CHAPTER 14: I'll Protect You
Nakayuko ako ngayon habang naghihintay sa waiting shed sa labas ng gate ng university. Susunduin daw ako ni Walter, eh.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Hindi sumasagot. Naka anim na akong tawag pero hindi niya pa rin ito sinasagot. Sinubukan ko namang tawagin ang iba pero ganoon din, walang sumasagot.
Medyo dumidilim na. Umupo muna ako sa may upuan dito at sinuot ang hoodie ko. Not now, please. Nasaan na ba kayo?
Nakaramdam ako nang kaba ngayon sa dibdib ko. Malayo kasi ang bahay ko kaya hindi ko rin alam paano makakaalis dito.
Naglalakad ngayon mula sa kanan ko ang grupo ng tinatakasan ko, sa kaliwa naman ang grupo ng misyon ko rito.
Come on, Walter, where are you na ba?
Napayakap na lang ako sa bag ko. Malapit na malapit na sila nang bigla akong nakarinig ng busina ng sasakyan. Sasakyan ni Walter iyon.
Nagtatakbo ako patungo sa sasakyan niya. Muntikan na. Mabuti na lang at may sariling mundo ang dalawang grupo na iyon.
"Walter!" Sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa sasakyan niya. No, I mean, sasakyan ko. Napatikom ko ang bibig ko nang mapansin ko na halos kumpleto sila at nakatingin sa mga lalaki na tinatakasan ko.
"Hindi kayo sumasagot sa tawag ko. Kinakabahan na ako kanina pa lang bago mag-umpisa ang klase dahil hinahabol nila ako kaya ang ginawa ko, natulog ako buong klase," pag-e-explain ko. Niyakap ko ang bag ko. Napansin ko na hindi kami umaandar, nanonood pala sila sa dalawang grupo na ito. Ano kayang mayroon?
"It's too dangerous," sambit ni Lynch kaya napatingin ako sa kaniya mula sa rearview mirror.
Too dangerous daw pero bakit hindi pa rin kami umaandar? May pagkaano lang, Lynch?
Nang napansin na ni Walter na napatingin sila sa amin ay pinaandar na niya ang sasakyan. Teka, hindi ito papunta sa bahay ko, ah.
Huminto kami sa mansion, black na mansion. Ang ganda naman.
Otomatikong bumukas ang gate na mataas kaya nang huminto na ang sasakyan ay tiningnan ko lang silang bumaba. Bumaba silang lahat maliban sa akin at kay Walter. Naka black silang lahat at nakasuot ang hood nila at may cap pa na black kaya hindi ko masyadong naaaninag ang mukha nila.
"Hey," pagtapik ko sa balikat niya. Tiningnan niya lang ako at bumaba na rin sa sasakyan. Napabikit balikat ako at bumaba na rin. Ano kayang nangyari sa kanilang lahat.
Nagdire-diretso sila sa loob ng mansion. Dito ata sila nakatira ngayon. Bakit mansion sa kanila at sa mga kapatid ko, samantalang sa akin ay normal na bahay lang? Masyado atang naging sarcastic si daddy, por que sinabi kong normal na buhay ang gusto ko ay pati na rin ang bahay ko. Sa subdivision kasi na tinitirhan ko ay halos malalaki ang mga bahay na nakapalibot sa akin. Ang akin lang ata ang maliit at simple na bahay.
Pagkapasok ko pa lang ay tumambad sila sa akin na duguan. Wait, what? Mas malala ang lagay nina Hakure, Walter at Lynch kumpara sa iba. Puro dugo na rin ang sala nila. White kasi ang floor nila. May mga first aid kit na rin ang nagkalat sa sahig.
"What happened?" Natatarantang tanong ko atsaka lumapit kay Hakure na nakahiga na ngayon sa sofa. Iniwan nila si Hakure rito na ganito ang kalagayan?
"Iniwan namin si Hakure rito dahil isa siya sa mga nag-cover. Ako, siya at si Walter kasi ang nag-cover." Sagot ni Lynch. Damn, pwede naman silang lahat ang mag-lead, bakit kailangan pang may gumanap na bilang cover? Mas malala ang matatamo ng mga magco-cover kapag nasa isang laban. Kung mas malala silang tatlo, bakit si Walter pa ang naaneho ng sasakyan? Para hindi ko mahalata na nanghihina siya? Damn it!
BINABASA MO ANG
Epiphyllum Oxypetalum
Hành độngSche, a seventeen year old girl who was traumatized by celebrating her birthday because of her thorny past. Every year, her close friends nor her family wanted to celebrate her birthday, but she's always hiding inside of her room because she knows...