I used to write love stories since elementary days. Feeling ko lang kasi, ang buhay laging may happy ending. Ang LOVE, kahit na kumplikado, sa huli ito pa rin ang panalo.
Nakahiligan ko magsulat nung makita ko ang mga ate ko na laging nagbabasa ng pocketbook. Na-inspired ako ng subukan ko rin magbasa. Kahit alam kong hindi naman kagandahan, nag-try pa rin ako ng paulit-ulit. Kahit hindi un naa-appreciate ng ate ko, “gawang bata kasi eh!”, sinubukan ko pa rin at natuwa naman ako sa reaksyon ng mga kaibigan kong nakabasa ng mga sinulat ko. Hanggang tumuntong na ako ng highschool, lahat na sinulat ko hiningi na ng mga kaklase kong girls. Wala na palang naiwan saking alaala. Hindi na ako muling nagsulat ng maghiwalay ang mga magulang ko. Na-realized ko na kasi, hindi lahat ng love story may happy ending.
Para sa mga bestfriends kong hinikayat akong magsulat muli at sa boyfriend kong naging inspiration ko, para sa inyo ang kwentong ito..at para sa lahat ng makakabasa nito, sana magustuhan nio.
Thanks..
Joy