🌸CHAPTER 33

2 0 0
                                    

Lei's

"mommy uwi na po ako thank you po sa meryenda" paalam nya kay mommy pagpunta namin sa kusina, nilingon naman sya ni mommy ng nakangiti

"welcome,balik ka next time a sayang wala pa si sanjie e" mommy

"ok lang po hehe balik nalang po ako pag may free time ako chat ko si sanjie agad, may long quiz din po kasi kami bukas kaya kailangan ko na po magreview" paliwanag nya pa

"o sya sige ingat sa pagdadrive a balik ka ulit" sabi sa kanya ni mommy, ako naman yung tinignan ni mommy "o seica lei ihatid mo na si alexer sa gate ,masanay ka na kasi sa future gagawin mo na yan lagi hihi" asar sa akin ni mommy kaya napa kunot ang noo kong tinignan si alexer, aba ang mokong kung makangiti!

"ngiti ka dyan? tara na uuwi ka na diba?!" sigaw ko sa kanya tsaka sa naglakad palabas kasunod ako ,nagpaalam na din sya kla marga tsaka naunang lumabas

"ginagawa mo dyan? hatid mo na yun sa labas grabe ka" utos pa ni marga kaya inirapan ko nalang sya tsaka umalis

tsh! as if naman na bukal sa kalooban kong ihatid to palabas pag untugin ko sila ni jolly e

"uwi na ko goodluck bukas" sabi nya

"mmmm.." sagot ko

"wala ka manlang bang sasabihin?"

"wala"

"selosa HAHAHAHAHA" sabi nya sabay kurot sa ilong ko

"aray! tsk! selosa ka dyan..umuwi ka na" sabi ko sa kanya pero ayaw nya pa din umalis sa harap ko habang nakasandal sya sa pinto ng kotse nya at nakatitig sa akin

"tingin ka dyan? lakad na magrereview pa kami" mataray kong sabi

"wala manlang bang ..ingat baluga o kaya take care ganun"

"muka mo! ano kita jowa? lakad na magreview ka nalang" sigaw ko

"hahahahaha sungit ge na uwi na ko goodluck bukas" paalam nya tsaka sya tuluyang sumakay sa kotse nya kumaway pa bago umalis,tinanaw ko pa sya hanggang mawala na sa paningin ko

" Girlfriend lang? hahahaha" nagulat ako nung bigla may nagsalita sa gilid ko , si rafael pala naka uniform pa

" kanina ka pa dyan?" tanong ko ngumiti naman sya sabay iling
"e anong ginagawa mo dyan?"

"wala nanood lang ako ng arte nyo hahaha"

"baliw , kauuwi mo lang? 9pm na a" sabi ko

"yyiieee worried hahahaha gumawa pa po kasi kami ng project " sagot nya

"tinanong ko lang ,worried ka dyan" sabi ko pero tinawanan nya lang ako

"tawa ka dyan, sige na pumasok ka na magrereview pa ko defense namin bukas" sabi ko tsaka ko tumalikod na para pumasok
Bigla naman nyang hinawakan yung kamay ko kaya napatingin ako sa kamay namin tapos sa kanya .

May something ... parang may kuryente parang basta! Lei ano ba!

"b-bakit?" tanong ko

"may nagtitinda pa dun sa gate ng siomai"nakangiting sabi nya

"magrereview pa kasi kami"

"ganun ba .. o sige ako nalang sige pasok ka na" sabi nya at dahan dahan nyang binitawan yung kamay ko tsaka sya tumalikod

Badtrip tung taong to lakas mangonsensya .

"S-sandali sandali . magpapa alam lang ako sa mga classmate ko" sabi ko tsaka ko pumasok sa loob ,naabutan kong kumakain na sila

Still into youWhere stories live. Discover now