🌸CHAPTER 21

2 0 0
                                    

After ng meeting namin na inabot ng isa't kalahating oras dahil may halo pang lokohan . Dumerecho na muna sa canteen mabuti at andun na ang tropahan naglalaro pa ng uno cards .

"oy sali !" sigaw ko at tumabi kay kuya mac

"aga mo a " sabi ni macie

"nagmeeting kasi kanina sa OSA"sabi ko " Jusme inabot ng isa't kakahating oras yung meeting  pano may kalokohan pa yung ibang officer"

"girl parang wala si baluga mo a " sabi naman ni marga na nakatingin sa hawak nyang cards sabay lipat ng tingin sa akin

"nagpunta yun kanina sa OSA may binigay lang -"

"ANONG BINIGAY ?YYYYIIIEEE" sabay sabay nilang tanong
Sa totoo lang malapit ko ng iunfriend tung mga to ! lahat nalang jusko

"Basta!" sigaw ko "ayun nga may binigay lang sya tapos nagpaalam na pupunta daw sya kla kuya jameson gawa nung thesis nila"

Bigla naman sila nagsingiti n parang mga ewan

"ay nagpaalam" raniez

"ay may something na " macie

"ay hindi nagsasabi"marga and criza

"ay pinapaasa" naningkit naman yung mga mata ko dahil sa sinabi ni fernie ,walanya talaga tong negrong to !

Pinagbabatukan naman sya nila macie dahil sa sinabi nya .. Napapa isip tuloy ako ,pinapaasa nya lang talaga siguro ako , baka binibigyan ko lang talaga ng meaning lahat ng ginagawa nya .

"aray naman ! macie kanina ka pa a! suntukan  nalang o " sigaw ni fernie tapos nag fighting position sya muntanga

"oy seica ok ka lang ?" baling saken ni macie "lagot ka fernie ! ayan na wala na sa mood si seica , ikaw talagang lalaki ka patagal ng patagal padilim ka ng padilim sa paningin ko !"

Napahagalpak tuloy ako ng wala sa oras dahil sa sinabi ni macie ang dakilang laitera talaga yan .

Maya maya din nagsipunta na kami sa klase namin na 2 hrs lang naman nakaka inis .

---
"uuuuyyyy san tayo ngayon ?" sabi ni marga na busy sa kakablush on ,sampalin ko nalang kaya to 

Kakatapos lang ng klase namin at nasa cr kami para magretouch daw kaartehan nanaman nila .

"d ko alam tanungin nyo sila mac" macie

"yes ? narinig ko pangalan ko" tanong ni mac na nakasilip sa

"ang talas talaga ng tenga ng baklang" macie

"o mac san daw tayo ngayon?" tanong naman ni criza na busy sa phone nya asusual katext nya si jack

"may cd akong dala horror tara tambay na saang bahay?" taning ni mac tapos pinakita nya yung dala nyang cd ,aba tatlo pa

"kla macie naman" suggest ni marga

"ok lang wala pala ngayon dun si mama,tara na daan muna tayong hypermarket bili na tayong pagkain"

**
Halos hindi ko alam kung may boses pa ko pag uwi e ,puro kami sigaw walanyang mac mac kasi to e horror kung horror .

Si Macie at raniez ayun nagluluto ng dinner kasama ko ngayon ang tatlong lovers Si Jack at criza,marga and dean,mac and fernie HAHAHAHAHA

Babarilin ko tung dalawang lovers e kung hindi ko lang mga kaibigan sarap pagbabarilin ,sumunod kasi kaninang mga 3pm sina jack at dean pagtapos ng klase nila .

At eto ako ngayon nagdodocu para sa chap 2 and 3 walanyang macie to e wala naman daw akong partner kay yung laptop nalang .
.
"guys tara na dito kain na" tawag samin ni macie na tapos na maghain

Nagsipunta na kami gutom na din kami sa totoo lang ,char.

"uy may natunog na phone" raniez

"Seica sayo yun spring day e hahahah" sabi ni marga ,ay iba alam na alam

pumunta ko sa sala para tignan kung sino yung tumatawag .

Alexer ? problema nanaman neto 
Hel-

[nasan ka?]

nandito ko kla macie why?

[anong oras na? ]

tumingin naman ako sa wall clock..

8:30

[umuwi ka na]

luh nagpaalam ako kla mommy kanina nagtext ako

[kahit na alam mong babae ka e]

luh ! mamaya may kasabay naman ako ..byeeee

[umuw-]

hinung ko na agad yung call bago pa sya magbunganga ng bongga kla mo tatay ko o kuya ko .

"si baluga yun no ?" bungad ni criza

tumango lang ako at sinabi kong pinapauwi na ko ..

Caring a ..boyfriend ko ? ,nag aassume na talaga ko sa mga paganyan ng lalaking yan

"pinapauwi nako" sabi ko

"ay ? boyfriend lang ?" marga

"bala sya hahahaha nagtext ako kay mommy kanina" sabi ko sa kanila at tinuloy ko na din yung pagkain ko .

Pagtapos namin kumain tinulungan muna namin si macie magligpit sa bahay nila ,nagpahinga kaunti hanggang nagkayayaan na umuwi ,sumabay na ko kay raniez may dala naman syang sasakyan kasama sina fernie at mac at asusual yung dalawang couples nasa kanya kanyang sasakyan .

Pagdating sa tapat ng bahay bumaba na ko at nagpaalam sa tatlong unggoy na kinawawa ako sa kakalait nila saken sa buong byahe.

Bago ako pumasok napansin ko yung kotse na nakapark sa gilid ng gate namin .

teka ... Alam ko kung kanino to a!

Tumakbo ako papasok sa bahay para malaman ko kung nandito nga sya .
Pagpasok ko sa loob .. confirmed

"o ate anong oras na a"
bungad ni sanjie  "kanina pa kaya dito si bayaw mga 3pm ? inaantay ka"

Lumingon naman si alexer sa pagkakatalikod at nilapag yung game controller .

"bayaw balik nalang ako maybe bukas ? chat nalang kita pagpupunta ko HATING GABI na din kasi" tsaka sya tumayo at kinuha na ang bag nya..Kailangang talaga idiin yung pagkakasabi ng HATING GABI? ,lumabas naman sa kusina si mommy

"o seica nandito ka na pala,alexer uuwi ka na ?" tanong ni mommy

"opo mommy magchachat nalang po ako kay sanjie pagpupunta po ako hehe thank you po una na po ko" nagbless na sya kay mommy at nilagpasan na ko

"seica hatid mo sa labas si alexer nakatayo ka lang dyan aba" utos ni mommy, bakit ? hindi ba marunong magbukas ng gate si alexer ? tssss ! sumunod nalang din ako ,paglabas namin ng gate bigla nya kong hinarap

"sabi ko kanina umuwi ka na diba "

"b-bakit ba? nagpaalam naman ako kla mommy tsaka may kasabay naman ako umuwi"

"tssss ! kahit na . babae ka dapat lang na mag alala ko" sigaw nya

"boyfriend kita ? boyfriend kita ? tsss !" sigaw ko , natigilan naman sya at tinitigan ako, maya maya ay binawi nya yung tingin sa akin at tsaka sya pumunta na sa sasakyan nya .

"pumunta ka daw sa school bukas sabi ni jolly 9am" habol nya tsaka syaa tuluyang umalis

Ano bang sinabi ko ?? totoo naman a hindi ko naman sya boyfriend ! ang oa nya masyado magreact ! hayyyyyy

Still into youWhere stories live. Discover now