🌸CHAPTER 25 INTRAMURALS P.4

1 0 0
                                    

8am na ng umaga ng magising ako,luh grabe ang bigat ng mata ko ,kinuha ko yung maliit kong salamin sa gilid ng kama ko at tinignan ang muka ko
Grabe yan ang panget ko naman magang mata jusko ayan iyak pa

Dahil mamayang lunch pa naman ako pupunta sa school tumambay muna ko sa Terrace dito sa taas, pumikit ako para damahin yung malamig na ihip ng hangin , nung biglang tumunog yung phone ko

Calling ..RAFAEL

yes ?

[Feel na feel yung hangin a hahahaha]

che !

[nandito ko s terrace namin tapat tingin]

tumingin naman ako para makita kung nasaan sya aba ang baliw kumaway pa muntanga

[mugto ba yang mata mo?]

hindi cute lang talaga yung mata ko .

[weh ? bakit ka umiyak ? kwento mo na]

Long story my friend

[Kahit bukas pa matapos yan makikinig ako]

ay iba hahahaha ,sige na nga

Kinwento ko kay rafael yung dahilan king bakit ako umiyak,mapapagkatiwalaan naman yung lalaking yun kaya ok lang tsaka willing naman daw syang makinig e ,wala kasi si mommy ngayon nasa tagaytay kasama ng mga kaibigan nya nung highschool reunion daw jusko .

[Baka naman hindi na paghanga nararamdaman mo, mahal mo no?]

hindi ko alam

[Imposible hindi mo alam ,ikaw yung nakakaramdam nyan dapat alam mo]

mahal ko ba ? siguro ? hindi naman siguro ako iiyak ng ganun kung hindi

[Ako nga din ganyan din yung feeling ko ngayon,may gusto akong babae pero may gusto syang iba,mahal nya na nga yung nagugustuhan nya]

hatch ! sino ba yun sasampalin natin

[sige sampalin mo yung sarili mo]

huh ? may binubulong ka dyan na hindi ko maintindihan

[HAHAHAHA wala , anyway wala kang pasok ngayon?]

meron pero last day ng intrams namin ngayon may pageant kaya busy busy ako ngayon

[aa.. edi gabi na uwi mo nyan? sunduin nalang kita mamaya tapos punta tayo dun sa milk tea house na tinambayan namin ng mga classmate ko nung isang araw masarap milk tea dun tsaka yung fries ang dami]

libre mo ba ko ? joke lang hahahaha sige sunduin mo ko mga 10:30pm ako naman manlibre nakakahiya naman sayo diba ikaw na nga yung sumundo sa akin,24/7 ba yung milk tea house na yun ?

[oo naman , sige sige sakto makakatulog muna ko 3pm kasi uwi ko mamaya hahaha ,sige i'll pick you up at 10:30pm, sige bye na baka malate ako sa kadaldalan mo hahaha]

ikaw madaldal oy hahaha sigesige byeeee ingat see you later .

Pagtapos nun inend na nya yung call at kumaway na tsaka sya patakbong pumasok sa loob,baliw talaga buti nalang may food buddy  ako hahaha bukod sa kapatid kong kuripot at sa mga kaibigan ko

Pumasok na din ako sa loob para mag asikaso na ,bumaba muna ko para kumain nagugutom na din ako

"o sanjie ,late ka na "

"late ka dyan ? 10am class ko ngayon" sabi nya tsaka kumain nung hawak nyang sandwick

"pasensya hahahaha oy wag ka munang matulog mamaya a antayin mo ko mga 12  or 11:30 nako makakauwi may event sa school" sabi ko at sumabay na din sa pagkain

Still into youWhere stories live. Discover now