🌸CHAPTER 15

2 0 0
                                    

Marga

"Babe penge ako nung piatos A .."

Tutuluyan ko ng putulan ng kamay tong lalaking to may kamay naman sya ,napapa isip na din ako kung bakit ko nging boyfriend to ..

Well kanina pa kami dito sa bahay nila raniez halos 3 or 4 hours? Wala pa ding text si Lei .. nanood na kami ng movie tapos ngayon naglalaro lang ng Mobile Legends yung boys kami namang girls eto girls talk lang busy sila ayaw kaming kausap , kakausapin lang kami kapag magpapasubo ng chichirya tsk!

"Ano meron kla seica at Alexer?" Tanong ni macie

"Ewan? Friends?" Sagot ko ,miski naman kasi ako hindi ko alam kung anong label sila kung meron man  o di kaya friends lang talaga

"Duhhh anong friends? E parang may something sa kanilang dalawa , kanina nga holding hands pa" sabi naman ni crizel na busy sa pag gupit ng kuko ni jack sa paa HAHAHAHA hype na dalawang to

"Hayaan nalang natin kung ano mang meron sa kanila ..Happy pa nga ako kasi diba girls!NBSB si bunso hahahaha" macie

"Tama hahahaha hayysss kailan kaya magkakaboyfriend si beshycake"

"Baaaaabbbeeee piatosssss"

"Isalpak ko kaya sa bunganga mo to kasama pati plastik ! Hoy dean tigilan mo na kakalaro mo dyan magreview ka na!  Akin na yan ako naman !" Sabay agaw ko sa kanya ng phone nya ..sya yung may quiz na ayaw mag review

---
Lei

"Luh be tignan mo ang gwapo talaga ni alexer"

"Oo be naman! Jusko hindi ko alam kung bakit hiniwalayan yan ng ex nya "

Kanina pa sila nagchichismisan ha! Papagulungin ko na sila pababa ng bleacher

Nagugutom na ko kanina pa ko nakatunganga .sabayan pa ng nagsend si macie sa groupchat namin na nakain sila kla raniez with matching movie marathon

"Ok ka lang?" Tanong saken ng pawisan na baluga hot nya dyan ..hmm! Harot harot

"Muka ba kong ok? Kanina pa ko nakaupo gutom na ko"

"Tara na"

"Saan?"

Naglean sya kapantay ng muka ko ng may nakakalokong ngiti

"Sa washroom"

"A-ano?!"

"HAHAHAHAHAHHA  namumula hahahaha"

Halos mamamatay na yata sya kakatawa ngayon boset .

"O ? Ok na? Happy ka na masyado"

"Hahaha wait lang magpapalit lang ako dyan ka lang a"

Kinuha nya yung isang bag nya para magpalit ,dumaan naman yung mga mokong nyang kaibigan na walang ibang gawin kundi mag asar

"Lex tara na mamaya na lambingan yyyyiiieee hahahaha" asar sa kanya ni jaydee

"Hi seica ^_^" bati naman saken nung dalawa nya pang kaibigan

"Hello mga baliw hahahah" bati ko din sa kanila

"Wag kang aalis dyan a lagot ka saken" bulong saken ni alexer bago sila umalis

Hayyysss ano beyen kami ba ha?kami ba? Kung maka bilin wagas

*Calling: Marga*

"Yes?"

[Girl ano na? 12 noon na nasa school pa din kayo?]

"Paalis na din kami nagpapalit lang si alexer ..sige na kita kita nalang sa bahay wag muna kayong pumasok a hahahaa"

[Wow pag aantayin pa kami dalian nyo na prend!]

"Kailangan sumigaw? Oo na eto na aalis na nandito na si alexer babush"

[Okieeee bbyyyeeee]

Huhu gutom na talaga ko food please kahit tinapay lang ho

"Ichura mo hahahaha"  pagbalik nya ,amoy na amoy talaga yung pabango nya

"Che!tara na tumawag na sila marga "

"Akala ko ba gutom ka na"

"Oo nga.. pero sa bahay nalang ako kakain"

Tumango lang sya tsaka nya ko hinila sa parking lot para kunin yung kotse nya . Kung malambot lang buto ko kumalas na yung braso ko sa katawan ko .

Habang busy sya sa pagdadrive kachat ko naman sila marga na malapit na pala sila bahay .

"Andyan na pala sila e"

Tumingin ako sa bintana ng kotse para makita kung nasaan sila . Akala mo mga kinaganda at gwapo yung pag shades nila sa labas ng kotse

"Artista ba yang mga kaibigan mo?"
Natatawa nyang tanong

"Hindi ko sure ,baka artista na"

"Hahahaha tara na "

Nagsilingon naman sila nung nakita na kami ni alexer naka cross arms pa yung tatlong babaita

"Grabe ang tagal nyo kanina pa kami dito muntik na kaming matusta" reklamo ni macie

"Dyan muna kayo mamaya na kayo pumasok kapag tusta na kayo" tsaka ko sila nginitian

"Sabunutan ka kaya namin?" Sagot naman ni crizel

"Pasok na hahahaha galit na galit"

Nakasalubong naman namin si mommy na kakababa lang

"Hello my beloved mother muah! " kumiss naman ako sa pisngi nya

"Hello mommy good afternoon"  bati nung apat pero si alexer nakatingin lang wow ha walang nakita?

"Hello hehe sige punta na kayo sa kusina dapat tanghalian nyo yun kaso sabi ni seica hapon na kayo makakadating kaya pinainit ko nalang yung kaninang tanghali" paliwanag ni mommy sa kanila pero mukhang hindi sila nakikinig mga nagniningning lang yung mata

"Ok lang po mommy hahaha punta na po kami dun gutom na din po talaga kami hahahahaha" bwiset na raniez talaga to

Naiwan naman kaming tatlo nila mommy at alexer ..awkward potek hahaha

"Hello mommy ako po si alexer nice meeting you po " tapos nagmano pa sya

Ako? Eto naka nganga dahil sa ginawa nya nihindi ako naka react

Ano daw?! Tinawag nya si mommy ng MOMMY ?

"Ikaw pala si alexer ikaw yung nakekwen"  agad akong umentra sa usapan nila bago pa masabi ni mommy yung gusto nyang sabihin

"A -a m-mommy kakain na po kami gutom na po ako kanina pa huhu love you mi"

Hinila ko na agad si alexer papunta sa kusina baka kung saan na mapunta yung kwento ni mommy nakakahiya na sasabihin nanaman nya na lagi kong kinekwento si alexer sa kanya ..nakakahiya a

Pagdating namin sa dining area nagulat ako nung lahat sila nakatingin sa aming dalawa ni alexer

"O grabeng tingin yan a" sabi ko

"Lei kailangan talaga holding hands pupunta lang dito?" Marga

Napatintin agad ako sa kamay namin ni alexer ..

OMG ! Bayan! Bakit ko ba hawak kamay neto!

Bumitaw agad ako sa kamay nya at umarte na parang wala kong ginawa , sya naman ngumiti ng nakakaloko nakaka asar ha

"Holding hands pala a" sabi nya tapos umupo na sya katabi ng sa pwesto ko

Ako? Eto hindi ko alam kung anong pwede kong gawin sa kanya bugbugin ko na ba?

Pagkatapos namin kumain lumipat na kami sa sala para gawin na yung sa thesis namin . Si raniez ayun sabog na utak kakapasok sa utak nya nung mga codes na tinuturo sa kanya ,kami namang girls nagdodocu tapos print ..o diba pati pagpiprint dito na din sa bahay parang napaka yaman namin sa ink hahaha

---
Ahuhuh hi guys! May nagbabasa nga ba ? Anyways kung may nagbabasa man sarreh slow update slow pa sa slow ..

Still into youWhere stories live. Discover now