E

467 13 3
                                    

Frances POV

" Ma mi miss na naman kita bruha ka" sabi ko sa papalayong si Aryl na kumakaway na sakin papalayo..

Nasa NAIA Terminal kami at ako lang ang naghatid kay Aryl dito sa Airport dahil ang mga magulang ko ay sobrang busy pa sa lumalagong negosyo nila sa probinsya at once in a blue moon lang makauwi or bumisita nang bahay..

Kahit kakaalis lang niya na mi miss ko na siya agad.. Ganito na ba yung feeling pag LDR relationship?? Ang hirap pala talaga..


Sabi pa ni Aryl.. Tiwala lang daw sa isa't isa ang kailangan para mapatatag ang relasyon namin.. That's why I keep on trusting her sa kabila nang nangyari sa aming dalawa past few months.. Di ko rin alam na ganun talaga habulin nang bakla ang Aryl na yun.. Malakas talaga karisma niya sa aming mga bakla kaya ang iba na o obsessed na..

Uuwi na naman akong walang gana pero sabi ni Aryl.. Dapat daw na labanan ko daw ang pagiging ma emosyon. Isa ito sa mga nakaka hinder nang relasyon namin.. Dapat ay professional ka sa pag handle nang emotion mo or else di mo makakayanan to..

Pero mahirap po talaga mawalay sayo Aryl.. Ang hirap hirap..

..

Lumipas ang Limang buwan ay panay tutok na tutok lang ako sa trabaho.. Nakaugalian ko nang umuwi nang bahay at matulog agad na hindi pa naghahapunan.. Pati si manang na nasa bahay ay di narin ako pinipilit na maghapunan at hinahayaan na lang niya akong i tulog na lang muna ang pagkapagod ko sa trabaho.. Dahil napapanis din naman niluluto niya na di ko kinakain.. at bukod sa lahat routine ko na amg ganitong ginagawa ko.. At paminsan minsan ay nagkakasakit na rin ako pero di ako lumiliban sa trabaho at hinahayaan na lumipas na lang ang sakit kong to paglipas nang mga araw.. Pati ang pinsan ko ay sinasabihan na rin akong mag leave muna sa work at mag rest pero dahil sa katigasan nang ulo ko.. Mas nilalakasan ko pa at ningungudngud ang sarili ko sa trabaho.. Para di mapaghalataang may sakit ako.. Pero kahit ako sa sarili ko latang lata na..


Ilang linggo na rin akong kinukulit nang pinsan ko na lumabas daw muna at makipag jam sa kanila sa sinasabi nilang Bar at tambayan nila kung sakaling stress sila sa work nila.. Pero tumatanggi ako dahil di ko forte ang ganung mga lugar at tsaka pa sinisipon ako agad pag nakaka langhap nang cigarette smoke..

At sa limang buwan na ring pagkakawalay ni Aryl sakin.. May kung ano sakin na di ko alam kung ano.. Ganito na ba yung tinatawag na depression.. ?

Kasi never na akong na excite,tumawa, o kahit anong mga maliligayang emosyon simula nung wala na si Aryl sa tabi ko.. Kahit panay tawag kami ay di parin sapat ang mga yun.. Pahirapan din sa pagtulog ang isa sa mga nilalabanan ko at higit sa lahat.. Di na ako ginugutom. Wala na akong interes sa lahat nang nakikita ko.. Ito na ba yun?? Natatakot, Nag aalala, Natutulala.. at Umiiyak nang walang rason.. Mga emosyong pinapatay ako at di ko alam kung anong gamot dito?

"Aryl? Ganito ba talaga kahirap mawalay sayo?? Ikaw ba ganito rin? O ako lang?? " sabi ko habang lumuluha ang mga mata dito sa kwarto ko.. Mga katanungan na di ko matanong sa kanya..

Araw nang Lunes na naman at uulitin ko na namang gawin ang mga bagay na ginagawa ko na nakakabagot na nang biglang may nag door bell nang makailang beses sa pintuan ko na mas lalong kinainis ko..

Pag tingin ko sa CCTV footage nang pinto ay isa itong babaeng may dala na kung ano kaya pinagbuksan ko..

" Hey! Goodmorning!

" Sino ka?

" Well.. Here.. I am your new neighbor. Tsaka I'm working on your company.. Sir" sabi niya na kulang na lang mapunit na ang bibig sa kaka- ngisi

Tomboy akong nainlab sa baklang bestfriend koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon