Chapter 6: I miss you and I love you
.
.
.Kai's POV
Sobrang malas ko ngayong araw dahil sa trangkaso ko, siguro dahil sinugod namin ni Jane ang ulan kagabi. Nagsabi na ako kay Tita Gia na hindi ako makakapasok dahil hindi ko pa kayang bumangon at maglakad mag isa, nahihilo kahit nakaupo lang ako kaya ito nakahiga lang ako sa sofa dito sa living room.
Wala pa rin si Tita Andrea at baka bukas pa daw siya makauwi dahil stranded pa rin ang biyahe. Wala akong kasama ngayon sa bahay, pero dahil walang mag aasikaso sa akin pinilit kong magluto ng makakain, mabuti na lang at mabait ang kapitbahay namin na kaibigan ni Tita, dinalhan niya ako ng sopas kinain ko naman iyon kasabay ng niluto kong itlog kaya medyo nagkalaman ang tiyan ko, hindi pa ako nakakainom ng gamot dahil hindi ko alam kung saan nakalagay ang medicine kit ni Tita, sa pagkakaalam ko nasa drawer iyon malapit sa kitchen pero tinatamad akong maglakad para kumuha.
10:45 na ng umaga, nahihilo pa rin ako sa mga sandaling ito habang nanonood ng TV. Ayaw ko namang magcellphone dahil mas lalo akong mahihilo, pinakabibilin iyon sa akin ni Mommy na huwag tumutok masyado sa kahit anong gadget kapag may trangkaso dahil mas lalong hindi gagaling ang trangkaso dahil sa radiation nito na nakakahilo. Kaya TV lang ang pwede dahil malayo naman ang distance nito sa pwesto ko, hindi ito makakaapekto sa nararamdaman ko. Siguro mga 6 meters ang layo ko sa TV, malaki naman ang screen kaya kita ko pa ang pinapanood ko.
"Tao po!" Napalingon ako sa gate ng bahay ng marinig ang boses na iyon, hindi ko magawang tumayo dahil nanghihina ang katawan ko.
"Excuse me, may tao po ba dito?" Tanong ng boses na iyon mula sa labas.
"Oo hija, pumasok ka na lang nasa loob si Kai. Siya nga pala may trangkaso siya, kaya hindi siya makalabas ng bahay." Boses iyon ni Tita Ericka na nagbigay sa akin kanina ng sopas. Lumingon ako sa pinto at hinihintay kung sino ang nasa likod ng boses na iyon.
"Kai!" Ang tagal naman niya pumasok.
Ibinaling ko ang atensyon ko sa television dahil sa inip kong paghihintay kung sino ang tumatawag sa akin kanina pa. Rinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko iyon nilingon dahil kanina pa ako lingon ng lingon, at promise hilo na ako kanina pa.
"Okay ka na ba?" Tanong niya, napapikit ako ng maamoy ang perfume scent na iyon. Cherry blossom ang flavor ng perfume niya, at kilala ko na kung sino ang nakakainis na bisita ko na hinilo ako kababaling ng tingin sa gate ng bahay.
"Dinalhan kita ng prutas, tsaka sinabi sa akin ni Mommy na may trangkaso ka."
"Ilapag mo na lang diyan." Hindi ko pa rin siya nililingon dahil hilo na talaga ako, promise.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya, itinuro ko ang bowl na nasa mini table na may laman pang sopas.
"Sorry, dahil sa akin nagkatrangkaso ka."
"It's not your fault, kasalanan ko dahil hindi ako nagdadala ng payong. Hindi rin ako nagpunas ng katawan kagabi, dumiretso tulog ako then the result is this."
Hindi ko pa rin siya nililingon, at tanging sa TV lang ako nakatutok. Pansin kong nilibot tingin niya ang buong bahay, messy ang bahay at hindi pa ako nakakapaglinis."Wala ka bang trabaho ngayon?" Lumapit siya sa kusina at may kinuha.
"Wala naman, si Trisha muna ang pinag iwanan ko sa duty mo." Isang plangganitang may lamang tubig ang dala niya papalapit sa akin, dumukot siya sa bulsa niya at inilabas ang panyo niyang pink.
"Anung ginagawa mo?" Pinunasan niya ang braso ko ng panyo niya na medyo malamig dahil galing sa refrigerator ang tubig na gamit niya. Gayundin ang mukha ko at leeg.
BINABASA MO ANG
It's Complicated
RomantikJerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinalaunan ay pumunta ng Pilipinas upang iwan ang masakit na kahapon sa kanyang secret lover professor. Ang pag-ibig na matagal niyang inaasam ng...