🌸CHAPTER 23 INTRAMURALS P.2

1 0 0
                                    

Its been 5 days mula nung nagstart ang intramurals,Its been 5 days na din na hindi kami nagpapansinan ni alexer ,No ! 7 days pala !

Pero 5 days na din akong pagod hahahaha charot ! pero totoo ang hirap maging ssc officer madaming dapat gawin .

Nakatambay muna kami ni Ms.P sa Movie Booth walang tao kaya mas lalong dama yung aircon sa loob nitong room. May laro kasi ng basketball ngayon ,Championship mga excited yung ibang estudyan kaya nagsihanap na ng mga pwesto nila.

Business Adm. Dept Vs. Info. tech. dept ang maglalaban sa championship . yea pinag iisipan ko pa kung manonood ako. Nung naglaro kasi ng basketball simula nung 1st day hanggang kahapon puro silip silip lang ako nag aayos kasi kami ng mga idedesign sa stage sa pageant bukas , Si Macie nga pala yung representative sa dept. namin ayaw pa magsabi ng totoo nung tinanong namin ,ang representative naman sa boy si Jerome panget ,kahapon pa pinagyayabang saken tuwing makakasalubong ko sya .

"seica hindi ka manonood ng championship?" tanong saken asusual ni Ms.P

"bahala na may gagawin pa diba" sabi ko

"bawal pahinga girl ? hanggang gabi tayo ngayon girl keri yan hahahaha" sabi nya

Magkakasakit na yata ako,hahaha

"oy jacob kamusta naman pagiging partner si rissy?" tanong nya naman kay jacob na busy sa pinapanuod nya sa laptop

"ayun ok naman pero minsan nakakabwiset kausap walang ibang ginawa kundi magcellphone muna  bago sya kikilos minsan nga nahuli ko yun iniistalk yung wall ni alexer sa facebook" sabi ni jacob na tutok pa din sa pinapanuod nya .

Maya maya din napatigil sya sa sinabi nya at tumingin sa akin pati si Ms.P

So iniistalk nya pala si alexer , so may feelings pa ? At posibleng may feeling pa din sa alexer sa kanya . So may chance na magkabalikan ?

Hayyyy ano bang pakealam ko diba?

"seica .." tawag nila sakin

"oh ? chura nyo hahahaha tara nuod tayo sa gym kanina pa tayo dito baka maging yelo na tayo dito" pagkasabi ko nun tumayo na ko at niyaya na silang lumabas

Pagdating namin sa gym nandun na yung mga players both teams . Hinanap ko kaagad sila macie pero d ko makita badtrip !

"seica dun muna kami kla maam shen,san ka ?" tanong ni jacob

"sige lang,hinahanap ko yung mga classmate ko e" sagot ko

"sure ka dito ka lang ?" tanong naman ni Jolly

"oo naman hahaha sige na " sabi ko . Umalis naman na sila potek e asan na ba yung mga baliw na yun ang dami kang tao dito sa court

"uy rissy ang dami mong tubig na dala a"

"like sa usual na ginagawa ko be ano ka ba hahaha kay alexer ko to syempre number 1 supporter pa din ako nun"

"grabe ang swerte talaga sayo ni alexer"

Tapos dumaan sila sa gilid ko, Si rissy at yung mga kaibigan nya . Sinadya bang iparinig sa akin ? o sadyang narinig ko lang talaga

"hoy seica lei! kanina ka pa namin hinahanap tara don" biglang sulpot ni Macie at marga sa gilid ko may dala ding tubig

Hinila na nila ko papunta sa kabilang side ng court,kung saan nandun yung bench ng Players ng Department namin.

Sa may 3 row kami ng mga upuan umupo,puno na kasi sa bleacher kaya dun na kami sa pwesto ng mga players umupo.

Nakikita mula dito sa likod ang magkatabing sina alexer at rissy na nagtatawanan .Parang may kung anong bagay yung tumusok sa dibdib ko habang nakikita sila masaya sa harapan ko . Kaya pala ok lang na hindi nya ako kausapin ,ok na pala sila . Hahaha ano ba to ! sino nga pala ko diba para magtanong ng ganito .

"huy lei ok ka lang ?" bulong ni Marga na katabi ko

"h-ha ? o-oo nanaman" sagot ..

Ok nga ba ko ?

Nagstart na yung game , Halos puro tilian at sigawan na yung bumabalot sa loob ng gym , lamang ng 5pts. yung department namin

12-7

hanggang nanghingi ng time out yung kabilang team nagsilapit naman sa bench yung mga players , natatawa nga kami kay macie parang tanga ,ang oa sa pag aalaga kay raniez e , Napatingin ako sa nasa harapan ko

si rissy inabutan nya ng tubig si alexer tapos pinupunasan yung pawis nya nagngingitian pa .

Badtrip ! ano seica lei ! wag mo kasing tignan !

Muling bumalik sa game .. patagal ng patagal yung game ,nakakalamang yng kabilang team pero mabilis din namang nakakabawi yung dept. namin .

4th quarter na last 5 mnts. nalang nasa bench ang players time out ,

"hoy raniez ! ayusin mo laro mo a ! putek pag ikaw hindi pa naka 3 pts mamaya kutos ka saken ,subukan mo naman kahit isa lang bi ! gusto na kitang kutusan sa court kanina nako" sigaw ni macie kay raniez nagtatawanan na nga kami nila marga kanina pa ganyan yan kada natatapos yung quarter.

pero yung mga mata hindi talaga maiwasan na mapatingin sa nasa harapan ko .

Ano ba ! iniiwasan ko a kanina pa!

Nagtatawanan sila habang nagpupunas ng pawis si rissy sa muka ni alexer , nagulat ako nung biglang napalingon si alexer sa pwesto ko .

Hindi ako makakilos,makapagsalita . Nakipagtitigan lang din ako sa kanya . Hanggang sa sya na din yung bumawi ng tingin nya at nginitian si rissy .

Parang ang sakit na , Gusto ko ng umalis pero hindi ako makagalaw.

"lei kanina ka pa tahimik ,may problema ba ?" tanong ni criza

"wala a pagod lang to baliw hahaha "

Tinuon ko nalang ulit yung mata ko sa panonood, nagtilian yung mga tao nung naka 3 pts ulit si alexer ,si rissy naman nagtititili habang tumatalon, tumingin sa kanya si alexer tsaka nya ito kinindatan .

Nakaka inggit lang , sana ako nalang sya,sana ako nalang si rissy yung number 1 supporter nya ,naalala ko pa nung last year na intrams isa ko sa mga babaeng halos nagtitili at nagtatalon kapag nakaka 3 pts si alexer pero ngayon niwala kong reaction, mas gusto ko pang umalis nalang

KKKKYYYAAAAHHHHHH !!
CONGRATS IT !

Narinig kong sigawan nila lalo na si macie na niyapos agad si raniez nung naka 3 pts kanina

.Ang iingay ng mga nasa paligid ko ngumingiti lang ako , Nakita ko si rissy na na tumakbo palapit kay alexer at yumakap ganun din si alexer isang bagay lang yung nakapagpaalis sa akin ...

Nung hinalikan ni alexer sa noo si rissy tapos nagngitian sila ,bagay talaga sila. Siguro nga sila talaga at hanggang ganito lang ako sa kanya .

Hindi ko na kinakaya yung nakikita ko,ang bigat na ng mata ko may kung anong tubig yung pumatak mula sa mata ko tumayo agad ako at tumakbo na paalis sa court .

Ang sakit na ,ang sakit sakit na .

Narinig kong tinawag nila ko pero hindi ko sila nilingon namalayan ko nalang na papunta na ko sa likod ng school, sa garden . Kung saan walang tao .
Kung saan pwede kong ilabas lahat ng luha na kanina ko pa pinipigil dahil sa mga nakita ko kanina .

Bakit ba ko nasasaktan ng ganito ?
Nagseselos ako ? OO SELOS NA SELOS NA PWEDE LANG ISIGAW KO NA SANA AKO NALANG SYA !

**
yyiieee hi guys !

Si Ms.P at Jolly/Jollyienne ay iisa lang po ha hahaha

keep on voting guys ,sorry sa mga typo at kulang na mga letters hihi

Still into youWhere stories live. Discover now