🌸CHAPTER 22 INTRAMURALS P.1

2 0 0
                                    

Kinabukasan ayon akala ko masusulit ko yung araw ng sabado at linggo yun pala hindi ,nasa school kami at mag aayos ng gym pati ng mga booth na bubuksan sa araw ng intrams hooooo bakit ba kasi ako ang nilagay sa ssc e potek talaga imbis na happy happy lang.

"Seica himala walang nangungulit sayo" sabi ni ms.P na tinutulunga ko sa pag gugupit ng mga art papers na gagamitin sa pagdedesign

"huh? sino namang mangungulit?" tanong ko

"duuuuhhh ayun o si alexer ,grabe kung hindi ko lang jowa si mac mac jojowain ko yan e,bukod sa magaling magprogram,pogi na magaling pa basketball san ka pa ! kay alexer ka na ! hahahaha "

"luh ! pogi ba yan hahaha," sabi ko

Mula kanina kasi pagdating namin sa gym nihindi nya talaga ko pinansin o kinausap,pag uupo sya dun sa bench dito sa gym nahuhuli ko syang nakatingin tapos pareho kami iiwas ng tingin . Problema nyan ! bahala sya d wag syang mamansin kala naman nya.

"Si rissy pala sasali sa pageant ng Mr. and Ms.Intramurals representative ng tourism at wag ka ! partner nya si Jacob abnoy hahahha" sabi ni Ms.P

"ikaw Ms.P d ka sasali ?" biro ko sa kanya

"ayoko nga nako ,ano habang nagpappractice kami para sa pageant nag aasikaso ako dito ? sana lahat may super powers" biro nya ding sagot

Tinuloy na namin yung pag aayos sa gym, nasa stage palang naman kami nagdedecorate may naglalaro pa kasi sa may court yung mga IT.

kahit linggo nasa school pa din kami,kailangan kasi pagdating ng Monday ok na wala ng ibang gagawin bukod sa pag aasikaso sa magiging flow ng program sa first day ng intrams.

Pagdating ng monday 5am palang gumising na ko kahit antok na antok pa ko ,11 pm na kasi kami nagsi uwi kagabi paputol putol kasi yung pag aayos namin may mga nagpapractice kasi ng cheerdance kaya pati yung mga kaibigan ko hindi ko nakausap maghapon.

6:30am umalis na ko sa bahay ,8am dapat start na ng parade, pagdating ko sa school nandun na lahat ng SSC OFFICERS naks ako pala ang late .

"seica nasa loob ng sc room yung tshirt mo suotin mo mamaya yun a,so ayun nga yung mga naka assign sa mga booth dun kayo ha ayoko ng may pakalat kalat lang na officer, Seica and jolly kayo ang magiging kasama ko hanggang last day ng intramurals ok ?" sabi ni maam shen

tumango naman kami, Kami muna ni Ms.P yung bantay sa attendance kailangan kasi nakapag attendance na lahat bago magstart ang parade.

"Hi leeeiiiiiii" napalingon ako sa mga pumasok sa lobby . Sila marga pala at ang buong tropahan hahaha

"miss na miss nyo talaga ko e no,ayan mag attendance na kayo" sabi ko sa kanila

"uy lei bakit parang walang alexer na umaaligid sayo?" tanong ni marga na nagsusulat sa attendance

"malay ko dun,hayaan nyo na hahaha oy goodluck sa cheerdance mamaya ,yes marga at macie mga star flyers ng IT DEPT hahaha "

"D ka kasi sumali e edi sana flyers ka din" sabi naman ni macie

"baliw ang dami kayang ginagawa" sabi ko

" o sya canteen muna kami sunod ka a ilang araw ka na namin d nakakasama" macie

Nang makaalis sila ,dumating naman yung mga 4th year at nahagip ng mga mata ko si alexer na nakikipagtawanan kla ate grace .

"Good Morning Seica Lei napaka ganda mo sa black shirt chicks yess hahaha " biro ng bwiset na si Jerome isa sa tropa ni alexer

"Tigilan mo ko jerome panget a ,wala kong pera wag mo na kong utuin o ayan mag attendance na kayo tapos pakisuot ng mga Dept.shirt nyo magbabayad kayo ng lima pag d kayo nagsuot" sabi ko sa kanila

Still into youWhere stories live. Discover now