Chapter 28: Charm

513 12 0
                                    

Chapter 28: Charm

.
.
.
.

Kai's POV

Hindi ko maiwan iwan si Jane. Bagsak na bagsak siya kagabi, tapos ngayon may sakit kaya hindi ako makapasok. Nagsabi na ako kay Tita na itext ang ka office mate ko na hindi ako makakapasok. Wala namang ibang mag aalaga sa kanya dito sa condominium niya. Oo dito ako nagpalipas ng gabi, hindi din kasi ako makaalis kagabi dahil sobrang lakas ng ulan.

"Jane kumain ka kahit tatlong subo ng pagkain." Pag uutos ko sa lantutay na si Jane. Kanina pa siya gising pero ayaw niya pa rin kumain hanggang ngayon.

"Umuwi ka na, tsaka may pasok ka ngayon bakit nandito ka pa?" Tanong niya sa akin, pero nakatalikod siya sa akin. Inilapag ko sa mini table ang tray ng pagkain. Nilutuan ko siya ng mainit na soup, pero dahil ayaw niya pa rin kumain medyo malamig na siya.

Sinubukan kong tanggalin ang kumot na nakabalot sa katawan niya pero nakaipit iyon sa kanya.

"Umalis ka na! Ako na ang bahala sa sarili ko!" Pasigaw niyang sambit pero halata sa boses niya ang pangangatal. Teka umiiyak ba siya? Tanong ko sa isip ko.

"No, kagabi kapa inaapoy ng lagnat. Kailangan mong uminom ng gamot kaya kumain ka na." Mademanda kong utos sa kanya.

"Leave me alone, I can handle myself!"

"No Jane, paano ka makakasama sa event kung may sakit ka?"

"I said leave me alone! And will you please don't come closer to me!" Sigaw niyang sambit, napansin kong nasa tabi ko na pala siya, kaya medyo nagulat din ako.

"Sige, basta hihigop ka ng sabaw at iinom ng gamot." Mahina kong sambit, bago ko lisan ang kuwarto niya ay sumulyap muna ako ng tingin kay Jane na nakahiga pa rin sa kama niya.

.
.
.
.

Jane's POV

Rinig kong sumara na ang pinto, agad naman akong bumangon sa kama at lumakad patungo sa banyo. Nahihilo ako kaya medyo napabagal ang pagpunta ko doon.

Naaalala ko ang mga nangyari kagabi, mula sa paghatid sa akin ni Kai hanggang sa mga pinaggagawa ko. Inalagaan niya ako magdamag dahil nilagnat ako. Panay ang suka ko kagabi kaya nahihiya ako sa kanya. Ayaw ko pa siyang paalisin pero nasambit na ng labi ko ang mga salitang iyon kaya wala na akong magagawa. Tsaka naiinis na din ako kasi kagabi pa ako nagpaparinig sa kanya pero hindi man lang niya pinansin ang mga sinabi ko, siguro nga tama yung panaginip ko. Na ang gusto niya ay lalaki hindi katulad niyang babae.

Nang makapasok ako sa banyo ay agad akong naghugas ng kamay. Mas lalo akong nilamig, ramdam kong tila naikot ang aking paningin kaya napaupo ako. Bakit ang unfair? Bakit sobrang unfair ng kapalaran? Tanging sambit ko sa isipan ko, ramdam ko ang luhang pumapatak sa magkabila kong mata. Hindi ko na mapiligan kaya hinayaan ko ng dumaloy iyon.

"Hu hu." Tanging ingay lang ng paghikbi ko ang naririnig ko at ang daloy ng tubig sa gripo ng bath tub.

Hindi naman kasalanan ni Kai kung bakit ako napamahal na sa kanya, pero bakit ang sama ng loob ko sa kanya? Bakit kasi ako nafall sa isang tao na di ko naman sure kung mamahalin din ako pabalik? Noong di ko pa siya kilala hindi naman ako nagkakaganito ah. Ang tahimik pa ng buhay ko, at payapa pa ang isip ko. Bakit kasi nakilala ko pa siya? Bakit sa kanya pa ako nafall? Pwede namang sa iba, bakit ang tulad niya pa?

Ilang minuto akong nakaupo habang yakap yakap ang sarili. Feeling ko mahihimatay ako, pero pinipigilan kong huwag mapapikit. Sinubukan kong tumayo sa mga oras na iyon ngunit hindi ko napansin ang kaunting tubig na nakakalat sa sahig.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon