CHAPTER 4

16 0 0
                                    

        “Thanks.” Aniya ng abutan siya ni Gelo ng maiinom.

        “sa’n mo pa gustong magpunta?”

        “Pahinga muna tayo. Medyo napagod ako eh!”

        “Sure.”

        Masaya naman kasama si Gelo at ramdam nito ang pag-aalaga nito sa kanya. Nagtapat na rin ito ng kanyang nararamdaman, at sa ngayon ay nanliligaw ito rito.

        Wala itong ibang gusto, tanging si Echo lang, ngunit iba naman ang gusto nito kung kaya’t pinipilit niyang ibaling sa iba ang kanyang nararamdaman. And there’s Gelo, who do everything just to make her smile.

        It’s been a month, she guesses. But it feels like it’s been a hundred years of pain. Ni wala pa rin silang kibot ni Echo. Tila ba ang samahan nila mula noong pagkabata ay naglaho na parang bula and it hurts more than anything else. Si Echo pa, siya pa ang nawala sa kanya na buong buhay ata niya ay kasama niya! She misses him so badly.

         “what’s wrong hija?”

        Napatingin ito sa ina. Hindi nito namalayan ang pagpasok nito sa kanyang kwarto. “Nothing, mom.” Kaila nito.

        “Then why are you crying?”

        Agad niyang pinunasan ang luhang ni hindi na rin niya namalayang tumulo. Nakalimutan rin tuloy nitong hawak nito ang mga bagay na bigay sa kanya ni Echo. Maging ang mga photo album nilang dalawa ay nasa kama niya.

        “you miss him?” tanong ng ina.

        “mom, can I?”

        “ofcourse you can.” Aniya saka hinagod ang likod ng anak. Hindi naman napigil pa ni Eijhei at napayakap na sa ina. Ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman.

        “I miss him so much mom. I really do.” Aniya na patuloy sa pag-iyak.

        “Then why don’t you go to him and tell him what you feel?”

        Kumalas ito sa pagkakayakap. Tumingin ito ng mariing sa ina.

        “You are my daughter. Syempre naman alam ko kahit hindi mo sabihin na nasasaktan ka, at nagmamahal ka.”

        “Mommy, is it alright with you if I did love someone at this very young age?”

        “He’s not just someone. He’s Echo, whom I trusted so much. Hindi nga ba at boto kaming pareho ng daddy mo sa kanya? You are only 16, and it’s too early para pumasok sa isang ralasyon, but what can we do? We can see how much you love each other.”

        “H-he doesn’t love me the way I do mom.” Malungkot nitong sagot.

        “Did you ask him? I bet you didn’t even try.”

        “Mom, may girlfriend na siya and-“

        “Go and find the truth.” Saka ito lumabas ng kanyang kwarto.

        Nagmamadaling naligo at nag-ayos si Eijhei. Her mom was right. She didn’t even asked him, and tell him that she loves him! Hindi niya malalaman ang sagot kung hindi niya susubukan. Hindi na baling masaktan ito, atleast nagpakatotoo ito rito.

        She’s on her way ng may dumaang pulang kotse sa kanyang dinaraanan. Nanlumo siya. Iyon ang kotse ni Kandid. Sigurado siya roon dahil madalas niya itong makita at sigurado itong si Echo ang pupuntahan nito.

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon