🌸CHAPTER 11 : Student Council Secretary

7 0 0
                                    

"Akala namin hindi ka na dadating" bungad saken ni marga pagdating ko sa school

"dumating ako pano ba yan" sagot ko naman

Gusto ko pa talagang matulog, kung hindi lang kami maagang aalis mamaya pa gising ko

"tara na tara na, para matapos agad tayo ng masimulan na yang Proposal" macie

Ginamit na namin yung kotse ni raniez buti nalang malaki laki kotse nya kasya kaming 5
Napapapikit nalang ako habang nasa byahe gawa ng antok kaya ayokong nagpupuyat e

"girl sino nanamang pinagpuyatan mo ha? Antok na antok lang? " criza

"alam ko kung sino hahahahaha yyyiiieeee ikaw seica ha" asar saken ni macie na naka upo dun sa shutgun sit

"huh? "

"nakita ka namin ni raniez sa 7/11 kagabi, bumili ka nga ng dalawang hershey's na ice cream.. Infairness sa kasama mo kagabi ang gwapo ha"

"mas gwapo ako bi" singit ni raniez

"basta bi mahal na mahal kita drive ka lang dyan" sabi naman ni macie

"gwapo ba ko bi? Ayaw mo namang sagutin e!  D mo na ko mahal nu "

"mahal kita bi, tumigil ka na dyan sa kaartehan mo baka itulak kita palabas ng kotse.. Love you bi"

"Tigilan nyo na kalandian nyo barilin ko kayo e" singit ko, nag kaka ilove youhan na e

"sabihin mo lang kung naiinggit ka seica.. Mag i love you ka din duon sa kasama mo kagabi yyyyiiieeeee HAHAHA"

"potek kayo.. Ano malayo
pa ba? "

"ayan na o, pwede wait? " Kakalbuhin ko tung raniez na to

Pagkapark ni raniez nagsibaba na kami sa kotse, nandito kami sa isang restaurant may POS naman sila so anong problema nila?  HAHAHAHA charot!

"Good morning :)" bati samin ni ate girl na nasa counter

"Good morning din po, Question lang po may existing system po ba kayo na ginagamit? " tanong agad ni macie, straight to the point a

Buti nalang lumabas yung manager kaya yun nalang kinausap namin mabuti nalang pumayag para hindi na kami maghahanap, pumirma na din sya sa letter at nagsuggest na din yung manager ng stock inventory yung kailangan nila.

"kaya bi?  Stock inventory" tanong ni macie kay raniez na tulala na ngayon

"huy!  RANIEZ!  Ano tulaley? " sigaw ulit ni macie

"Kaya yan bi hahaha ako pa ba? " sagot ni raniez.. Mahangin din e

"uy seica nagchat si sir deil sa gc.. Pasok ka daw maagakailangan ka sa SSC? " marga

"bakit?  E hindi naman ako officer dun"  ako

"i dunno.. Tara samahan ka na namin para maganda " marga

Bumalik na ulit kami sa school, ano naman gagawin ko sa ssc?  Lagi namang akong complete uniform, nagsusuot ako ng 2inch na Sapatos.

Pagdating namin sa school nasa lobby lang si sir deil

"Seica secretary ka na ng Student Council"

Ano daw?

"a-ako po?  Bakit po? "

Hindi ba nila alam na ayoko ng madaming gawain! Nasaan ba yung stacey na yun sya kayayung secretary sabay magiging ako? 

"Nagtransfer na kasi si stacey sa New york so kailangan ng bagong secretary, tinanong ko yung mga classmate mo sabi nila ikaw nalang masipag ka naman daw" paliwanag ni sir

Still into youWhere stories live. Discover now