CHAPTER 2

29 1 0
                                    

        Kasalukuyang nasa kwarto nito sa bahay nila Eijhei ang binata. Napapangiti itong mag-isa habang naaalala ang usapan kanina.

        “I don’t know what’s going on with us. Ang alam ko lang, I am so happy being with her. Ayoko ng may ibang aaligid sa kanya bukod sa akin. Ayoko ng may ibang nagpapasaya sa kanya. Tell me I’m selfish, pero kung sa kanya, so with it.”

Maya-maya’y ay may kumatok sa pinto.

        “come in.”

Sumungaw si Eijhei sa pinto. “dude, still awake?”

        “yup, come here.”

        Pumasok ng tuluyan ang dalaga. “ahm…kasi ‘db you promise me na manonood tayo ng smurfs II ngayon? Ibinili na ko ni mommy ng dvd. At pumayag rin siyang mag-movie marathon tayo ngayon tutal wala namang pasok bukas.” Nakayuko ito habang nagpapaliwanag. Tila nakararamdam ito ng hiya sa binata.

        “hey, may problema ka ba neg?” nagtataka nitong tanong.

        “Wala ah!” dagli nitong sagot. Dumiretso ito ng tayo paharap sa kanya ngunit hindi pa rin makatingin sa mga mata ng binata.

        “you look so different. Hindi ka nga marunong kumatok sa kwarto ko eh! Isa pa, kung tawagin mo ako, ‘yung tnong  tipong sa ayaw at sa gusto ko ay ikaw ang masusunod. But now, something’s really different.”

        “hay.. ano ka ba? Walang iba noh! Halika na, nood na tayo sa ibaba. Pinahanda ko na rin mga favorite snacks mo.” Sabay ang talikod nito.

        “yan! Ganyang-ganyan ka eh! Pagkasabing ganito, talikod talaga agad. Ikaw talaga, boss na boss eh noh?” natatawa nitong sabi.

        “sumunod ka nalang. Ang daming satsat eh!” matapos ay naglakad na ito papunta sa kanilang avr.

        “yes boss!”

Matapos ay sinimulan na nila ang panonood ng movie.

        “Neg, ang layo mo naman. Ayaw mo ba akong katabi?”

        “h-hah?” kunway busy ito sa panonood at hindi siya pinakikinggan.

        Dahil rito’y si Echo na lamang ang lumapit at tumabi rito. Napapitlag naman ang dalaga sa kanyang pagtabi.

        “Ui relax. Ako lang ‘toh! Ano ka ba?”

        “s-sorry. Nagulat lang ako.” dahilan niya.

        “kalian ka pa naging ganyan? Masyadong magugulatin pagdating sa akin?”

        “h-hindi ah!” tanggi nito.

        Sa halip na sumagot ay niyakap na lamang nito ang dalaga. “Ayokong may nag-iiba sa kung anong mayroon tayo. Sanay ako na lagi ka lang nasa tabi ko. Sanay ako na napaka-sweet mo, napakalambing, kahit topakin lagi pa rin nakangiti pagdating sa akin. Kahit may problema o may sakit ka, lagi mong pinapakita sa akin na okay ang lahat. Please don’t change. Hindi ko kaya.”

        Naintindihan naman agad ito ni Eijhei. Kahit naman siya ay hindi kayang may iba sa kanila. Hindi lang niya maiwasan ang pagtibok ng kanyang puso sa twing lalapit si Echo. Hindi niya alam kung kalian pa nagsimula ang ganoon, pero tila ba may kakaiba kung kaya’t nahihirapan siyang lumapit rito.

        “sorry.”

        “don’t be.” Sabay ang halik nito kanyang noo.

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon