CHAPTER 1

33 1 0
                                    

        “aww..” daing nito ng may makabangga sa akin.

         “I’m sorry.” Na agad tumulong sa mga nahulog na gamit ni Eijhei.

        “Ok lang. Salamat.” Inabot niya ang mga gamit at nagmamadaling umalis. “OMG, late na talaga ako!”

        “Miss, san---“ naputol ang sasabihin nito ng hindi na niya mahagilap ang dalaga. Marahil ay pumasok na ito sa isa sa mga classroom roon. “Naiwan niya ito. Mukhang sulat.” aniya habang pinagmamasdan ang nakatuping papel.

        Hangos na nakarating si Eijhei sa classroom, eksakto naman ang tawag sa kanya ng kanilang professor para sa kanilang attendance.

            “Present sir!”

            “As usual, nakahabol ka Ms. Fuentebella. Please be sited.”

            “Thank you, sir.”

        “Sa bilis ba naman ng sapatos nyan sir talagang makakahabol yan.” Kantyaw ng classmate nitong si Aries na mortal niyang kaaway.

Isang matalim na tingin lamang ang isinagot niya rito.

            “Hayaan mo na siya.” bulong ng pinakamalapit niang kaibigan sa klase na si Bem.

Napangiti naman ito sa tinuran ng kaibigan. “Mabuti nalang nakahabol ako.”

            “Alam mo namang bawal ma-late eh!  Ikaw talaga..”

        “Si Echo eh! Ginulo na naman ako sa bahay kagabi. Pinilit akong manood ng movie na gusto niya. Pero tinulungan naman niya akong gumawa ng report bago manood. ‘Yun nga lang, napuyat talaga ako.”

            “Ayun, basta ‘yang si Echo na ‘yan, hindi matanggihan noh?”

            “Alam mo namang hindi ako nananalo dun eh! Hayaan mo na.”

            First year college na si Eijhei o AJ. Annah Jane Fuentebella ang tunay niang ngalan. She is taking up Fashion Designing while her bestfriend, Jericho Alvior is in Civil Engineering course.

            Pareho sila ng unibersidad na pinapasukan, a private university na kilala sa manila. Mula ng maging magkaibigan ang dalawa ay pareho na lagi ang mga ito ng pinapasukang eskwelahan.

        “Tagal naman ng klase mo, neg.” ungot ni Echo na kanina pa naghihintay sa canteen.

         “ano ba? ‘wag mo nga akong tawaging ganyan sa harap ng ibang tao? Kainis ‘toh!”

        “Sus..arte mo. Nag-college lang tayo ganyan ka na? Eh sa hanggang ngayon negra ka pa rin eh!” sabay ang mapang-asar nitong tawa.

        “kaunti lang ang ipinuti mo sa’kin. ‘wag masyadong mayabang. Maitim man ako sa paningin mo, kumikinang ako para sa ibang tao. Shine bright like a diamond in the sky…”

        “kanino naman yan?” taas noo nitong salungat.

        “sa….mommy at daddy ko. Bakit?”

        “gaya ng inaasahan.” ngumisi uli ito na kinaiinisan nia. “halika na, bili na tayo ng food. Gutom na talaga ako kakahintay sa’yo” saka ito umakbay rito.

        Sanay na roon si Eijhei, sadyang matakaw ang bestfriend niyang si Echo. Hindi na nga kain ang pag-describe niya sa twing kakain sila, kundi lamon. Nakatutuwa lamang na hindi nito napapabayaan na lumubo ang pangangatawan niya. Masyado rin kasi itong conscious pagdating sa health kahit pa malakas itong kumain.

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon