Chapter 23: The Meet Up

547 11 0
                                    

Chapter 23: The Meet Up

.
.
.
.
.

Jane's POV

Hindi ako makapagfocus sa aking ginagawa dahil paulit ulit na bumabalik sa aking alaala ang lahat ng nangyari kagabi.

"Jane, di ka ba sasama?" Bumalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang boses ni Trisha.

"Hindi na, may kailangan pa akong puntahan." Pagdadahilan ko, maglalunch out kasi sila at for sure kasama si Kai doon. Gusto kong kausapin ng ayos si Kai about sa nangyari kagabi, pero kinakabahan ako sa maaari niyang maging reaksyon.

"Jane, di ka ba sasama?" Ulit na tanong naman ni Kai.

"Can I talk to you?" Tumango tango siya bilang sagot.

"Caren, susunod na lang ako." Umalis na din silang lahat, kaya kami na lang ni Kai ang naiwan dito sa station.

"About nga pala kagabi....

"About that night, I'm very sorry Jane."

"No, Kai....

"Jane, I'm very sorry talaga." Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

"Sorry kung nanggulo ako sa party ng kaibigan mo, I did not mean it promise. Nakainom lang talaga ako. And sorry din dahil naabala pa kita."She pouted her lips na parang iba ang sinabi sa sasabihin ko.

"It's fine, naiintindihan naman iyon ni Anne. And I understand too."

"Kung pwede ko nga lang siyang puntahan para magsorry gagawin ko."

"No need."

"Really? Thank you."

"There's more."

"What?! Meron pa? Please tell me, ano pang ginawa kong hindi tama?"

OMG she didn't remember.

"Before you go to the bed."

"Sorry Jane, the only thing I remember was in the party. Sa totoo niyan di ko na matandaan na inalalayan mo pala ako at pinatulog. Matindi ba ang ginawa ko?"

"No worries, it's just a simple thing. Never mind that thing."
Are you sure Jane? You're selfless, bakit di mo sabihin sa kanya.

"That's all, sige sunod ka na sa kanila. Baka gutom ka na din."

"Sige, alis na ako. Sorry talaga."

"It's fine." Nginitian niya ako bago umalis ng station.

Parang pinako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ng marinig ang mga sinabi ni Kai, ganun ganun na lang yun? After that night, all is just forgotten. Di ko alam ang iisipin sa sandaling iyon, naiinis ako na nagagalit. Ewan pero parang kagabi lang ang saya saya ko, and sadness pala ang magiging resulta.
Tama nga ang sabi nila, na kapag masaya ka ngayon magiging malungkot ka maya maya.

.
.
.
.
.

Kai's POV

Hindi ako dumiretso sa sinasabi nilang lunch out dahil may tatagpuin ako ngayong araw. I know that this is one of my biggest challenge to do this kasi ang hirap pagdesisyunan ang makipagkita sa kanya.

Mabuti na lang at dala ko ang kotse ko, ilang minuto lang ang lumipas narating ko na rin ang dapat kong puntahan.

.
.
.
.

"Good morning ma'am." Isang babae ang bumati sa akin ng makapasok ako sa isang restaurant.

Agad kong nakita ang katagpo ko na hanggang ngayon ay pinag iisipan ko pa rin kung lalapitan ko ba o hindi. Actually kanina ko pa ito pinag iisipan mula ng mabasa ko ang message niya sa akin kagabi. Gusto ko siyang makita pero baka masaktan lang ako sa maaari niyang sabihin, hindi ko alam pero kanina nireplayan ko din siya na makipagkita sa kanya.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon