CHAPTER 7

17 0 0
                                    

Si Echo! Kasama si Kandid at ang anak nito.

“Eijhei!” muli ay tawag niya. Nais niya itong lapitan ngunit paakyat ang escalator na sakay nito samantalang pababa naman ang sakay nila.

Nakita nito ang dalaga kasama si Vincent Lopez, ang lalaking nabasa nito sa article patungkol sa boteng may lamang sulat na itinago ng dalaga sa batuhan. Muli niya itong tinawag ngunit sinasadya ata ng dalaga na ‘wag itong pansinin.

“ako na ang bahala kay Keisha. Go on.” Sabi ni Kandid at mabilis na tinakbo ni Echo ang hagdan pa-akyat.

Nais mang tumakbo pa ni Eijhei palayo roon ay naabutan na sila ng binata.

“Let’s talk.” Pigil nito sa kanyang braso.

Hindi siya sumagot. Nanginginig ang kanyang buong katawan at tila namamanhid ito. Wala siyang makuhang isipin at sabihin.

“I think not now pare. Kailangang magpahinga ni Eijhei.”

Napatingin ang binata rito. “I don’t wanna be rude, pero labas ka rito.” Aniya. “Eijhei, let’s talk.” Dahan-dahan niya itong hinila palayo sa tabi ni Vince.

“Nasasaktan siya.”

“Isang beses ko ng nasaktan si Eijhei at wala na akong balak pang maulit iyon. Now, please, let us talk.”

“But—“

“it’s ok, Vince. Hintayin mo nalang ako sa coffee shop.” Matapos ay nagpadala na ito sa pag-alalay ni Echo palayo sa kanya roon.

“ano bang dapat natin pag-usapan?” nang makarating sila sa isang mauupuan.

“Marami. Napakarami nating dapat pag-usapan.”

“Kung ano man ‘yun, pwede bang ibaon nalang natin sa nakaraan?”

“No! we can’t—“

“May sari-sarili na tayong buhay, Echo. Masaya na ko ng wala ka. Okay na ko. Nakalimutan ko na ang lahat. Maganda na ang buhay na mayroon ako, at sa tingin ko naman ay ganoon ka rin. Kaya please, kung gusto mo akong maging masaya, leave me alone, forever!”

“Hindi. Hindi ko magagawa iyon. Please..let me first tell you everything happen. Ang tagal kitang hinintay. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito.”

“Kahit ano pa ‘yang sasabihin mo, wala ng kwenta ‘yan sa akin. Look, nagbago na ang lahat. Everything has change and I love everything on my present. Hindi ka kasali doon. You’re just a part of my past at hanggang doon na lang iyon.”

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga salitang iyon. Tila siya ang mas nasasaktan sa mga binitiwan niyang kataga. Ngunit naalala nito ang eksena kanina. Masayang nagku-kwento ang bata at masaya ring nakikinig si Echo rito. Ganoon rin ang ina ng bata na nasa likod, si Kandid.

Siguro ay nagkaroon sila ng masayang pamilya. At kung ano man ang ipaliliwanag ni Echo ay wala na ring magiging silbi. Tapos na ang lahat. Nagbago na ang lahat. Tama lang siya. Tama lang ang mga sinabi niya rito. Tama lang…

“I need to go. Hinihintay na ko ng b-boyfriend ko.”

“Boyfriend? In three weeks? You must be kidding!”

“Anong dahilan para magbiro ako? And don’t you dare talk as if may pakialam ka. For your information, three weeks man o kahit 1 day wala kang karapatang mangialam! LEAVE ME ALONE!” saka itong tumalikod at agad na tumungo kung saan man naroon si Vince. Hindi niya kakayanin pa kung magtagal pa itong kasama ang binata. Hindi na niya alam kung may kaya pa siyang sabihin rito. At kahit na mayroon pa ay siya rin naman ang nasasaktan sa katagang inilalabas niya.

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon