Chivalry

478 12 0
                                    

Frances POV

  " Nak.. Inumin mo to.. 

  " Ayoko niyan Mom.. Ang pait!

   "Pilitin mo! Anak wag ka namang ganito oh.. Nagkakasakit ka na at anong gusto mong gawin ko tingnan ka lang?

   " Mom.. Di ko alam kung ano naring nangyayari sakin.. Baliw na siguro ako

   " Anak.. Please.. Inumin mo na tong mga gamot mo, tsaka di ka baliw sadyang malungkot ka lang anak.. At tsaka wag mong isipin ang lungkot..  Mas di nakakabuti ang  mga yan sa kalusugan mo.

  " Mom, I..  I miss her.

  " Yes kaya nga magpagaling ka. 

   " But Mom.. What if meron na siyang iba? Baka yung pagmamahal niya sakin ay nawala na.. Kaya nga niya akong lokohin nang harap harapan paano na lang kung malaya na siya.

  " Nahihibang ka na anak.. Please di ganyan si Aryl okey. I know hinihintay ka rin nun..

  " Bakit naghihintay siya? Dapat pumunta siya dito.. O baka nagustuhan na niyang manatili dun kasi nandoon na yung kalaguyo niya..

   " Frances! Stop it! Bakit ka nagkakagnyan?!

    Di ko rin alam Mom.. Di ko alam..

   Pagkatapos kung kumain ay humiga na ako at nakatingin lang sa Cellphone ko at hinhintay parin ang posibilidad na tawagan niya ako o i text niya ako, pero dalawang linggo na ang nakalipas wala talaga kahit isa.

  Di nga niya talaga ako Mahal!!

Bakit ganito Aryl! Bakit ganito na lang kadali sa iyo ang lahat pero eto ako nababaliw sa kaiisip sayo.. ! Parang ako ang lugi..  Ako ! binuhos ko ang lahat para mahalin ka nang buo .  At eto ako malapit nang mamatay sa kaiiyak.. Kaiisip,katulala sayo..OA na kung OA. Baliw na talaga ako sayo. Ako lang pala talaga ang nagmahal nang sobra..  Ako lang..

  

  " Frances? " tawag ni Mommy

  " Yes Mom? " sabi ko habang nakatulala parin sa kisame

  " Aryl is here.

  O.O

   Di ko alam at bigla na lang nabuhayan ang kaninang lugmok na katawan

   " Mom, maliligo muna ako.. " sabi ko at agad na ginawaran agad ako ni Mommy nang ngiti

  " Okey.. Magpa gwapo ka anak.. "

  Tss. 

   Kahit may kaunting lagnat pa ako ay nakayanan ko paring maligo sa napakalamig na tubig at nang matapos na ako ay nagbihis ako nang long sleeve na kulay puti na pinaresan nang itim na pantalon at puting sapatos..nagpabango at sinuklay paitaas ang buhok kong matagal nang di nagugupitan. kaya tinali ko na lang ito sa dulo..

  Ou, excited na kung excited.. Pero may parte ding nahihiya..

  Bakit ka nahihiya Frances.. Siya ang may kasalanan siya ang mahiya at ipakita mo sa kaniyang di ka apektado sa inyong dalawa.. Ganun nga.. Kaya mo yan..

  Papunta na sana ako nang Veranda dahil nandoon naghihintay si Aryl sabi ni Mommy pero nakita ko na ito sa labas nang kwarto ko..

  " Papasok na sana ako kaso busy ka pang magpa gwapo kaya hinintay na lang kita. " sabi niya na parang normal lang ang lahat. . 

  Manhid mo!!!

  " Bakit ka nandito?

  " Sabi kasi nang Mommy mo na magpapakamatay ka na daw kaya pinuntahan kita kung totoo ba. Pero parang di naman..

Tomboy akong nainlab sa baklang bestfriend koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon