🌸CHAPTER 7 : Close?

5 1 0
                                    

"kkkkyyyyaaaahhhhhh alam nyo ba may gwapong kapitbahay sila lei grabe " sigaw ni marga habang nag uusap usap lang kami ng kung ano ano wala pa kasi yung prof namin late dadating

"talaga? Tara lei tambay tayo sa inyo hahaha" sabi naman ni criza
Iba den -_-

"che!  Ikaw marga gusto mo bang sabihin ko yan kay dean ha"

"joke lang lei!  Hahahaha panakot e no"

"andyan na si sir guys tara na" sigaw nung isa naming classmate kaya nagsipunta na kami sa comlab

"Goodmorning class.. Today we will start our groupings for your Minor thesis para makapag simula na kayong maghanap hanap ng company" sir deil

Yes naman magsstart na futek pwede bang bakasyon nalang ulet huhu

"Marga Vuidez, Seica Zinca, Raniez Lopez, Macie Macaly, Criza Salazar"

Ok maayos ang mga kagroup ko..

"Mac Alcaraz, Fernie Blanco, Jerah Dany, Jeansha Serez"

Oy ang ganda ng groupings a parang gustong gusto talaga kaming makapasa hahahahaha yung  last 2 groups na binanggit ni sir hindi kami ganun kaclose pero tingin ko madali lang naman kaming magkakasundo

"sige pumunta na kayo sa mga kagroup nyo para mapag usapan nyo na yung mga plans nyo para sa project "
Kumilos na agad kami para mapag usapan na agad

"so ayun what's the plan" tanong ni Raniez

"naks!  Umienglish bi ha" sagot naman ni Macie.. Magjowa kasi sila ni Raniez

"Bukas sana magstart na taong maghanap ng company kasi diba 1pm pa naman yung klase natin bukas.. Mamaya gumawa na tayo ng letter tapos papirmahan natin mamaya kay sir" singit ni criza

"sigesige ok yan.. So sino ang magiging technical writer?  Ikaw nalang criza, ikaw marga magaling ka sa designing diba ikaw nalang UID, tapos ikaw bi programmer ka nalang tapos ikaw Seica QA, ako nalang ang pm ok lang ba sa inyo" sagot naman ni macie

"Ok na ok yun macie.. So bukas ng umaga dito nalang sa school antayan" singit ko naman

"hmmm.. Sge dito nalang 8am dapat nandito na tayo tapos start na din tayo bukas magbibigay everyday ng 20 para may ipon tayo para may pampaprint" macie

"ok ok" sagot namin

"tsaka guys si raniez kasi hindi sya ganun kagaling magprogram baka may kilala kayo na pwedeng tumulong sa atin" tanong ni macie
Bigla ko namang naisip si alexer sabi nya kasi tutulungan nya kami sa minor thesis.. Sya nalang kaya?

"girl si alexer o" bulong ni marga kaya lumingon ako dun sa pinto

O. M.  G.  yun lang masasabi ko jusko bakit ka ganyan..  Hindi ka ba marunong ngumiti ha

Nagulat ako nung bigla syang nag action na nagtatype.. Anu daw? 
Pinakita nya yung phone nya nasa messenger...

Aa.. Ok, kinuha ko kaagad yung phone sa bulsa ko at nagbukas ng messenger

Alexer Vrionez
Busy ka after class?

Ay bakit?   Hahahaha

Me
hindi naman bakit?

Alexer
Hmmm wala lang hahaha balita ko magsstart na yung minor thesis nyo a

Me
Oo nga e hahaha wala pa namang marunong samin magprogram.. May kagroup ako medyo marunong sya magprogram pero kailangan padin daw nya ng guide.

Alexer
Aa.. Ganun.. Diba nasabi ko na sayo na tutulungan kita

Me
Oo nga hehe kaso nakakahiya magsabi nu

Alexer
Bakit naman hahaha willing akong tumulong promise chat mo ko kung kelan nyo sisimulan.. Sige maya nalang ulet chat kita

"ayon! "

"anong yon? " criza

"huh? " ako.

"tuleg sumigaw ka ng AYON!  "

"aa.. Hihi guys ok na raniez may tutulong na sayo *wink*" sabi ko

"sino?  Bilis a may friendship kang programmer? " raniez

"hmmmm.. Basta sabihin lang daw natin sa kanya kung kelan tayo magsstart"

"hmmm kung bukas makakahanap tayo agad agad.. Edi magsabi na tayo dun sa kanya kung sino man yun" macie

"sigesige sabihin ko nalang sa kanya mamaya" ako

"ok class arrange the chairs.. See you on thursday kailangan may mapacheck na kayong proposals.. You can go" sabi ni sir..  Nung palabas na kami sakto namang makakasalubong namin yung ibang 4th year na excited pumasok at isa na dun si alexer na tawa pa ng tawa kasama yung mga classmate nya na lalaki

Nagulat ako nung bigla syang bumaba ng tayo

"wait me at the gate :)" bulong nya tsaka sya nagderecho sa pwesto nya.. 

Alam kong crush ko sya ha pero grabe naman bakit ko sya aantayin sa gate aber?  Hindi porket crush ko sya pag aantayin nya na ko.. Tsaka close na ba kami?  Sa chat palang diba!  No way ayoko ngang mag intay..

"Hoy seica sino bang aantayin natin dito kanina pa tayo dito sa gate ha mag 30 minutes na kung hindi lang kita bessy nilayasan na kita sumabay na ko kay criza" sigaw ni marga

So ayun joke lang talaga na NO WAY NO WAY na pinag sasabi ko in the end aantayin ko talaga -_-

"basta wait ka lang " sabi ko pero iritang irita na din ako

"Lei *hingal* sorry ha nagpacheck pa kasi kami ng documents kay sir" bungad ni alexer na halatang tumakbo sya papunta dito

"ok lang hahaha bakit nga pala? " tanong ko
Napansin ko naman yung ichura ni marga na akala mo gulat na gulat nung nakita nya si alexer at kinakausap ako

"prend kelan pa kayo naging close? " bulong nya

"nung isang araw?  Hindi naman close na close pero mukang magiging close na talaga kami" bulong ko din

"tara mcdo?  Hahaha nagugutom na din kasi ako" sabi ni alexer

Sana libre hahhahaha gutom din ako nu!  Lalo na tung si marga hahahaha

"dont worry my treat"  sunod na sabi nya

"ayun... Tara na guys hihi"  yaya ni marga samin

Ok ako nalang yung mahihiya sa kaibigan ko badtrip!

---

hi guys! 😊

Still into youWhere stories live. Discover now