CHAPTER 9

14 0 0
                                    

        “tita, pwede ko po ba kayong makausap?”

        “Maupo ka, hijo.”

        “mommy, daddy, alam ko pong biglaan ang desisyon ko pero sana po maintindihan niyo.” Matapos ay bumaling muli ito kay Annaliza. “bibilhin ko po ang bahay na ito.”

        “what?” halos sabay na sambit ng dalawang babae.

        “hindi ko po gustong mawala ang lahat ng narito. Napakaraming alaala namin ni Eijhei ang nasa bahay na ito. Hindi ko na po siya mapipigilan sa pag-alis, atleast man lang po ay maiwan sa akin ang mga alaalang narito.”

        “Pero hijo—“

        “handa po akong bayaran kung magkano man po ang halaga ng buong bahay na ito. Pero hihingi po sana ako ng kaunting palugit.”

        “Liza, maari siguro nating pag-usapan ang presyo nito.”

        “No dad. Gusto kong ako ang bibili sa bahay na ito. Lahat po ng ipon ko ay ibabayad ko. Kung kulang man po ay pag-iipunan ko pang muli at uunti-untiing bayaran sa inyo hanggang sa makumpleto. Alam ko pong wala akong karapatang humingi pa ng pabor sa mga nagawa ko, pero sana po sa huling pagkakataon ay mapag-bigyan niyo ang hiling ko.”

        Sandaling nanahimik si Annaliza. Inabot nito ang telepono at tinawagan ang asawa. Matapos ang kanilang pag-uusap ay hinarap nitong muli ang mag-anak.

        “Pumapayag na kami ni Ricardo.”  Mayamaya’y sabi nito.

        Kahit paano’y nagliwanag naman ang mukha ng binata. “salamat po tita. Ipinangangako ko pong aalagaan ko ang bahay na ito. Hihingi pa po sana ako ng isa pang pabor.”

        “Ano iyon?”

        “’wag niyo na lamang pong sabihin ito kay Eijhei. Alam kong hindi siya papayag roon.”

        “Kung iyan ang iyong desisyon ay sige. Saka na lamang natin muling pag-usapan ang paglipat sa iyo ng titulo.”

        “hindi na po kailangan. Gusto ko pong ipangalan niyo ang bahay na ito kay Eijhei. Siya lang ang may karapatang mag may-ari nito. Aayusin at aalagaan ko ang bahay na iningatan niya at ipinapangako ko na sa araw na bumilik siya rito ay magugustuhan niya ito.”

        Tulad ng napag-usapan ay ibinigay ni Echo ang kanyang naipon. Nang makapag-transfer na ito sa manila para sa kanyang pag-aaral ay agad itong naghanap ng part time job. Nagtipid rin ito sa allowances na ibinibigay ng kanyang mga magulang. Ang sobra rito ay idinaragdag niya sa kanyang kinikita at agad na ipinadadala sa ina ni Eijhei. Lumipas ang taon ay natapos niya ang bayarin rito.

        Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sabay sa pagtatrabaho. Ang sumunod naman kasi nitong pinag-ipunan ay ang pagpapaayos at pagpaganda ng bahay.

        Nag-aral itong mabuti at sinigurong ang kanyang planong mabubuo para sa bahay na iyon ay magiging perpekto. Nakatapos ito sa kursong Civil Engineering at ‘di naglaon ay nagkaroon ito ng lisensya,

        Lalong lumaki ang ipon nito kung kaya’t naipagawa niya ng maayos ang bahay tulad ng inaasahan nito. Lahat ay kanyang binago maliban sa kwarto nilang dalawa ni Eijhei na kanilang mga alaala.

        “Mommy, bakit? Bakit niyo inilihim sa akin ang lahat ng bagay na ito?” lumuluha nitong sabi sa ina.

        “iyon ang hiling niya. Gusto niya na sa muli niyong pagkikita ay siya mismo ang magsabi sa iyo, siya mismo ang magpaliwnag ng lahat ng nangyari sa kanya, lahat ng gusto niyang sabihiin sa iyo ay sa kanya mismo manggaling.”

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon