2

457 10 0
                                    

FrancesPOV

" Iho.. ? " sabi ni Tita na ginigising ako

" Tita? "

" Si Aryl? Nakapasok na ba siya? Hays. Di na naman nag almusal ang batang yun! " sabi nito

Di man lang ba niya ako ginising kanina? Hays

Pagtingin ko sa relos ko ay lagpas alas 10 na kaya di na ako nagtaka kung wala na siya sa bahay..

" Di ko alam na umalis na sya tita.. Di niya ako ginising.. " sabi ko habang nililigpit na ang kwarto

" Oh sya.. Baba ka na. Nagluto ako ngayon nang agahan mo..

" Tita? Ano sabi ni Mommy? Okey lang ba sila doon?

" Ou naman. Miss ka na daw nang Mommy mo.. Iho.. tsaka pala pinadala ito nang Mommy mo... mga damit at gagamitin mo pa sa isang linggo..

" Salamat Tita.. "

" Walang anuman iho. Sige baba ka na.. Alam kung gutom ka na. Hays yung nobya mong yun di man lang nagpaalam na aalis na. Hays..

" Okey lang tita.. " sabi ko pero nanlulumo parin ako

Agad na inubos ko agad ang niluto ni Tita, naligo at nagbihis.. Pupuntahan ko ang bruha..

" Tita, Pupunta ako sa Mall may bibilhin ako. . " pagsisinungaling ko

" Ah ou siya sige ingat ka Iho.. " sabi nito na binigyan pa ako nang tamang address pabalik sa mismong bahay

" Salamat Tita

Nag taxi na lang ako at agad na sinabi kung saan nagta trabaho si Aryl.. At mga walang 20 minutes ay natagpuan ko na agad ang lugar..

" Manong.. Tama po ba talaga to? Dito ba dapat?

" Ou iisa lang yan dito.. Wala pang ibang branch yan dito sa lugar na ito

" Ah okey sige salamat " agad na binayaran ko agad at tumungo na sa sinasabing Bar..

Walang paligoy ligoy ay agad akong pumasok sa sinasabing Bar at hinanap ko agad sa Guard ang pangalan nang bruha..

"Nandyan ho siya sir..

" Ah sige salamat..

Bigla ko agad tinungo ang counter at mag oorder na sana nang nakita ko na agad ang hinahanap ko..

" France.. ?" tanong nito bigla

" Bawal ba? customer ako kaya pakinggan mo muna ang i oorder ko..

" Bakit ka nandito?

" Bakit di ka nagpaalam?

" Di na kita ginising.. Kasi mahimbing pa man tulog mo

" Then?

" Anong then? Yun lang..

Sa menu parin nakatutok ang mga mata ko at kukuha nang order at baka mapagalitan pa ang bruha kung dito kami mag uusap..

"One Ice americano.. "

" Okey sir..

Pumunta na ako sa mesa malapit sa counter at panay titigan lang talaga kami nang bruha..

Mas di ko nagustuhan ang bakla sa gilid niya na panay tingin din sakin at kinukulit si Aryl kung kaano ano niya ako.. Tsk.

" Here's you're Ice americano sir.." malanding turan nang baklang katabi ni Aryl kanina sakin

Habang tutok ako sa Cellphone ko ay sinusulyapan ko rin si Aryl na panay rin ang pagsusulyap din sakin.. At dahil sa dami nang customer ay minsan ring na dedestino siya sa ibang gawain.. Tsk

Tomboy akong nainlab sa baklang bestfriend koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon