🌸CHAPTER 31

2 0 0
                                    

Nakakailang bote na sila pero ako stay pa din sa San Mig Apple na hawak ko ,Yun nalang yung nirequest kong iinumin ko ,Hard kaya yung iniinum nila,duuuhhh baka nakaka ilang tagay palang saken tulog nako .

Si marga umiiyak nanaman nagdadrama ,hindi pa naman sila hiwalay ni dean ! magkaaway lang aba ! , Si mac ayun chill chill lang tapos na daw kasi syang umiyak . Kaya ayun pinagtatawanan nila si marga.

Pagtingin ko sa wall clock 6:00 na !

Ay shet ! nagpapasama nga pala si alexer. Pero hindi pa sya nagtetext or tumatawag, usually kapag ganun galit na galit na yun tapos tatawag or magtetext. Ako nalang yung kusang tumawag baka sakaling wala lang syang load.

[Hello? Baluga sorry, nasaan ka ? nakauwi ka na ba ?]

Nasaan ba tung balugang to ang ingay masyado ng background ano may party party sa school?

"Nandito ako sa bahay nila marga, nakalimutan kong nagpapasama ka pala ..Nasaan ka? ang ingay a"

[Kasama ko si jolly ,bukas nalang tayo tumuloy ok lang ba ?]

Jolly? bakit nya kasama si jolly?

"o-ok lang ano ka ba sige bukas nalang, bakit mo nga pala kasama si jolly? nasaan ba kayo?"

[Tumawag lang sya sa akin nandito sa bar,sinundo ko lang lasing na lasing na kasi]

"aa..ok sige"

[sunduin nalang kita dyan send mo sa akin yung address,para paghatid ko kay jolly derecho nako dyan]

"w-wag na wag na ok lang ako kaya ko naman umuwi"

[hey Lex inom ka,ano ka ba shino ba yang kaushap mo ha-- Baluga tawagan mo nalang ako  pag nakauwi ka na]
then he hang up

Bakit sa dinami dami ng pwedeng tawagan ni jolly si alexer pa ?

"duuuuhhh ayun o si alexer ,grabe kung hindi ko lang jowa si mac mac jojowain ko yan e,bukod sa magaling magprogram,pogi na magaling pa basketball san ka pa ! kay alexer ka na ! hahahaha "

d kaya ?

Hayyy seica ! wag ka ngang mag isip na kung ano !

Tinuon ko nalang ulit yung atensyon ko sa mga nagdadrama ngayon jusko kanina pa ,kelan kaya sila titigil,no choice makikinig nalang din ako .

Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog yung phone ko

Calling ..
Baluga

ay shet ! Nakalimutan kong tumawag kagabi .

"Hello"

[papasok ka?]

"malamang"

[sigesige]
tapos pinatay na nya .. ano yun tumawag lang para itanong kung papasok ako ? baliw wala .

Kumilos na agad ako para makapasok na ,derecho agad sa cr.

"Hi lei !" Bati ni marga , aba mukang good mood na a

"ngiting ngiti ka ngayon friend a , anong meron?" tanong ko

"wala naman lei , nagbati lang naman sila ni dean kagabi pumunta ng hating gabi don nagiiyak sa harap ni marga" paliwanag ni criza

Oo ng pala kla marga nga pala natulog si criza kaya sila macie yung kasabay ko umuwi kagabi .

"Edi mabuti ,diba nagsayang ka lang ng luha mong babae ka arte nyo" biro ko kay marga ,inirap nya lang ako hahaha totoo naman kasi ang drama drama nika kagabi .

"Uy lei si alexer yun diba ? magkasama pa sila ni jolly,kelan pa sila naging close?" tanong ni marga ,naka akbay pa sa akin akala mo talaga mas matangkad sya sa akin e pantay lang naman kami . Tinignan ko kung saan nakatingin sila marga,magkasama nga yung dalawa at mukang busy sa pagkekwentuhan.

Still into youWhere stories live. Discover now