CHAPTER 10

23 1 0
                                    

        “dad? Mom? What are you doing here?” gulat na tanong ni Echo sa mga magulang ng kinahapunan ay puntahan siya ng mga ito sa kanyang condo.

        “hindi ka namin makontak. We are so worried! Ano sa tingin mo ang ginagawa namin rito?”

        “oh come on, mom! Hindi naman ako bata. Isa pa, sanay naman akong madalang lang kung kamustahin niyo.”

        “not at this time. Tinawagan ko na ang parents ni Eijhei. Bukas ang dating nila rito.”

        Napatingin ito sa ina. “for what?”

        “para sa kasal niyo.”

        “what?” naguluhan ito sa sinasabi ng ina.

        Prenteng naupo ang mag-asawa. “maupo ka muna. Ako na ang magsasabi sa iyo ng mga gusto mong malaman.” Anang ama nito.

        “dad, ano ba ito?”

        “hindi ka na matutuloy sa Australia.”

        “what? Ano bang sinasabi mo dad? Na-delay lang 'yung fligt ko pero by tomorrow ay tuloy na ako.”

        “Not anymore. Hindi naman talaga delayed ang flight mo. I cancelled it.”

        “ano?”

        “hindi ka na aalis. Kinausap ko na si Mr. Chen.” Anito na ang tinutukoy ay ang may-ari ng construction company kung saan nagtatrabaho si Echo.

        “what is this? Ano bang ginagawa niyo? Ano ba ito? Hindi ko maintindihan!”

        “nasaan na ba yung singsing na binili mo dati?” singit ng ina. Hinagilap nito iyon at agad ding nakita na nakasuot sa bear na binili noon ni Echo katulad ng kay Eijhei.

        Inilagay nito iyon sa isang magandang velvet box at iniabot sa anak. “here.”

        “What am I going to do with this?”

        “hindi ka na aalis and that’s final. Dito ka lang madedestino sa Pilipinas at nai-file na rin ang 1month vacation mo.”

        “what? Without informing me, gumawa kayo ng ganoong bagay?”

        “she’s waiting for you. Puntahan mo na. Baka masayang pa ‘yung inihanda namin para bukas sa inyong kasal.” Sabi ng ina.

        “mom—“

        “sige na hijo, this time, hayaan mong makabawi kami sa iyo.”

        Tumayo ito. Yumakap sa ama at ina. “mom, dad, thank you.”

        “You’re welcome anak, and we love you so much.”

        “I love you too.”

Sabay itong nagmamadaling nag-ayos para sa pag-alis.

        “alam mo na ba saan siya pupuntahan?”

        “my heart knows the way, mom.”

        Saka ito mabilis na naglaho.  

        “Ayun, planado na pala ang lahat. Ni hindi ko man lang napili ‘yung isusuot ko. Lahat, sila na ang nag-ayos.” Himutok kunwari ni Echo.

        “kung ganoon, hinayaan lang akong umiyak ni mommy para ma-realized na mali ako. She’s so bad.” Aniya na natatawa nalang sa mabilis na pangyayari.

        “sorry, kung umabot ang lahat sa ganito.”

        “I should be the one who must say sorry.”

        “love means never say sorry.”

        Saka nagkatawanan sa kakornihan nito.

        “tell me why are you with Kandid that day? Nasaktan ako. Kulang nalang sapakin kita that moment. Sa sobrang selos ko nasabi ko tuloy ang mga bagay na hindi ko gusto. Pati si Vincent nadamay. Hindi naman ako nagka-boyfriend simula ng mawala ka. Ni hindi nga ako pumayag may humalik sa akin kahit sa chicks lang eh! Ikaw lang kasi ang gusto ko..pero lagi nalang sinasaktan mo ako.”

        “nang malaman kong hindi naman talaga ako ang tatay ng dinadala niya, nagalit ako, nagalit ang parents ko sa kanya, ganoon rin ang mga magulang niya. Hindi ko siya masisisi. Masakit at mahirap ang pinagdaanan niya. Naaawa ako sa kanya. Naging magkaibigan kami. Tinulungan ko siyang makabangon sa pagkakadapa niya. Ninong pa nga ako ng anak niya eh! At nung araw na nakita mo kami sa mall, ipinasyal ako ng bata.”

        “Ikaw pa ang ipinasyal?”

        “oo. Alam mo bang andun ako sa beach resort na iyon? Nakita ka ni Kandid kasi nagbakasyon sila roon. Tinawagan niya ako at agad akong nagpunta roon, only to find out na masaya kayong magkasama ni Gino. Idagdag mo pa ‘yang epal na si Vince. I was hurt, again. Naawa sa akin yung bata. Niyaya niya akong lumabas at mamasyal kesa naman daw masyado akong nagpapaka-depressed sa kwarto. Pero wala namang namamagitan sa amin. Magkaibigan lang kami at hanggang doon nalang iyon. Ikaw lang ang babaeng mahal ko at mamahalin ko habang nabubuhay ako, at kung may second life nga, ikaw pa rin ang pipiliin ko eh! Ganoon kita kamahal, baby. Kahit naman sila tita at tito, alam iyon noon pa man.”

        “huh?” gulat nitong tanong.

        “remember? Nangako ako kay tita na sasabihan ko siya kung manliligaw ako sa iyo. Nagpaalam ako noon 11years ago, bago pa ako sumulat sa iyo. Kaso nga, nagkagulo. Lagi nila akong binabalitaan ng umalis ka ng bansa. Kahit na wala ka rito, sinasabi ko rin sa kanila kung gaano kita kamahal, at handa kitang hintayin sa pagbabalik mo.”

        “Bakit hindi mo na lang ako pinuntahan sa New York?”

        “gusto kong magbalik ka sa akin. At nagkamali ata ako sa bagay na iyon. Napakahabang panahon tuloy ang nasayang ko.”

        “alam pala nila mommy at daddy ang lahat. Ako lang ang hindi updated. Grabe naman kayo!”

        Ngumiti ang binata.

        “sana pala nakinig nalang ako.”

        “okay rin na hindi eh! Tingnan mo, nagkaroon ng oras sa akin ang mga magulang ko. Imagine, sila pa ang nag-ayos ng kasal natin?”

        “oh my gee! Speaking of kasal! Look at my eyes! Namamaga sa kakaiyak. Paano na ako tomorrow?”

         “maganda ka pa din naman ah! As always.”

        “ayun! Sige lang, bolero. Matulog na tayo, beauty rest ang kailangan ko.”

        Saka ito pumwesto sa paghiga. Sumunod naman sa kanya ang binata at mahigpit na yumakap rito.

        “hindi naman malalaman nila tita kung mag-advance ako ‘di ba?”

        “mukha mo! Matulog ka na. Ang manyak mo talaga!”

        Nagtawanan pa ang dalawa, Iniharap ni Echo ang dalaga paharap sa kanya at hinalikan ito.

        Gumanti naman siya. Walang paalam, pero kung umabot man sila sa advance, bahala na. Tutal bukas, ikakasal na sila…

THE END...

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon