“aww..” daing nito ng may makabangga sa kanya.
“I’m sorry.” Anang binata na agad tumulong sa mga nahulog na gamit ni Eijhei.
“Ok lang. Salamat.” Inabot niya ang mga gamit at nagmamadaling umalis. “OMG, late na talaga ako!”
“Miss, san---“ naputol ang sasabihin nito ng hindi na niya mahagilap ang dalaga. Marahil ay pumasok na ito sa isa sa mga classroom roon. “Naiwan niya ito. Mukhang sulat.” aniya habang pinagmamasdan ang nakatuping papel.
Nang makarating ito sa kanilang classroom ay agad itong naupo.
“late ka na naman. Mabuti nalang hindi pa nagche-check ng attendance si sir. Lumabas kasi siya.” Bulong ni Bem rito.
“Namasyal kasi kami sa mall ni mommy buong maghapon kaya napagod talaga ako. Late tuloy akong nagising.”
“hindi ka man lang ba ginising ni Echo? Hindi ba’t siya ang gumagawa nun?” takang tanong nito.
Natahimik naman si Eijhei. Ang totoo nyan, nagising siya at namulatan si Echo sa kanyang kwarto. Nakita nito itong may inilalagay na kung ano sa kanyang bag. Nagkunwari itong natutulog hanggang sa makalabas na itong muli. Nakapagtatakang ni hindi man lang siya nito ginising. Humalik lang ito sa kanyang noo at agad lumabas ng kwarto.
Bumangon ito at nais sanang tingnan kung ano ang inilagay nito rito ngunit nauna nitong nakita ang alarm clock na nasa kanyang table. Late na ito!
“ang sabi ni mommy maaga daw umalis si Echo kasi may pupuntahan pa ito.” Sabi na lamang niya pagkuwan.
“I see.”
Nagsimula na itong ayusin ang gamit. Hinahanap nito kung may kakaibang naroon sa kanyang bag ngunit wala itong makita. Napaisip ito. Baka naman inayos lang ni Echo ang gamit niya sa bag. Akala lang siguro niya ay may inilagay ito rito.
“good morning class.” Bati ng kanilang guro at nagsimula na ito sa klase.
Alam ni Echo na uwian na ni Eijhei ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Inip na itong naghihintay sa kanilang bahay. Ngayon sana ito magtatapat at natatakot itong hindi dumating ang dalaga. Alam niyang hindi dapat siya mag-expect ng malaki ngunit umaasa itong darating ito.
Maghihintay ako. Kung sakaling dumating ka’y gusto mo rin ako, ngunit kung hindi ay maiintindihan kong kapatid lang talaga ang turing mo sa akin.
Iyon ang mga katagang nasa huli ng kanyang liham para sa dalaga. Maaga itong umalis ng bahay nila Eijhei upang utusan ang mga katulong nila sa bahay na ayusin ang buong kabahayan. Nagmamadali rin itong umuwi upang maihanda pa ang ibang kailangan. Gusto nito na maging perpecto ang lahat. Ang gusto niya ay maging espesyal ang araw na iyon para sa kanilang dalawa.
“Please tell me you’re coming, baby.” Alalang nasambit nito. Isang oras na ang lumipas ngunit wala pa rin si Eijhei. Halos malamig na ang mga pagkain at nahahamugan na rin siya sa hardin. Doon niya sana nais magtapat at ipinaayos pa nito ang garden sa araw na iyon.
Pinuno nito iyon ng iba’t-ibang kulay na pailaw. Pinalitan ng bagong tubig ang pool at nilagyan ng mga bulaklak ng rosas. Siniguro nitong napakasariwa ng amoy sa lugar na iyon.
But few hours had passed and Eijhei didn’t come. Alas-dyes ng makapag-desisyon itong umakyat na sa kanyang kwarto at matulog.
“Mommy, hindi ba uuwi si Echo. 10pm na eh! Kanina ko pa siya hinihintay.”