CHAPTER 5

16 0 0
                                    

        11 years had passed…

        “Aren’t you going to work hija?”

        Namulatan niya ang ina. “Not today mom. Masakit ang ulo ko. Naitawag ko na rin naman ito sa shop. Si Lilia na ang bahala roon.”

        After she was entitled to be a fashion designer, nagtrabaho ito sa isang modeling agency.  Siya ang nagdidisenyo ng mga damit na isinusuot ng mga model. Hanggang sa makilala ito sa industriyang iyon at nakapagpatayo ng sarili nitong shop and so as modeling agency. Madalas na siya ang pang-finale. Ipinagmamalaki nitong isinusuot ang sarili niyang gawa sa harap ng maraming tao. Bukod pa roon ay bagay naman rito ang maging isang model. Hindi man niya pinangarap iyon ay masaya siya na nakarating siya sa ganoong antas.

        “Hija, napag-isipan mo na ba ang sinabi ko sa iyo?”

        Naalala nito ang mungkahe ng ina na magbakasyon sa Pilipinas. Mahigit isang dekada na ito sa New York, at ni minsan sa mga taong iyon ay hindi ito umuwi o dumalaw man lang. Para sa kanya, wala ng dahilan para bumalik pa ito roon. Isa pa’y matagal ng naibenta ang bahay nila roon, kaya wala na rin itong mauuwian. Sa twing bumibisita ang mga magulang niya sa Pilipinas ay ayaw niyang sumama. Hindi pa siya handang muling tumapak sa lugar kung saan naiwan niya ang kanyang buong puso.

        “hindi pa, mommy. Marami pa akong inaasikaso sa shop. Hindi ko magagawang magbakasyon sa panahon ngayon.”

        “bakit nakakapag-bakasyon tayo sa Europe pero sa Pilipinas ay hindi? Lagi namang hindi naaubos ang iyong trabaho. Lagi na lamang ay iyan ang sinasabi mo.” Tila nagtatampo nitong sabi sa kanya. Sasagot pa sana ito ng tumalikod na ang ina.

        Napahinga ito ng malalim at muling naipikit ang mga mata.  Matagal na ring panahon iyon. Ano pa ba ang ikinatatakot niya. Marahil ay mayroon ng pamilya ang binata. Marahil ay napakasaya na nito.

        Kumusta na nga kaya siya? Kumusta? Hindi na niya dapat pang isipin ito. Pero kailan nga ba ito nawaglit sa kanyang isipan?

        Napabalingwas ito at binuksan na lamang ang T.V. upang hindi na tumuloy pa ang kanyang nasa isipan. Hinanap nito ang channel kung saan naipapalabas ang mga panoorin sa Pilipinas. Nakuha nito ang kanyang pansin sa isang beach resort na ipinakikita sa monitor. Naaalala niya ito, lalong lalo na ang isang lugar roon na siya mismo ang nag-ayos.

            “That place…” naibulong niya.

        “Ano kaya ang ginagawa niya?” habang mariing na tinititigan ang isang binata na nasa dalampasigan. Naroon siya sa kanilang cottage. Iyon ang huli nilang bakasyon bago sila lumipad ng ina papuntang New York.

            Maya-maya’y may isang boteng inihagis ang binata sa dagat. Napatayo siya sa kinauupuan. Napangiti. May mga ganoong lalaki rin pala ang gumagawa pa noon. Bigla ay tumakbo sa kanyang isipan na marahil ay inlove ito or hindi kaya’y broken hearted, tulad niya.

        Nang makaalis ang binata ay agad siyang tumungo sa pinaroonan nito. Nakita nito sa ‘di kalayuan ang boteng itinapon nito. Hindi ito palayo, sa halip ay pabalik ito sa buhanginan. Tila ay nakuha nito ang kanyang kuryosidad at hindi naman ito nainip sa pahihintay hanggang sa makarating na sa malapit ang bote.

        “ang cute naman nito. May ribbon pa talaga ‘yung bote. Tapos may sulat sa loob.” Natutuwa niyang sabi. Nakaisip ito ng isang ideya. Bumalik ito sa kanilang cottage. Kumuha ng papel at nagsimulang isulat lahat ng sakit na nararamdaman nito para kay Echo. Matapos ay isinilid nito iyon sa bote na pagmamay-ari ng kung sino mang binatang iyon.

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon