Chapter 4: Goodluck

1.6K 37 0
                                    

Sorry for late UpDate, nagkasakit kasi ako kaya nagpahinga muna ng ilang linggo.

Chapter 4: Goodluck
.

.
.
.

Jane's POV

Nagrereview ako ngayon for my up coming exam, pero wala ako sa mood magreview ngayong araw dahil ang daming bumabagabag sa aking isipan, isa na doon ang pagpasok ko sa modeling kung saan isa sa pangarap ko ngunit ayaw nina Mommy at Daddy.

"Jane hindi na raw makakadaan ang Mommy at Daddy mo!" Napabalikwas ako sa kinauupuan ko ng marinig ang boses ni Ate Grace, isa sa maid namin since birth.
Agad akong nagpalit ng damit at bumaba.

"Saan ka pupunta?"

"Sa station po." Sagot ko sa kanya, hindi na ako lumingon pa dahil sa pagmamadali ko. Agad akong sumakay sa kotse at pinaharurot ito patungong station.

.

.

Trisha's POV

Trisha Lorena is my name, kakarating ko lang ng station mula bahay. 8:26 na ng umaga ng makarating ako. Napalingon ako sa DJ booth kung saan nasa loob si Kai na nakangiti at masayang nagsasalita.

"Trisha look." Napalingon ako kay Matt na naka assign sa rating scale ng station at isa rin sa mga nagmomonitor habang wala sina Tita Gia at Tito Simon.

Napapamangha ako sa patuloy na pagtaas ng rating ng station, nilingon ko si Kai na nakangiti pa rin at masaya sa trabahong ginagawa niya. Kilala ko siya kahit noon pa, she is my inspiration before and until now. Kilala siya sa Spain bilang DJ AK at ngayon DJ Kally naman, pareho kami ng edad pero mas professional siya when it comes to this kind of profession. Siya ang dahilan kung bakit ako nasa ganitong kalagayan, kilala bilang DJ at bilang host.

"Trisha si Venisse ang makakasama mo sa bagong segment mamayang hapon." Nawala sa aking mga labi ang ngiti na nakapinta habang nakatingin kay Kai. Seryoso kong hinarap si Matt habang hawak hawak ang isang brown envelope.

"Where is she?" Tanong ko sa kanya.

"Nagtext sa akin on the way na daw po. Heavy traffic lang sa diversion dahil sa opening ng isang restaurant sa tabi ng Apex Resort." Sambit ni Caren na nagkakape pa.

"Papuntahin mo siya sa office ko once na dumating siya."

"Okay po." Agad na sagot ni Caren.

"Before I end this segment, I just want to share and leave a song for all of you guys. This song remind me of my father who passed away when I was a little kid. This song is special for me. I'm DJ Kally checking out of the morning segment here in RMF, goodbye and see 'ya tomorrow morning." Napalingon ako sa radyo na naka bukas ng magpaalam si Kai sa segment niya every morning.

After that song she played, I saw her in a hurry. Parang may lakad yata siya dahil sa kilos niya at pagmamadali.

.

.

Kai's POV

After ng segment ko ay agad na rin akong nagtungo sa Apex Resort, 9:30 ang call time and it's already 9:00 in the morning. Kay Joanna na lang ako nagpaalam ng bago ako umalis.

Nakasakay ako sa taxi habang binabasa ang theme ng una kong trabaho, nagtext sa akin ang secretary ni Ms. Hikari na si Rea. Red Blossom ang theme na itinext niya sa akin, kaya napaisip ako kung paano gagawin ang ganoong klase ng theme at sa isang resort pa. Hindi ko din alam kung babae ba o lalaki ang model ko ngayon.

"Miss ikaw ba si DJ Kally?" Napatingin ako sa front mirror ng taxi ng magtanong sa akin ang driver.

"Ah opo."

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon