🌸CHAPTER 30

2 0 0
                                    

Kinbukasan maaga akong nagising kaya maaga akong nakapasok . Si Marga at dean palang yung kasama ko yun nga lang parang LQ gusto ko ng umalis kaso nakahawak sa akin si Marga .

"Ano dean ?! anong palusot nanaman sasabihin mo sa chat na nabasa ko?! ano ha ! masama pakiramdam mo kaya hindi ka pumasok kahapon yun pala ..Nakikipaglandian ka lang ha !"

"Babe sorry magsasabi naman talaga ko baka kasi magalit ka ,nagpasama lang saken si chelly kahapon kakabreak lang nila ng boyfriend nya"

"What the heck ?! Bakit ? nasaan yung nga punyetang kaibigan nya ha ?! bakit kailangan na ikaw ang ichat nya ?! EX MO SYA DEAN ! EX MO ! KAYA HINDI MAWAWALA SAKEN ANG MAG ISIP NG KUNG ANO SA INYO !"

"Marga naman ..matagal na kaming wala ! wala naman kaming ginawang masama !"

"Talaga lang ha ?!"

"Deaaaann"
sabay sabay kaming napatingin sa babaeng palapit sa amin

Putik yan maigsi na palda namin mas maigsi yung kanya bwiset muka pang clown ..

Yung totoo? EX ni dean to ? jusko naman

"Hi dean , i just wanna say thank you for being with me yesterday" Malandi nyang sabi

"No problem" seryosong sabi ni dean

Bigla namang nagwalk out si marga kaya nahila ako badtrip kaya ayokong magjowa e ! yung nakikita ko palang sa paligid ko nakakatakot na,what more pa kaya kung ako na mismo yung nasa ganitong sitwasyon .

"O marga,seica ang aga nyo a .. nakita nyo na si mac ?" sabi ni macie na nakasalubong namin

"Hindi e ..tsaka hmmm LQ sila"
sabi ko sinadya ko talaga na hinaan yung sinabi ko sa dulo,emotional si marga ngayon umiiyak na ,ayan na yung sinasabi namin ni criza e tsk tsk ayan patol patol ka sa malandi .

"aa ..i see .. uy sige kita nalang tayo sa room 105 doon daw tayo sabi ni maam Lalaine, hahanapin ko muna si mac baka maka isip na magsuicide baka mapigilan ko pa hahaha" sabi ni macie, halatang nagmamadali a

"Ha ? bakit? ano naman nangyari dun?" tanong ko

"wala bang sinabi sayo si mac ? tangek break na sila ni jolly kahapon lang." tapos lumapit pa sya sa akin "si jolly daw ang nakipagbreak.. o sya sya sige alis muna ko a see you later"

Ano ba to? Bakit puro broken hearted mga tao ngayon badtrip naman ! buti nalang bati na kami ni alexer kaso nga lang hindi kami magjowa

Dumerecho na kami ni marga sa room 105 at doon sya nagngangawa nakaka asar hayyy !

"ano ka ngayong babae ka o diba iyak iyak ngayon jowain mo ba naman e malandi ewan ko nalang sayo" sabi ko

"*sniff* nakaka inis ! pag nakita ko mamaya yung ex nyang clown pupulbusin ko muka nun bwiset sya !" sigaw nya

"friend nakakaloka ngayong araw..una kayo ni dean ,tapos ngayon si jolly at mac tuluyan ng nagbreak ,pano nako makakapag jowa nyan" pagmamaktol ko

"edi magjowa ka ! pinagtutulukan ka na nga namin e"

"nakakatakot maranasan yung nararanasan nyo ngayon" sabi ko

"wow lei umiyak ka na din yun nga lang yung iniyakan mo hindi mo boyfriend"

"Ipamuka mo pa sige"  sabi ko sabay batok sa kanya

"aray a ! totoo naman kasi buti nga bati na kayo e" sabi nya pa

"Ay nako ,tumigil ka na nga kakangawa dyan nakakarindi yang muka mo" sabi ko

"ganda a .. punta muna ko sa cr magreretouch ako ,ayokong matulad sa pagmumuka ng chelly clown na yun" sabi nya tsaka nya binitbit yung bag nya palabas

Ang arte , sabi ko na iiyak din sya e .. Nasaan na kaya sila criza ..buti hindi ko pa nakikitang nag aaway sila criza at jack ,takot lang ni jack kay criza abugbog criza sya don hahhaha

Naisipan ko munang pumunta sa SC Office magpapa aircon lang naman ako don, o kaya magwawifi may 15 minutes pa naman before class.

Pagpasok ko nakita ko si Jolly na naka upo sa sofa umiiyak din, juskooooo nasa loob ba ko ng isang drama na movie nakakaasar a

"uy seica ikaw pala" sabi nya ,sabay punas ng luha nya . "sorry a naabutan mo pa kong umiiyak"

"ay hindi ok lang si marga din kasi umiiyak hehe,bakit ba ang drama ng mga tao ngayon nakakaloka" sabi ko , ngumiti lang sya pero halatang mapait na ngiti

"buti ka pa happy happy lang hindi mo nararanasan masaktan,tung break up,nakakainggit haha *sniff*"

Kala mo lang yun prend ,umiyak na din ako .

Kinwento nya sa akin kung bakit sila naghiwalay ni mac mac, ang sabi nya ilang beses na daw silang nag aaway ng dahil sa oras para sa isa't isa ,tapos may time pa na nahuli ni jolly si mac na may katext na ibang babae . Nakakapagod din daw umintindi.
Magboboyfriend pa ba ko ? baka maranasan ko din yun ,kakalerki !

*time check
9:20am*

Ay potek ! late nakoooooo

"Sige Ms.P emote ka lang dyan kailangan ko ng pumasok sa klase late nako ng bongga,keri mo yan magiging maayos din ang lahat ha ...sige babush" sabi ko at lumabas na ko at tumakbo na ,ayan chika pa more

"Baluga!" anak ng !

Oh ..Gwapo ng nilalang nato a ..

Erase ! huy seica tigil aba

"ano?"

"Bakit wala ka pa sa klase ? baliw ka late ka na!" sigaw nya

"alam ko,kaya nga natakbo nako diba tawag ka pa ng tawag" sabi ko

"ay ahahaha sige pasok na , anong oras tapos ng klase mo?"

"3:00 ,4 subjects kami ngayon"

"sige antayin kita, samahan mo ko"

"saan nanaman?"

"sa mall may bibilhin lang ako"

"lilibre mo ba ko?"

"oo"

"sige ..byeeee" sigaw ko sabay takbo na

Hilig hilig magpasama kaya naman nya pumunta dun parang baliw wala .

Buong klase tuloy wala ko sa sarili ,Ang bagal ng oras ! dalian mo naman mag 3:00, Boring pa sa history,dagdagan pa ng katabi mong tulala ,hay marga kaya ayokong broken ka e wala akong kadaldalan .

"Criza" bulong ko sa katabi ko

"o?"

"Wala lang hahahaha gusto ko lang sabihin na mukang tanga si marga tignan mo"

"pfft. hahahaha ang sama mo prend!" sabi nya ,nanghampas pa

"tawa lang girl walang hampasan,hindi ako si jack sabunutan kita" tapos hinila ko yung buhok nya ,sanay naman na sya na ginaganyan ko sya
Si marga naman wala pa din kibo pero nakakasagot sa quiz yun lang yung maganda sa kanya .

Pagtapos ng pangatlong subject namin pumunta muna kami sa canteen may 30 minutes break pa bago ang last subject, At heto nanaman po tayo sa madrama rama nila.

"inom tayo mamaya sa bahay guys" matamlay na sabi ni marga

"Tara baka sakaling makalimutan ko tung sakit na nararamdaman ko ngayon" sabi naman ni mac

Napatingin nalang ako kla macie ng nakataas ang kilay tapos bigla silang sumenyas na sumang ayon nalang kami

"Hindi naman ako umiinom e" sabi ko

"Iinom ka lei ! hindi pwedeng hindi!" sigaw ni marga

Suntukin ko kayo e nandadamay pa kayo sa kaartehan nyo nakaka asar ,hindi pa naman ako sanay uminom madali akong malasing kahit ladies drink.

After class sabay sabay na kaming pumunta kla marga,kaya pala ang lakas magyaya wala yung parents nya sya lang pala mag isa ngayon tapos iinom sya ,siraulo din -_- pano ko ba naging kaibigan to

--
Hi guys ! pasensya sa mga typos kung meron man hehe

Still into youWhere stories live. Discover now