Chapter 25: I Love You
.
.
.
.
.Jane's POV.
Di ako makapaniwala sa napanaginipan ko kagabi, awang awa si Ate Hanna sa akin dahil iyak daw ako ng iyak. Mabuti na lang at sa bahay ako natulog, kung sa condominium ko for sure hanggang ngayon iyak pa rin ako ng iyak. Maghapon kong tiniis na hindi pansinin si Kai sa station, kahit kating kati na ang mata ko na tingnan siya sa malayo. Halatang wala siyang pakialam sa mga text ko sa kanya at pag aalala.
Napabuntong hininga na lang ako at itinuon ang atensyon sa trabaho. Maya maya pa ay pumasok si Trisha at iniabot sa akin ang isang brown envelope short, agad ko naman iyong binuksan. Napangiti na lang ako ng makita ang laman ng envelope na iyon.
"Magpatawag ka ng meeting, before lunch." Sambit ko habang abala sa pagtingin sa mga ticket.
"Are you okay?" She asked, I turn my swivel chair to hide my teary eyes.
"Yeah." Maikli kong sagot.
"Sige." Umalis na din siya agad, kaya napahinga na lang ako ng maluwag. Napansin niya siguro ang mata ko, na kung titingnan mo ay mapapatanong ka talaga dahil halatang umiyak ako magdamag dahil sa walang kwentang panaginip. Walang kwenta ba talaga? Or naiinis ka lang dahil sa panaginip mo inamin mo ng mahal mo siya? Tutya ng isip ko sa gitna ng trabaho ko. Bakit kasi napanaginipan ko ang babaeng iyon? Haist di ko tuloy matapos tapos ang tinatype ko.
Nagpasya muna akong magtimpla ng coffee, ayaw kong mag utos dahil for sure makikita nila ang pagà kong mata.
Habang nahigop ng kape ay nakatayo ako sa tapat ng bintana ng building, tanaw na tanaw ko ang mga sasakyan na nag uunahan, hindi naman ganoon katraffic kaya patuloy sa pag usad ang mga sasakyan. Napatingin ako bigla sa kalawakan na kulay asul, wala masyadong ulap kaya asul na asul ang kulay na kay sarap tingnan.
"Ma'am Jane may naghahanap po sa inyo." Hindi ako lumingon sa mga oras na iyon.
"Sige papasukin mo." I said while looking at the sky.
"Pasok po kayo." Boses iyon ni Caren, rinig kong lumabas din agad siya after mapapasok ang bisita.
Sinuot ko ang eye glasses ko at humarap sa bisita.
Nagulat ako ng makita siya, anong ginagawa niya dito?
"Sorry kung pumunta ako, gusto lang kita makausap." Bumalik ako sa swivel chair, kaya di niya mapapansin ang mata ko dahil nasa sofa siya malayo sa akin.
"What do you want?"
"I just want to say sorry." Nablanko ang utak ko sa sinabi niya, bakit naman siya nagsosorry? May ginawa ba siyang hindi ko na naman nagustuhan.
"For what?" Di ko kasi mahulaan kung ano ang inihihingi niya ng tawad.
"Sorry dahil iniwan kita, sorry hindi ako nakapagpaalam sayo ng ayos, sorry dahil sinaktan kita, sorry dahil bumalik ako ng walang pasabi and sorry dahil ginugulo ko na naman ang tahimik mong mundo." Tahimik ba ang mundo ko, e mula ng makilala ko ang kaibigan niya mas lalong gumulo ang buhay ko.
"Sorry din kasi tinggap ko ang offer sa aking trabaho dito sa Pilipinas."
"You don't need to say sorry, 'cause it's your job to accept every opportunity. Just forget all your mess, and move on." Alam kong napatungo siya sa sinabi ko, nasa monitor kasi ang atensyon ko. Pero ang sakit na nakikita ko siyang nagkakaganyan, mahal ko pa rin ba siya kahit ang dami na niyang kasalanan sa akin. Haist ito na naman, kalimutan mo na kasi ang babaeng iyan. Kanina pa ako pinagsasabihan ng isip ko.
BINABASA MO ANG
It's Complicated
RomanceJerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinalaunan ay pumunta ng Pilipinas upang iwan ang masakit na kahapon sa kanyang secret lover professor. Ang pag-ibig na matagal niyang inaasam ng...