Definitely

656 23 0
                                    

Frances POV

    "Aryl!!

    "Oh?

   "Di ako makatawid! Help mo naman ako.. " sabi ko kasi di talaga ako makatawid dahil ang hirap daanan ang makitid na tulay na ito.

    "Tsk. Wag kang matakot! Gawin mo yung ginawa ko!" sabi niya na nakatutok parin sa paa ko

    " Huhu samahan mo na lang ako!

     "Pag samahan kita eh may chance na mahuhulog tayo!

   Dahil naiinis na ang bruha ay nilakasan ko na lang loob ko at nang makatawid na ako ay bigla ko agad hinawakan ang kamay nang bruha dahil sa takot huhu..

    "Kaya naman pala ehh! " sabi nito na tinitingnan ako sa mukha.

     " Wahhh ayoko na.. nakakatakot!"

    "Tsk. Di ka parin nagbago! Natatakot ka parin tumawid nang tulay. Tss.  Halika na nga..

   Nandito pala kami ni Aryl sa kagubatan kung saan pupuntahan namin yung Water Falls. . Hindi muna sya pumasok sa trabaho para samahan niya ko.. Tsaka di ko rin naman akalain na dadaan pa kami nang mga nakakatakot na lugar at madilim na lugar bago makaabot sa Water falls na sinasabi nang bruha..

   " Oh andito na tayo!" sabi nito na tinitingnan ang Water falls sa baba

   "Woahh! Woah. Ganda naman!" sabi ko dahil napakaganda talaga nang Water falls sa ilalim nang kagubatang ito. Yung tubig talaga sarap na languyan. Tapos madaming torista na ang nandito ngayon dito.

     "Ahmm Aryl? May hotel accommodation ba dito or something?" tanong ko

    "Ou meron. Malapit lang dito. Magtanong muna tayo..

   Nagtanong agad kami sa isang Ale na sa tingin ko ay nasa 50's na..

    "Ale.. San dito ang hotel dito? " sabi ni Aryl

    "Actually.. Madami iha. Pero itong tinitirhan ko ang mas mura..

  Tiningnan ko agad ang tirahan nang ale.. Parang nasa hunted house lang ang peg..

   "Ah Ale? May mga torista rin po bang nandyan ngayon?

   "Ah ou.. Marami na nga ehh.

  Tanging tango na lang ang iginawad ko at tiningnan ko si Aryl na may tinitingnan din sa loob..

   "Sige ale..  Isang araw lang kami." sabi nang bruha na kinabigla ko.

    Kinurot ko agad ang tagiliran nito para di na lang tumuloy.

   "Aryl.. Pwde sa iba na lang. Iba kutob ko ehh

  " Natatakot ka??" tanong bigla nito sakin

   "Hmm Hindi naman. bale maging choosy ka rin naman sa mga ganitong bagay no..!

   "Tss. Bahala ka jan..

  Bigla agad itong pumasok nang bahay nang ale at pagkapasok namin ay nanindig na lahat nang buhok sa katawan ko..

   "Aryl.. Sure ka ba dito??

   "Sure na.. Teka dyan ka muna.. Babayaran ko muna yung ale.

   Habang hinihintay ko sya ay nililibot ko yung mga structure nang bahay. Parang sinaunang bahay talaga kasi sa mga paintings at mga designs nang bahay at kung paano ito ginawa. parang sa kapanahunan pa ni rizal ang mga to ehh.

   Maya maya pa ay bumalik na si aryl dala ang susi. at dun kami sa second door number 203..

   Habang nililigpit ni Aryl ang mga damit niya ay di parin ako mapakali.. Tsk. Dapat masaya ako ngayon. Huhu bakit ganito pakiramdam ko.

Tomboy akong nainlab sa baklang bestfriend koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon