🌸CHAPTER 24 INTRAMURALS P.3

1 0 0
                                    

Pagtapos kong mag iiyak sa garden bumalik na din ako sa loob .
Dumerecho ako sa canteen dahil for sure nandun ang mga kaibigan ko .

"uy lei saan ka pumunta kanina? Kanina ka pa namin hinahanap" bungad ni macie paglapit ko sa kanila

"ha? a-ano nag cr ako sumama kasi yung tiyan ko, uy raniez congrats a buti naka 3 pts ka hahahaha" sabi ko

"syempre ako pa ba ,galing ko bi diba pakiss nga" sagot ni raniez sabay yapos nya sa katabing si macie

"kiskisin ko yang muka mo e ,kung hindi pa kita sinigawan hindi ka titira sa 3 pts" asar naman sa kanya ni macie

Nagtatawanan lang kami dahil sa pambubully ni macie sa boyfriend nya hahaha

tatawa tawa pero nasasaktan na talaga hayyys.

Napunta sa pinto ng canteen yung atensyon namin nung pumasok sa canteen si alexer kasama si rissy at yung iba nyang kaibigan ,si jerome nginitian lang ako nung mapadaan sila sa pwesto namin .

Tinignan lang din ako ni alexer nung mapansin nya ko ,yung tingin nya direkta talaga sa mata ko, Oo nga pala mugto yung mata .

"Lei sila ulit?" tanong ni marga na nakatitig sa akin
Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko alam pero mukang sila nga ulit .

"teka nga lei ,humarap ka nga sakin" sabi ni marga at pinaling nya yung muka ko sa kanya "umiyak ka ba ? mugtong mugto yang mata mo o namumula pa ilong mo"

Pati sina criza at macie napatayo sa upuan nila at pumunta sa pwesto ni marga .

"hala seica bakit ?" tanong ni macie

"bakit ka umiyak ?"tanong naman ni criza

"ang sakit kasi talaga ng tiyan ko kanina d ko kinaya kaya napa iyak ako,pero ok naman na ko ngayon" pagsisinungaling ko

Kilala ko kasi yang tatlong yan talagang mamamahiya ng tao yan kung sino namang umaway at manakit sa amin.

"sure ka ? baka naman may nakain kang hindi maganda sa tiyan," sabi ni macie,si macie kasi yung pinaka caring sa tropahan kahit bully sya hahaha

"oo ok na ko kain nalang tayo" sabi ko sa kanila  ,
Nagprisinta naman sila na sila nalang yung oorder ng pagkain kaya ako lang yung naiwan dito sa table . Si mac kasi nasa ssc office daw kasama ni Ms.P , si fernie umuwi na dahil may church pa sya ,kaya yung couples lang yung kasama ko .
Kinalikot ko muna yung phone ko ,matagal pa sila mahaba kasi yung pila Dinner time na kasi.

Ting ! (1 message)
Alexer Vuidez
oy baluga ,umiyak ka ba ? bakit mugto yang mata mo?

tssss ! akala mo talaga caring e .
Hindi ko sya nireplyan sineen ko lang at nagtingin tingin nalang ng mga update about sa favorite kpop group namin nila Marga at Criza na BTS , KPOP IS LIFE hahaha

Ting! Ting !(2 messages)
Alexer Vuidez
Baluga ?

Huy ganda hahahaha

Epal bwiset, hindi maka intindi na ayaw ko syang kausap ?
Pinatay ko na yung data ko tinago na yung phone ko. Pag angat ko ng tingin sakto sa pwesto nila alexer ,tinignan ko lang sya tapos binawi ko din .

Ayaw mong mamansin ? Fine ! Ok lang din naman sayo e kasi ok na kayo ni rissy .

Maya maya din dumating na ang couples dala yung mga kakainin namin kaya balik nanaman ako sa dati kong mood kailangan wag magpahalata .

"Seica hanggang mamaya pa daw kayo sabi ni jolly?" tanong ni criza

"Oo mag aayos kami para sa pageant bukas,para bukas konti nalang aasikasuhin" sabi ko

"hala pano yan ,aalis kami lei mamayang 7pm sasamahan namin si Macie kukunin yung costume nya sa fantasy tsaka yung sa Sports wear nila ni jerome" sabi naman ni marga

"ano naman ? kaya ko naman umuwi nandyan naman si jolly sasabay nalang ako" sabi ko

"sure ka ? nako kung d lang talaga mahalaga yung kukunin namin seica kahit hanggang umaga pa tayo dito sa school sasamahan ka namin"  baliw talaga tong si macie

"hahaha baliw , basta goodluck bukas checheer ko kayo ni jerome panget hahaha kabugan mo sa lakad a" biro ko kay macie

"pucha paano bang lakad ? yung ipo ipo walk ba yung tipong mapapatalsik mo yung mga kalaban mo hahaha" sabi nya ,lintek napapa isip nako kung paano ko sila naging kaibigan ..

Saktong 7pm nagpaalam na sila sa akin na aalis na sila ,magchat daw ako sa gc kapag naka uwi nako para aware sila na ok akong nakauwi, awwa nakakatats talaga sila hahaha

Pag alis nila dumerecho na ako sa gym nandun na daw sila Ms.P, saktong naglalabas palang ng mga materials na gagamitin.

"ayun buti naman nandito ka na seica lei kanina ka pa namin inaantay" Ms.P

"sorry kausap ko kasi yung mga kaibigan ko"  paliwanag ko

Talagang pinaghahandaan yung pageant para bukas ,Nilagyan ng extension na stage para mas malaki yung rarampahan ,yung mga ilaw inaayos na din , yung mga upuan ng audience inaayos na din, kami naman nagdedesign na para sa ayos ng stage . Halos lahat kaming ssc members nagtulong tulong na ,nako matapos lang to pahinga na ulit hooooooo .

11 pm na nung matapos kami sa pagdedecorate at paglilinis sa gym .

"o pak ! perfect ! good job guys ! after ng intrams lilibre ko kayo" sabi ni maam shen , kaya nagsigawan kami hahaha

" hoooooo mabuhay si madam shen!"

"hoooooo mabuhay ang wallet ni madam hahahaha"
sigaw nila

Pagtapos namin magligpit ng mga ginamit nag ayos na din kami para maka uwi na .
Mag isa pala kong uuwi ngayon mamaya pa pala uuwi si Jolly inaantay pa si mac pabalik palang daw .
Naglalakad na ko palabas ng university ng may biglang humawak sa kamay

"Sakay" maotoridad na sabi nya

"luh! kaya kong umuwi,ayaw mong mamansin diba ? bitaw" sabi ko tsaka ko inalis yung kamay nya sa pagkakahawak sa akin,tsaka ko naglakad ulit

Maya maya Nagulat nalang ako nung bigla nya kong hinila at binuhat ng pasampay sa balikat nya

"ANO BA ! IBABA MO NGA KO SINABI NG KAYA KONG UMUWI MAG ISA E ! ANO BA ALEXER !" sigaw ko pero hindi nya ko pinakinggan ,binuksan nya yung sa shotgun seat at pinaupo dun sabay sara ng pinto.. Sumakay na din sya at seryoso ang ichura ,siraulo din e no pagkatapos akong hindi pansinin,pagkatapos saktan tung puso ko ganun ganun nalang!

Hindi kami nag uusap buong byahe nakatingin  lang sya sa daan at ganun din ako . Pagdating sa bahay ,bababa na sana ko nung bigla syang magsalita .

"Baluga yung nakita mo kanina yung kay rissy ano -"

"kayo ulit? ano naman ?charot hahaha Alexer wag mo ng sabihin sa akin ,Congrats nagkabalikan na pala kayo hahaha ang cute nyo nga kanina e perfect couple tsaka buti naman namansin ka na , o good mood ka na ,may lovelife ka na ulit yyyiiieeee" asar ko sa kanya

"ha ? baluga ka talaga hahaha hind-"

"sige na uwi na gabi na ,goodnight salamat sa paghatid, grabe pagod na pagod ako ngayong araw e sige a pasok na ko,ingat" sabi ko ,lumabas na agad ako sa sasakyan tsaka ko sinara ito ng mabilis ,tumakbo na ko papasok sa bahay dahil gusto nanamang bumagsak ng luha ko .

Nakakapagod umiyak a ! ayan seica lei Nagpaasa ka kasi yan ang napapala mo . May balak pa talaga syang sabihin na nagkabalikan yata sila ni rissy tssss !

--
Hayyyyy badtrip sumisikip din yung dibdib ko ,naalala ko din kasi yung crush ko ,alam nyo yun papansinin ka lang kapag hindi kasama yung gusto nya

So ayun naiirita ko kay rissy hahaha

vote vote guys parang awa nyo hahahahaha charot

Still into youWhere stories live. Discover now