Chapter 43: Safe

456 12 0
                                    

Chapter 43: Safe

.

.

.

.

.

Kai's POV

 Katatapos lang ng first segment, nagawa naman namin ni Caren ang duties namin, kasabay ang DJ ng France, na naging kaclose naman namin ni Caren. Iba din kasi itong si Caren, mabuka din pala ang luka. Si Kobi at Ashley na magkababata, pareho silang masarap kausap kahit na minsan pansin kong dumudugo na ang ilong ni Caren. Medyo lutang pa rin ako dahil sa narinig ko kanina sa banyo, hindi ko alam ang iisipin dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget over sa mga narinig ko. Lumabas na kami ng DJ booth after suminyas ng staff na pwede na kaming lumabas, pagkalabas namin napansin ko ang mga staff na tatakbong lumabas ng isa pang pinto, napasin ko din sina Jane at Matt na tila nagtataka. Lumapit kami ni Caren, at napalingon sa tinitingnan nila. Nanlaki ang mata ko ng makita si DJ EM, kaya muli akong kinabahan. Kasabay sa malakas na tibok ng puso ko ay siyang ingay na nagmumula sa labas, kung nasasaan ang mga fans ni DJ EM. Nagkakagulo sila habang tutok na tutok ang karamihan sa nangyayari sa labas.

"Kai Caren kailangan na nating bumalik sa taas."

"Ha? Teka lang."

"Si talaga Caren napakatsismosa." Natawa na lang ako sa sinabi ni Matt, sumimangot si Caren at nakangusong sumabay sa amin. 

"Hindi na natin kailangang problemahin ang mga iyon, tsaka may appointment tayo." Tama si Jane, hindi na namin dapat problemahin ang situation ng Heart London station. Pero curious pa rin ako sa mga narinig ko kanina.

"Naku, si Kai nga parang interested din sa nangyayari. Tingnan mo ang mukha." Napalingon sina Matt at Jane sa akin.

"Ha? Hindi ah, may iniisip lang ako."

"Iniisip e kanina lang ang aliwalas ng mukha mo habang kausap natin sina Ashley at Kobi." Napansin kong nakatingin si Jane, pero di ko na lang iyon pinansin. Dumiretso na akong sumakay sa elevator, sumunod naman silang tatlo. Tahimik lang ang loob ng elevator, pero napansin siguro ni Caren kaya binasag ang katahimikan.

"Alam niyo ang sarap kausap nung dalawa, diba Kai?"

"Ha? Ah oo."

"Tapos ang bait pa nila, diba Kai?"

"Oo." Wala sa sarili kong sagot.

"Si Ashley maganda  na mabait pa, si Kobi cute naman tapos ang sarap kausap, diba Kai?"

"Oo." Nakatungo lang ako habang patuloy sa pagdaldal si Caren. Naramdaman kong may humawak ng kamay ko. Bali nasa likuran ako ni Matt habang katabi ko si Jane at nasa likod naman ni Caren si Jane. Tiningnan ko siya, nakatingin lang siya sa kamay ko habang hawak niya. Hinayaan ko lang iyon kahit kasama namin sa loob ng elevator si Matt at Caren. Nang marinig ko ang pagtunog ng elevator inialis ko ang pagkakahawak ni Jane sa kamay ko.

"Sige, pahinga muna ako." Magkasama kaming apat sa iisang room, pero may dalawang kuwarto, isang master bedroom at isang bedroom, may banyo naman, malaki ang room kaya di kami siksikan. Pumasok ako sa master bedroom at humiga.

"Kai sa biyahe ka na magpahinga. Dapat kasi before 2pm nasa office na tayo." Bumangon muli ako at sumabay kay Matt palabas ng kuwarto, hindi naman ako pagod. Gusto ko lang ipanatag ang isip ko, kasi kanina pa ako isip ng isip, at kanina pa rin ako nacucurious sa mga narinig ko kanina.

"May problema ba?" Tanong sa akin ni Caren, pansin kong kanina pa tahimik si Jane. Hindi ko na lang sinagot ang tanong ni Caren sa halip ay sumunod na kay Matt palabas, dala ang cellphone at isang eco bottle. Napansin kong sumunod naman ang dalawa.

.

.

.

.

Jane's POV

Hindi ko alam ang dapat isipin pero kanina pa si Kai nagkakaganyan, bago sila sumalang sa segment with Kobi and Ashley. May nangyaring hindi ko alam. Nakisabay pa si Em, kanina habang nasa segment sila nabanggit ni Naomi na nagtalo deaw sila ni Em. Kaclose ko na si Naomi pero medyo iwas ng kaunti kapag si Em ang pinag uusapan. Kanina kasi ang lahat ng representative ay magkasama sa isang room, pero nawala si Naomi ng ilang minuto iyon yata yung oras na sinasabi niyang nagtalo sila. Pero hindi naman ako interesado pero nung napansin ko sa mga mata ni Em kanina parang may something sa kanila ni Naomi. Kilala silang dalawa kapag DJ ang pinag uusapan. Pero dahil walang representative ng Heart London Station, si Naomi ang pumalit sa kanilang staff na hindi nakapunta.

"Alam niyo kanina ang saya saya ng mukha ni Kai, tapos ngayon tulog at nakakunot pa ang noo." Sambit ni Caren, sakay na kami ng van papunta sa isa pang office ng 2GB 873AM. 

"Malay mo pagod talaga si Kai, hindi lang pinapahalata." Pagtatanggol ni Matt.

Kanina medyo nainis lang ako kasi oo lang siya ng oo sa mga sinasabi ni Caren. Hindi man lang niya naisip na nagseselos ako nung omoo siya sa ganda ni Ashley at cute ni Kobi.

.

.

.

.

After ng appointment namin sa kabilang office ay bumalik na din kami agad, dahil maaga pa ang biyahe namin bukas para sa sunod na segment na gaganapin naman sa SBS radio, kung saan pumapangalawa sa sikat na station ng Sydney Australia.

Nakatulog agad si kai ng makabalik kami.

"Alam mo kanina pa yan matamlay, nga pala kamusta naman pala kayo nung International Model, balita ko ay rank 1 ang Philippines.

"Yes, and it is because of her." Ngumiti ako at tumingin kay Kai na mahimbing na natutulog.

"You like her."

"What?!" Gulat kong tanong.

"Don't worry safe ka sa akin, I won't tell to anyone tsaka bagay kaya kayo ni Kai." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Kaso may singit."

"Ha? What do you mean?"

"It's Racel, pumayag si Kai na magpaligaw." Kahit alam ko ay nagulat pa rin ako.

"Actually, bago kayo pumunta dito sa Australia pumayag na si Kai. Then pansin ko naman na may pagtingin ka kay Kai, kaya nagulat ako ng pumayag si Kai."

"I already knew that."

"Tunay? So may kaagaw ka na agad hindi pa kayo." Napansin kong matutulog  na si Caren, sa sobrang laki ng kama pwede kaming tatlo magpagulong gulong.

"Sige good night, huwag mong hintayin na madagit yan ng nasa malayo." Humiga na siya at ipinikit ang mata, di pa ako pwedeng matulog dahil isesend ko pa ang report kay Mommy at ang narrative na nangyari kanina.

Nakatingin ako kay Kai at Caren na parehong tulog, pagod sila pareho dahil sa sunod sunod na segment nila. Kasi kami ni Matt manonood lang at makikinig sa kanilang dalawa, kaya mas pagod sila. Napapaisip ako habang nakatingin sa nakakunot na noo ni Kai, lumapit ako itinuwid ang kilay niya. Napakasoft ng kilay niya, malapit ang mukha ko sa noo niya, di ko na napigilan hinalikan ko ang noo niya. Napansin kong hindi na kumunot ang noo niya kaya napangiti ako, naramdaman siguro niya pero mahimbing na ang pagkakatlog niya. Bumalik na ako sa kinauupuan ko at ipinagpatuloy ang pagtatype sa report ko.


It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon