Dear Baby,
I don’t know where to start. I don’t know what first thing I should say. All I know is, I have to tell everything to you, and it is just now or never.
I actually don’t remember the exact day that I felt being inlove and being loved, all I could remember is, it is you who made me feel that way.
I want you to know that I love you, hindi bilang kaibigan, hindi bilang isang kapatid, kundi isang lalaki na nagmamahal sa isang babae. And I want to court you, if it is alright with you.
Hindi ako sigurado kung ganoon ka din ba sa akin. Ang totoo nyan, natatakot akong umamin, hindi dahil torpe ako, alam mo namang hindi, pero parang pagdating sa iyo, gusto ko na atang amining ganoon na nga iyon.
Hindi ko kasi alam kung ano ang kalalabasan ng pag-amin ko. Paano kung iwasan mo na ako? Kung bigla ay matapos lahat ng mga taong pinagsamahan natin? Hindi ko kaya. Hindi ko kakayaning mawala ka.
Please meet me today, 5pm, sa bahay. Hihintayin kita. Gusto kong malaman ang sagot mo. Kapag dumating ka, ang ibig sabihin noon ay binibigyan mo ako ng pagkakataon na maipakita sa iyo ang pagmamahal na pilit kong tinatago, but if you didn’t, it means you can’t accept my love for you.
I hope to see you later. I love you and I will always do, baby.
Echo
Iyon ang nilalaman ng sulat na iyon. She cried. Why? Why does it need to happen? Bigla ay naalala niya ang mga katagang binitiwan ni Echo ng huli niya itong makausap, “nasaktan ako dahil hindi ka sumipot.” That is what he’s talking about! She didn’t come ‘coz she doesn’t even know it!
Kung ganoon ay tama ang hinala niyang may kung anong inilagay ito sa kanyang bag noon, iyon pala ay ang sulat niya para rito.
“p-paanong napunta sa iyo ito?” sa pagitan ng pag-iyak ay nagawa niyang magtanong.
“nagmamadali ka noon, kaya hindi sinasadyang magkabanggaan tayo sa unibersidad kung saan nag-aaral ang kapatid ko. Nahulog ang mga gamit mo. Sinubukan kitang hanapin para ibigay ‘yung sulat na iyan, pero hindi na kita nahanap.”
Tuluyan na itong napahagulgol. Nagkamali ito, sa huli ay ito pala ang mali, ito pala ang may kasalanan kung bakit hindi sila nagkatuluyan.
“hija? What’s wrong? Why are you crying?” nag-aalalang agad na lumapit sa kanya ang ina.
“m-mommy… mommy…” tila bata itong yumakap at nag-iiiyak sa ina.
Nakatulog na sa kakaiyak ang dalaga. Naipaliwanag na rin ni Vince ang lahat ng kaya nitong maipaliwanag sa mga magulang ni Eijhei.
“O sige hijo, magpahinga ka na. Salamat.”
“Opo, mauna na po ako.”