Chapter 40: Text

514 16 0
                                        

Chapter 40: Text

.

.

.

.

Kai's POV

Magdadalawang araw na ng matapos ang International Model Collide, kakarating lang namin ni Jane sa hotel kung saan kami mag checheck in para naman sa DJ Collide, actually hindi DJ Collide ang theme, yun lang ang code na binigay nila. Mamaya pang hapon ang dating nina Caren at Matt galing Pilipinas. Nasa biyahe na sila ngayon, at bukas ang simula ng event. Medyo stress pa rin ako dahil sa mga iniisip ko, isa na doon ang tungkol sa kung ano ba talaga ang meron sa amin ni Jane. Naisip ko lang kasi si Ela, hindi siya nagpaalam ng makaalis noong isang araw kaya napapatanong ako sa sarili ko. 

"Kanina ka pa tahimik diyan, tunaw na ang ice cream mo o." Napatingin na lang ako sa ice cream na nakalagay sa isang maliit na baso. Maging ako ang naiinis na din sa sarili ko dahil sa mga iniisip ko. Wala naman dapat akong ikabahala dahil wala naman akong ginagawang masama. Pero nangungunsensya ang isip ko na di ko nakausap ng ayos ang best friend ko bago niya iwan ang bansa. Okay naman daw siya ng makausap ko si Lexa, mukhang nagkasundo naman kami ni Lexa bago sila umalis, sadyang ultimate crush niya lang daw ako kahit noong nasa Spain pa ako. Ewan pero bakit ang daming babae na nagkakacrush sa akin, e di naman ako kagandahan, slight lang. Sus sinabi mo din na maganda ka. Napakunot ang noo ko sa tinutya ng isip ko. Kahit kailan talaga palagi ng sumasalungat ang isip ko sa iniisip ko, teka e iisa lang naman ang isip ko ah? Haist para na akong sunga kakatanong sa sarili ko. Pati ako nalilito na rin, may special yata ang palaging tutya ng isip ko kasi napapasunod ako ng wala man lang plano. 

"Kung ayaw mong kainin ako na ang kakain niyan." Napatingin na lang ako kay Jane ng bigla niyang kinuha sa harap ko ang ice cream ko, agad siyang sumubo ako naman tila naging istatwa habang nakatingin sa kanya. Bakit kasi ako nagkakaganito? Ano ba ang sumagi sa isip ko at ako'y masyadong natutula kapag siya na ang nakikita ko. Haist bakit ganito ang epekto niya sa akin? 

"Mabilis akong matunaw kapag ganyan ka makatitig sa kagandahan ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ang kapal,  hindi ka ice cream. Tsaka akin na nga yang ice cream ko." Agad kong kinuha sa kamay niya ang maliit na spoon at kumuha ng isang scoop sa ice cream na inagaw niya sa akin. Subo subo ko na ang spoon ng marealize na ginamit niya nga pala iyon, napatingin ako kay Jane na ngingiti ngiti sa harap ko. Agad kong tinanggal iyon sa bibig ko at inilapag sa table. Sus e hinalikan mo nga siya sa mismong photoshot tapos ngayon aarte arte ka. Napayuko na lang ako sa sinabi ng isip ko. Ang weird ko lang kasi tunay naman nga, ang arte ko. Napatunghay na lang ako ng maramdaman kong kinuha ni Jane ang kutsara at muling kinain ang ice cream na kanina pa humihiyaw na matutunaw na daw siya. 

"Hmmm, di mo ba nagustuhan ang flavor ng ice cream? Ang sarap kaya." Napairap na lang ako sa sinabi niya. Dinila dilaan niya pa iyon na parang bata. Nakakunot noo akong tumayo mula sa pagkakaupo at umalis sa lugar na iyon. 

"Teka Kai wait lang!" Rinig kong sigaw ni Jane, hay ewan ko sa kanya.

.

.

.

.

.

"Teka saan ka ba pupunta?" Hanggang ngayon ay naglalakad pa rin ako, habang si Jane nakasunod lang. Ewan pero parang gusto kong magpahangin dito sa labas. Actually, sa tabi ng hotel namin kami kumain ng ice cream, namiss daw ni Jane kaya pinagbigyan ko na. Kanina pa kasi ako kinukulit na bumili ng ice cream.

Napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ang pag ihip ng malakas na hangin. Napansin ko ang isang bakanteng upuan kaya umupo na lang ako doon. Nilingon ko ang likuran kung saan hinahabol ako ni Jane pero wala siya doon kaya napakunot na lang ang noo ko at luminga linga. Hindi ko makita ang anino niya kaya napabuntong hininga na lang ako. 

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon