B

374 12 0
                                    

Aryl POV

  Pauwi na sana ako nang may Unknown number na tumawag sakin..

  " Hello sino to??" sabi ko sa kabilang linya

   " Aryl..

  " Who is this??

  " Ako to si Timmy.. " sabi nito at di ko alam kung anong ekspresyon ang igagawad ko sa pagsulpot nang baklang to

   " Where are you?? Alam mo bang nababahala na kami kung saan ka na? Pati kaibigan mo di na rin alam kung saan ka hahanapin!!

  " Hey. Calm down. Syempre ayokong ipaaalam sa kanilang pumunta na ako nang america para doon m-magpagamot..

  " Kahit na!! Dapat nagsabi ka pa rin!! Alam mo bang hinanap ka nila palagi at nagkalat pa nang mga pictures mo sa kalsada kung sakali makita ka pa nila!!

   " Okey Okey. Kasalanan ko. I'm so sorry..

  " Sa mga bakla ka maghingi nang sorry.. Alam mo bang inisip na naming patay ka na talaga!!

   " Tinago ko kasi.. ayokong umabot sa point na pag nagkamali sa operasyon  at mamamatay talaga ako at mas okey nang di niyo alam.

  " Loko! Dapat pinagpaalam mo pa rin! Para saan pa't magkaibigan tayo!! Haist!

   " Okey calm down! Para kang nanay makapag bulyaw ehh. By the way okey rin. Successful Ng operasyon.. Nawala na yung tumor.. at eto ako..  Babawiin na kita..

  "Anong bawi! Mag isa ka! pinag aalala mo kami! Eh si Frances nga nag aalala din yun sayo! Loko ka talaga!!!

   Bigla nang tumahimik ang kabilang linya at biglang napasinghap ito nang hangin..

  " B-babalik na ako nang Pilipinas bukas at gusto kung makipagkita sayo.

  " Tss. Wag na! Yung nga friends mong bakla ang dapat puntahan mo!! Alam kong papatayin ka nun pag nalaman nilang buhay ka pa pala..

  " Kaya nga sayo muna ako magpapakita kasi alam mo naman ang mga yun.. Hehe" sabi niya na may gana pa pala talagang tumawa..
 
  " Haist! Busy ako.. Kaya di ko alam kung masusundo kita. By the way.. Pasalamat na rin ako't buhay ka..

  " Tss. Basta para sayo no! " sabi nito at agad kong ini end call

  *Wala nang makakatalo kay Frances.. timmy wala na..

   Kinabukasan rin ay agad akong naligo at nagbihis agad.. Maaga kasi ang gagawing event sa Bar namin dahil doon mag paparty ang isa sa may ari nang Bar na yun.. Kaya't  madamihan ang pagkaing ipinapahanda at todong busy talaga ang lahat.. Dahil dadagsa ang mga kakilala nito...

  Kinuha ko agad ang cellphone at agad na naka receive nang isang multimedia videos galing sa Unknown number.. Pagkabukas ko agad nito ay napansin kong kotse lang ang nakikita dito..  At di kalaunan ay bumukas bigla ang bintana nang kotse at may dalawang taong nag ---?? Tss.. Sino namang nag send nito ??

  Tinuloy ko lang ang pagpapanuod at napansin kong Familiar ang mukha nang lalaki.. Pero pilit ko paring inaaninag ito at sa di malamang dahilan ay kinabahan ako at nakaramdam nang galit..

  Frances??

 
    Timmy POV

  " Ito yung bayad kagabi.. " sabi ko kay Margareth

  " Salamat sir..

  " Aasahan mong dodoble pa yan kung gagawin mo pa ang isa sa mga pinapagawa ko sayo

  " Baka alam na ni Sir Frances sir na ako yun! at i te terminate niya ako..

  " At bakit niya naman malalaman? Siniguro mo bang di ka kilala nang baklang yun?

Tomboy akong nainlab sa baklang bestfriend koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon