Chapter 24: EMERGENCY
.
.
.
.Kai's POV
Sarado ang bahay ng makauwi ako, siguro tulog na si Tita. Kaya minabuti ko na lang na dumiretso sa kuwarto ko. Nalilito pa rin ako sa mga sinabi ni Liam kanina, di ko siya masagot agad dahil nalilito pa rin ako kung bakit gusto akong makilala ng girlfriend niya.
Ang kapal lang kasi ng mukha ng lalaking iyon, matapos ang lahat ipapakilala niya pa ako sa girlfriend niya. Ano ako tanga para pumayag, pero bakit ako pumayag kaninang makipagkita sa kanya. Ang tanga ko din, haist bakit kasi kapag siya na ang usapan nanlalambot ako, ang bilis ko bumigay. Pagdating sa kanya, para akong lantay gulay na basta na lamang bumibigay kahit hindi naman dapat.
Tweet tweet SMS
Isang message ang natanggap ko sa gitna ng pakikipag usap sa sarili dahil sa mga inasal ko kanina.
"Nakauwi ka na ba? Di ka na nakadaan dito sa station. Ayos ka lang ba?"
Isang message na galing kay Jane, at kanina pa siya text ng text. Pero kasalanan ko din kasi hindi ako nagpaalam na hindi na ako makakabalik sa station.
.
.
.
.
.
.Kinabukasan
Maaga akong pumasok at naghanda ng sound effects para sa morning session ng duty ko. Ako pa lamang ang nandidito sa station, mabuti at may sarili akong susi para in case na malate sila.
After kong maayos ang sound effects ay lumabas muna ako para imonitor ang sound system at ang iba pang gagamitin. Sa pag aayos ko, ay napansin ko ang isang envelope. Noong una hindi ko tiningnan ang laman, baka kasi may pagkaprivate ang laman. Pero dahil boring na boring na ako tiningnan ko na. Pero ng buksan ko ay biglang may tumawag, dali dali ko namang ibinalik ang laman, papel lang naman pero hindi ko nabasa kung ano ang nakasulat sa papel.
"Napatawag ka."
"Kai, si Ela!"
"Kuya Arden?" Patanong kong sambit dahil kahit kailan ayaw ipahawak ni Ela ang cellphone niya sa kuya niya.
"Sorry Kai, pero pwede bang pumunta ka muna dito sa bahay." Kinabahan ako sa sinabi ng Kuya ni Ela.
"Ano pong nangyari?"
"Kai pumunta ka na lang."
*tot tot tot tot*
Naputol na ang linya kaya nagmadali akong umalis at nagdrive patungo sa bahay ni Kuya Arden. Heavy traffic pa sa kabilang kanto, kaya napadaan ako sa short cut kung saan iyon ang dinaanan namin ni Jane before. Hindi ko pa pala siya narereplayan sa mga text niya magmula kagabi.
There is a possibility na umulan ngayon araw, kaya sa mga may pupuntahang lakad, magdala po kayo ng payong in case na bumuhos ang malakas na ulan.
Pagkarinig ko niyon ay sinubukan kong magtext habang tinatahak ang short cut na daan para makapunta ng maaga sa bahay ni Kuya Arden. Minabuti kong magsesend ang reply sa mga text ni Jane. Kaya matagal akong napatitig sa cellphone ko, di ko namalayan ang paparating na sasakyan kaya nagulat akong iikot ang manebela ng sasakyan ko.
.
.
.
.
.
.Jane's POV
Isang message ang natanggap ko ng makalabas ako ng bathroom, hindi ko muna iyon binasa dahil abala pa ako sa paglalagay ng lotion sa binti ko. Pero ng muling tumunog ang cellphone ko, lumabas ang pangalan ng isang babaeng kagabi ko pa tinetext at ngayon lang nagreply. Agad ko iyong binuksan at binasa.
BINABASA MO ANG
It's Complicated
RomanceJerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinalaunan ay pumunta ng Pilipinas upang iwan ang masakit na kahapon sa kanyang secret lover professor. Ang pag-ibig na matagal niyang inaasam ng...