CHAPTER 8

20 1 2
                                    

“Napakarami na pong nagbago. Kung maganda sa labas ay mas lalo ang ganda nito sa loob. Nakakamangha ang pag-aalaga rito ng bagong may-ari.”

“Tama ka, hija. Minsan lamang kung siya’y umuwi rito ngunit ni minsan ay hindi niya pinabayaan ang lugar na ito.”

“Ate Belen, hindi ba nakakatakot maglinis dito, hah? Mukhang mamahalin ang mga gamit at napakagaganda.”

“Hindi naman. Isa pa’y napakabait ng may-ari ng bahay na ito. Kung kami ma’y magkamali ay naiintindihan niya. Hindi naman sinasadya.”

“Nakakatuwa. Mabuti at hindi niya kayo tinanggal sa pagtatrabaho rito.”

“Gaya nga ng sabi ko, mabait ang may-ari ng bahay na ito. Hindi niya kami pinabayaan tulad ninyo na ilagaan kami noon.”

“Baligtad naman ata manang. Hindi ba at kami ang inalagaan niyo?”

Sabay ang kanilang tawanan. Naghain si Manang Fe ng kanilang miryenda at sabay-sabay na nagsikain habang nagku-kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa mga nakalipas na taon.

“dito ka ba matutulog, hija?”

“Naku manang, hindi po. Doon ako sa hotel. Dumalaw  lang ako rito. Nakakahiya naman sa may-ari kung dito pa ako matutulog. Hindi na namin pagma-may-ari ang bahay na ito at isa pa’y dalaw lamang ang ipinaalam ni mommy.”

“okay lamang naman sa may-ari kung dito ka matulog. Isa pa’y nasa ibang bansa na siya at hindi na madadalaw ang bahay na ito.”

“saan po ba nakatira ang may-ari nito manang?”

“sa maynila, hija. Doon siya nagtatrabaho ngunit madalas rin ay nasa ibang bansa dahil marami siyang projects roon.”

“minsan lang iyon mapunta rito simula ng makapagtrabaho pero alam mo, noon ay madalas siya rito at naghihintay.” Sabat ni Bilen.

“Naghihintay saan?” tanong niya.

Nagkatinginan ang mga mga katulong. “Naghihintay na dumating ang kanyang mga magulang. Iniwan kasi siya rito dahil parehong nasa ibang bansa nagtatrabaho ang mga magulang niya.”

“Ahh…ganoon pala. Alam niyo po, nakakatuwa itong bahay.”

“Siya mismo ang nagdisenyo sa mga pagbabago rito. Nais niyang matuwa ang taong iyon sa oras na makabalik sila rito.”

“Siguradong natuwa ang parents niya sa mga ginawa niya rito.”

“Aba’y oo naman.”

Mayamaya pa’y niyaya siya ni Belen umakyat sa itaas.

“naku, ‘wag na ate Belen. Nakakahiya naman. Okay na ako dito. Isa pa, mayamaya lamang ay aalis na ako para hindi ako gabihin.”

“Hija, sumama ka na. Baka pagsisihan mo kung hindi mo muling madalaw ang itaas, lalo na ang dati mong kwarto.” Sabi ni manang Fe.

“o-okay lang kaya manang? Sisilipin ko lang, pangako.”

“Kahit nga matulog ka pa roon ay okay lang.”

Sabay nilang inakyat ni Belen ang itaas. Nauna nilang napuntahan ang dating kwarto ng ina at ama. Master’s room pa rin iyon, at napakaganda ng pagkakadisenyo sa kwartong iyon. Bumagay ang mga gamit sa kulay nito. Ang katabing kwarto ay ang guest room na noon pa man ay sadyang guest room na nila. Napaka-relaxing tingnan. Kahit sino mang guest ay makakarelax sa kwartong iyon. Kasunod ang kanyang kwarto. Nag-aalangan itong buksan ang pinto niyon.

“ano na kaya ang hitsura ng kwarto ko ate Belen?”

“bakit hindi mo buksan ng iyong malaman.”

Dahan-dahan niyang pinihit ang pinto. Nang sumungaw ito ay laking gulat niya, wala itong ipinagbago. Ang kulay ay ganon pa rin na malamang ay re-painted na, ang mga gamit ay ganoon pa rin, ni hindi man lang pinalitan o iniba ng ayos. Ang kanyang mga naiwang gamit ay naka-display pa rin. Maging ang kanyang mga naiwang litrato.

“ate Belen, paanong-“

“Ang sabi ng may-ari ay may kakaiba daw sa lugar na ito. Sigurado siya na napaka-importatnte sa iyo ng kwartong ito kaya hinayaan niya na lamang sa ganitong ayos. Sinisiguro na lamang niya na laging malinis rito. Isa pa, ay wala namang gumagamit rito. Kung siya’y umuuwi ay roon siya sa dating kwarto ni Echo.”

Naalala niya ang binata. Pagmamay-ari na talaga niya ang kwarto na iyon kahit na hindi niya pamamahay ito. Ibinigay sa kanya iyon ng kanyang ina at sa ilang taon na magkasama sila sa bahay ay nakita niya kung paanong inalagaan iyon ni Echo.

“gusto mo rin bang masilip ang kwartong iyon?”

Nagising siya sa tila pagbabalik niya sa nakaraan. Nais niyang muling makita iyon, ngunit sabi nga ni Belen ay roon na ang kwarto ng may-ari. Malamang ay malaki na ang ipinagbago niyon. Masilip man niya any hindi na niya makikita pa ang dating hitsura niyon.

“Hindi na ate Belen. Iba na ang may-ari niyon. Nakakahiyang silipin pa iyon. Malamang ay hindi ko na rin makikilala ang kwartong iyon.”

“Ngunit napakaraming alaala ng kwartong iyon. Hindi mo man lang ba gustong balikan?”

Balikan? Handa ba siyang muling balikan ang nakaraan? Hindi nga ba at napagod na siya roon?

Lumabas na sila ng kanyang silid. Napatingin ito sa pintong nakasarado na sunod sa kanyang kwarto. Tila ay nais niya itong silipin ngunit alam niyang sobra na. Hindi na nga dapat niya pinuntahan ang mga kwarto dahil ang nais lamang niya ay makita ang bahay, kahit nga lamang sa labas lang.

“Halika na.” aya ni Belen.

“Hindi na ate.” Pigil niya.

“hindi ka makakatulog kapag hindi mo sinubukang buksan ang pintong ‘yan.”

Tila ay may humila rito upang lumapit sa pinto. Huminga ito ng malalim at saka hinawakan ag doorknob.

“pasensya na kamo sa may-ari kung sisilipin ko ang kwartong ito. Sana ‘wag siyang magalit.”

“Hindi iyon magagalit kaya sige na, buksan mo na.”

Dahan-dahan ay pinihit nito ang pinto. Kung nagulat ito dahil walang ipinagbago ang kanyang dating kwarto, mas nakakagulat na wala pa rin itong ipinagbago. Lahat ay ganoon pa rin. Lahat ay nasa ayos pa rin tulad ng dati. Naroon pa rin ang mga nakasabit na pictures ni Echo, ang kanilang parehong alarm clock, ang mga gamit nilang magkapareho, ang cellphone nila na naka-display sa lamesita, at ang mga iba pang alaala na mayroon sila.

“a-ate Belen, bakit ganito pa rin ang hitsura nito? Bakit walang pinagbago? Hindi ba at dito ang kwarto ng may-ari?”

“Hindi mo naman itinanong kung sino ang may-ari, hindi ba?”

Napaupo siya sa malapit na couch. Nagulumihan siya. Ang tinutumbok ba ni Belen ay si Echo? Ang binata nga ba ang nagmamay-ari ng bahay na ito? Siya nga ba?

“Oo, siya nga, hija.” Sabi ni aling Fe ng makababa na silang muli sa sala. Binigyan niya ito ng juice ng mahimasmasan ito.

“Paano? I mean-bakit? Para saan? May bahay naman sila malapit rito? Isa pa ay hindi niya kailangan ang bahay na ito.”

“Nang umalis ka’y ibinenta na rin nila ang kanilang bahay. Binilhan siya ng condominium sa maynila at doon niya ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Sa umaga ay nag-aaral at sa gabi ay nagtatrabaho. Ni singkong butas ay hindi siya humingi sa mga magulang para sa pambayad ng bahay na ito.”

“a-ano?”

“lahat rin ng inipon niya mula ng bata siya ay siyang pauna niyang ipinambayad sa mommy mo. Ang mga sumunod ay mula na sa kanyang allowance at pagpa-part time job.”

“B-bakit hindi ko ito alam? Bakit hindi sinabi sa akin ni mommy?”

“Sa tingin ko ay mabuting siya na lamang ang tanungin mo ng maliwanagan ka.”

            “heto.” Abot sa kanya ni Belen sa telepono.

            Agad niyang tinawagan ang ina at nagsimula naman itong magkwento.

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon