Chapter 12: Earrings.
.
.
.
.Kai's POV
Nakisakay lang ako sa mood ni Jane para naman hindi niya sabihin na napaka KJ ko, but I hate the moment na makisakay sa trip niya. And naisip ko din si Tita Gia, ayaw kong may masabi siya sa akin habang nandidito ako sa Pilipinas. Maybe masasanay din ako after few days.
"Kanina ka pa tahimik, is there any problem?" Napasulyap ako ng kaunti sa busy at nagbabasang si Jane, I gave her what I've remembered when I took the examination. Lucky her cause I still remembered those, and lucky her cause I also still remember a lot of question.
"Uhm nothing, I just want to recall what are the other lessons."
Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa pagsusulat habang binabalikan ang lahat ng naaalala kong tanong the time na kumuha ako ng exam. Pinapalitan naman ang question every year, pero kadalasan connected siya sa previous question kaya makakatulong ito kay Jane especially I remember all the hard question.
Napatingin ako sa wall clock, 6:45 na ng hapon. Nakauwi na ang ibang employee, tanging si Matt, Anton at Venise na lang ang naiwan tsaka kami ni Jane.
"Gutom ka na ba?" Sinulyapan ko siya ng mapansin sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin. Hindi ko pinansin ang tanong ni Jane, busy kasi ako sa pagsusulat, ipinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat.
"Gusto mong kumain?" Napatigil ako sa pagsusulat ng muling magtanong si Jane.
"Ikaw ang bahala." Hindi ko siya tiningnan ng sagutin ko ang tanong niya.
Itinuloy ko ang pagsusulat ng mapansin na hindi niya inaalis sa akin ang paningin niya.
"Magpapabili lang ako, wait lang." Pansin kong tumayo siya at lumapit sa direksyon ng telepono. May kinausap siya sa kabilang linya, teka bakit ko ba pinapakinggan at inaalam ang ginagawa niya. Tinuktukan ko ang noo ko ng ballpen, dahil sa ginagawa ko.
"Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?"
Napalingon ako kay Jane, tapos na pala siya.
Hindi ko na lang siya sinagot sa halip ay ipinagpatuloy ang pagsusulat..
.
.
.Jane's POV
Anu ba ang problema ni Kai? Kanina ko pa napapansin na ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko. Feeling ko talaga may nagawa akong mali, pero okay naman kami ah. Pinag aalala ako ng babaeng ito.
"Hindi pa ba kayo tapos?" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses ni Venise, nilingon ko siya ng pumasok siya sa loob ng office.
"Ikaw ang dapat kong tanungin ng ganyan." May pabirong sambit ko bago umupo sa sofa.
"Kukunin ko lang ang list ng mga product na iniendorse natin." Lumakad siya sa may open cabinet at kinuha ang isang white folder.
"Sige, iwan ko na kayong dalawa." Napakunot ang noo ko ng gawin niya ang grin smile na iyon. Anu na naman ba ang ibig sabihin no'n?
"Before mo sagutan lahat ng tanong kapag examination na, first thing you need to do is to identify all the question carefully, sometimes it's situational so a lot of answer can be all correct but there is only one perfect answer." Napabaling ako ng tingin kay Kai ng bigla siyang magsalita ng makaalis si Venise.
"So meaning, mahirap talaga?"
"Not at all, you just need to understand." Kinuha ko ang ballpen na malapit sa papel na sinusulatan niya. Busy pa rin siya sa pagsusulat habang kausap ako, hindi ko talaga siya magets. Napakamysterious kasi ng facial expression niya, kaya kadalasan sarili ko na lang kinakausap ko kapag hindi siya sumasagot, para nga akong sunga sa pinaggagawa ko.
BINABASA MO ANG
It's Complicated
RomanceJerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinalaunan ay pumunta ng Pilipinas upang iwan ang masakit na kahapon sa kanyang secret lover professor. Ang pag-ibig na matagal niyang inaasam ng...