggang sa mamatay ako di nyo na talaga ako mababago!
"Aba't ang lakas na pala talaga nang loob mo! Okey lang sana kung ikaw lang yung mamamatay.. Eh si Nanay!? At tsaka pa ayaw niya nang mga kalahi at katulad mo Harold! Stop it! For the sake of Nanay! Di ka sana hahantung sa ganyan kung nakinig ka lang saamin at di mo na ipalangdakan yang kabaklaan mo! Tsk! Sa mismong bahay ka pa nakipag landian sa Lalaki mo! Haistt!Mapapatay ko na sana yun kung di ko pinatakas yun!
"Kahit anong gawin nyo! Ayoko! Ito na ako! Mula pagkabata! Kaya di nyo na ako mapapabago pa!
"Kung yan ang desisyon mo ay malaya ka nang lumayas at wag na wag mo na kaming ituturing na kapatid at di mo na makikita pa si nanay! Isa kang sakit! Walang lahing bakla ang pamilyang ito!
Dahil tinawag na ako nang manager ko ay bumalik na ako at nag serve nang mga drinks sa iba pang customer..
Pagdaan nang limang oras ay nag bihis na ako dahil papauwi na sana nang nag desisyon ang manager namin na mag o overtime ako dahil sa dami nang tao ngayun..Pero dahil di ko na talaga kaya ay nilayasan ko na lang ito at dagliang lumabas nang pintuan.. Lakad takbo ang ginawa ko baka sakaling mahuli pa ako..
"Hey Miss!
"Sorry po sorry po.. " sabi ko sa lalaking ang baho nang sigarilyo at may hawak nang bote
Pagkakita ko sa mukha nito ay puro bugbog at sugat at kung di ako nagkakamali ito yung lumuluhod na lalaki kanina..
"Hoy! Magpapakamatay ka ba?
BINABASA MO ANG
Tomboy akong nainlab sa baklang bestfriend ko
RomanceOnly 18 and above can read this.. That's a rule!