Chapter 47: Laura and Abbie

573 11 0
                                    

Chapter 47: Laura and Abbie

Kai's POV

Buong araw akong may ngiti sa labi, gayundin ang babaeng buong araw kong kasama sa event. Magmula kaninang umaga hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa labi ko ang mga ngiti, after ng segment namin kanina ay lumabas kami at kumain pero kasama ang dalawa, si Matt at Caren. Hanggang sa pag-uwi.

"Matt alis na tayo dito, baka mamaya makagat tayo ng langgam." Napatingin ako sa sinabi ni Caren, nakangiti sila ni Matt na lumabas ng room. Nasabi na namin sa kanila ang tungkol sa amin, at suportado naman sila sa amin. Halos kahapon lang di pa kami magkasundo ng babaeng ito, pero ngayon hawak hawak ko na ang kamay niya at may saya pa sa dibdib ko. Nag usap na kami kagabi ng ayos, lahat ng sama ng loob ko sa kanya ay nailabas ko, gayundin siya. Halos matawa kami sa isa't-isa dahil sa mga inamin namin, hindi ko din akalain na ganoon na pala kalalim ang nararamdaman niya sa akin. At ako naman ang manhid manhid, tama nga ang sinabi nina Erin sa akin na may gusto si Jane sa akin.

"Huwag mo ng pansinin ang dalawang iyon." Sambit ni Jane, katabi ko siya ngayon sa sofa habang abala siya sa ginagawa niya. Ang kanang kamay niya ay abala sa pagpindot sa cellphone niya habang ang kaliwa naman ay hawak hawak ko.

"Nabanggit ba sayo ni Caren na bukas ay may segment pa tayo?" Tanong ni Jane.

"Oo, naibigay na niya rin ang script ko."

"Pwede mo namang hindi na sauluhin, at alam kong mas maganda yung nasa isip mo kaysa sa script na yan." Napangiti na lang ako sa sagot niya, kasi dati rati pati ito pinagtatalunan naming dalawa. Nakangiti lang ako habang nakatitig sa mukha ni Jane. Nakatitig ako sa may katangusan niyang ilong, mahaba at nakacurve na pilit mata niya kahit di makapal ang kulay, sa labi niya na matte red velvet pa ang gamit na lipstick, ako kasi ang naglagay.

"Diba matagal ko ng sinasabi sayo na huwag mo akong titigan, at baka matunaw ako." Napangiti na lang ako sa sinabi niya, oo palagi niyang sinasabi ang ganyan. Kasi sino ba naman ang hindi mapapatitig sa ganyang hitsura, maganda, mala anghel, maamo kahit minsan wild, tapos nakakaakit pa. Hayy I admire her so much. Maya maya pa ay binitawan niya ang kamay ko, kaya napasimangot ako.

"May meeting kami, dito ka muna."

"Ihahatid na kita sa baba." Ngumiti siya at muling hinawakan ang kamay ko, pero bago iyon ay nagsuot muna siya ng cardigan or sweater.

"Mukhang kanina ka pa nilalamig ah." Sinapo ko ang noo niya, pero umiwas siya kaya hindi ko iyon nahawakan. 

"Ano ka ba wala akong sakit, kaya di mo na kailangang gawin yan." Nakangiti niyang sambit. Pansin ko kasi kanina, palagi siyang nagsusuot ng sweater. Kaya nagtataka lang ako. Niyakap ko siya mula sa likuran, at hinawakan niya ang kamay ko na nakayakap sa kanya. After that ay lumabas na kami ng room. Mag aalas sais na ng hapon, at buong gabi ang pahinga namin kaya yung dalawa nasa galaan ngayon. Pero itong si Jane may trabaho pa rin na inaatupag.

.

.

.

.

Tumigil sa paglakad si Jane kaya napatigil din ako.

"Dito na lang, magpahinga ka na muna." Umiling iling ako at sumunod pa rin sa kanya.

Rinig kong napabuntong hininga siya, kaya medyo nagtaka ako kasi ang lalim ng pinaghugutan ng buntong hiningang iyon. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko kaya napatingin na lang ako sa kanya.

"Sige na, magpahinga ka na." Hinalikan niya ako sa kamay ko at binitiwan din agad iyon, tumalikod na siya at lumakad papalayo sa akin. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari, kung bakit ganito na lang ang ginagawa niya.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon