:( Chapter 41: I LOVE YOU, GOODBYE :(

604 13 7
                                    

Chapter 41: I LOVE YOU, GOODBYE

A/N: REMINDERS, THIS CHAPTER MAY CONTENT AN EMOTIONAL LINES. READ THE WHOLE THING BEFORE YOU JUDGE IT. AND FOR THOSE BROKEN HEARTED I KNOW YOU CAN DO IT TO FORGET AND TO MOVE ON. JUST HOLD ON AND DON'T GIVE UP ON LIFE😊.

.

.

.

.

.

Kai's POV

Kakagising ko lang ng marinig ang maingay na sound music sa labas, napatingin ako sa wrist watch ko. 8:45 na ng gabi, madilim na din kasi sa labas. Nagulat na lang ako ng mapansin nasa kama ako, teka sa pagkakaalam ko nasa labas ako kanina.

Girl sunga ka ba diba naglakad ka kanina tapos muntik ka pa ngang mabunggo dahil sa katangahan mo. Tutya ng isip ko. Oo muntik na akong mabunggo kanina dahil sa kakaisip ko, paano ba naman akala ko nakagreen light yung traffic lights e red pala, ang tanga lang kasi layong layo ng kulay red sa green.

"Gising ka na pala, tara sa labas nandiyan na sina Caren." Nakangiting sumulyap si Jane sa maliit na siwang ng pinto ng kuwarto, teka nasa kuwarto niya ako. Bumangon ako at tumayo sa kama, medyo nahihilo ako dahil siguro sa stress. Hay kailan ba ako lulubayan ng stress na ito, kasi palagi na lang akong ganito.

.

.

.

.

Ela's POV

A/N: Play the music while reading the letter.

To: Jane

A/N: The same as what I've encountered this day.

Ang sakit makita ang mahal mo na may mahal ng iba, ang akala ko kapag bumalik ako ng Pilipinas ay muling ding babalik ang dating meron tayo. Ang tanga lang ng tadhana dahil kung kailan ko pa naisipang bumalik tsaka ko naman malalaman na iba na pala ang gusto mo, gusto kong ibalik yung dating tayo pero dahil nasaktan na kita ang hirap na makuha at maibalik yung tiwalang ibinigay mo sa akin before, oo ikaw ang naging sandalan ko at ako ang naging sandalan mo. Tandang tanda ko pa noong mga panahong down na down ka, halos maubos ang lahat ng luha mo dahil sa hirap na nararanasan mo about sa family mo, so sinalo ko lahat ng iyon, ako ang umintindi sa iyo, and there is a time na ako naman ang down na down dahil sa sitwasyon ko, sitwasyon ng kuya ko, kung hindi siguro nawala si Mama hindi ko na kailangang mangibang bansa pa para maibalik ang kompanyang pinapatakbo ni Kuya habang inuubos naman ni Papa ang lahat ng perang natitira. Bakit kasi napaka unfair ni tadhana, kung kailan nagiging masaya na ako sa buhay ko tsaka naman makikisabay ang problema ko sa pamilya ko, noong una kong sweldo ang sabi ko itatabi ko iyon hindi lang para sa kompanya kundi pati na rin sayo, kasi gusto kong maging maganda ang future nating dalawa. Hindi ako nagpaalam sayo ng maayos dahil ayaw kong makita kang naiyak habang paalis ako ng bansa. Minabuti kong hindi mo ako macontact kasi ayaw kong marinig ang boses mo na mas lalong nagpapamiss sa akin, ayaw kong marinig ang boses mo kasi baka hindi ko makayanang tumagal sa ibang bansa, kaya mas pinili kong hindi ka kausapin kahit sobrang gusto ko. Ang hirap noong una dahil hindi pa rin ako makaadjust sa nangyari, kahit nga sa kuya hindi ko nagawang magpaalam. Pero alam mo ba? Ikaw ang palagi kong napapanaginipan gabi gabi kasi namimiss kita ng sobra. Nagpalit ako ng account para hindi mo malaman na ako iyon, pasekreto kong nilalike at shinishare ang mga photo mo sa bawat achievement mo kahit nga nakabusangot ka noong graduation mo sinubukan ko pa ring i retweet ang post ng Mommy mo sa Twitter kasi nalaman kong hindi ka na mahilig magpost. Alam mo ba sobrang miss na kita, kahit 2 taon at ilang buwan lang yung naging relasyon natin feeling ko sobrang tagal na noon. Ipinagmalaki kita sa mga katrabaho ko, lalong lalo na sa best friend ko na siyang minamahal mo na ngayon.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon