Chapter 11

173 20 0
                                    

CHAPTER 11: Where's the Rose?


"Who are you?" Tanong niya sa akin. Tiningnan ko lang siya sa mga mata niya at ngumisi.

"What do you need from me?" Balik-tanong ko rin sa kaniya. Kaming dalawa lang ang naririto ngayon sa loob ng silid dahil iniwan kami kanina ng iba pa niyang mga kasama. Ni hindi ko nga kilala kung sino sila, eh. Sa pagkakatanda ko, ni isa sa kanila ay hindi ko nakalaban kaya nakakapagtakha at bakit nila ako dinala sa ganitong lugar. Kidnap ba ang nararapat na salita para sa ginawa nila?

"Tell me where I can find the rose," malamig na tanong nito sa akin. Ilang beses niya na akong tinatanong kung nasaan ba ang rose na hinahanap niya kanina pa sila ganito.

"What? What rose?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya. Mas lalo akong nababaliw sa lalaking ito. Ano ba kasing kailangan nila sa akin? Atsaka, mukha na ba akong hanapan ng nawawalang bulaklak?

"The rose!" Naiinis na sigaw nito. Inirapan ko naman siya sa inasta niya. Aba't ano namang kinalaman ko sa nawawalang rosas na hinahanap nila. Ni hindi nga ako mahilig sa mga rosas, mga nakakalason at nakakamatay na bulaklak at halaman ang mas gusto ko. Deadly, dangerous and poisonous like me.

"You won't tell me?" Pasigaw na tanong nito sa akin. Hindi ko siya inimikan. Hahawakan na niya sana ako sa braso nang biglang may pumasok sa k'wartong ito..

"Dude! Mali naman 'yang nakuha natin, eh! Hindi naman siya 'yong hinahanap natin," natatawang sambit ng pumasok. Lima na sila ngayon na naririto sa loob ng kwarto na ito.

"Tsk. Do you know that you will get killed when you did a wrong move? Well, of course you don't know," walang ganang sambit ko sa kanila. Napatingin naman silang lahat sa akin mula ulo hanggang paa. What the? Nakakainsulto iyon!

"Anong gagawin natin dito?" Tanong naman ng isa na may maliit na nunal sa ilong at tinuro ako.

"Kill her?" Patanong na sabi ng lalaki na kulay asul ang buhok. Mas lalo akong naiinis ngayon. Imbes na may ginagawa ako ngayon ay napurnada pa dahil sa pagkidnap nila sa akin.

Nagulat sila nang bigla akong tumayo at naglakad patungo sa pintuan. Aba't anong klasing pagtatali ba ang ginawa nila at hindi nila hinigpitan. Kung ang tinalian nila ay ang kikitil sa mga buhay nila ay paniguradong kanina pa sila nakasalampak sa sahig.

"What the?" Naguguluhang tanong naman nang nagtanong sa akin kung nasaan ba ang rose.

Agad nila akong hinarangan kaya napatigil ako sa paglalakad ko.

"'Yun na 'yon?" Tanong niya sa akin.

"Oo? Ano bang kailangan niyo sa akin? Naiistorbo niyo na ako," nakangiting sabi ko. Napangisi ako at agad na tumakbo papunta sa pintuan. Sobrang hindi sila makapaniwala. Sigurado akong ang nagtali sa akin ay may binabalak, sinadya niyang luwangan ito para agad akong makatakas.

Tumakbo ako pababa nang hagdan habang ang mga lalaki na hinahanap sa akin ang rose ay sinusundan naman ako.

Mabuti na lang at hindi nila tinanggal ang bag sa likuran ko. Hindi ko na lang alam kung anong gagawin ko kapag nakita nila ang dagger na binigay sa akin ni daddy. Paniguradong pati siya ay matataranta kapag nakita nila 'yon o naiwala ko. Syempre, it represents me as a queen of daw so napakapribado at confidential ang mga gamit na iyon.

Nakasara ang front gate kaya lumiko ako at tumakbo papunta sa pinakalikuran ng bahay. Mas lalo kong binilisan nang makita ko na sila. Mabuti na lang at sanay na akong tumakbo nang mabilis.

Hinagis ko sa labas ng pader ang bag ko. Umatras ako at tumakbo papunta sa pader sabay talon. Ganito ang ginagawa ko kapag lagi akong tumatakas sa mga nakakaaway ko. Pero hindi ko naman sila inaway kaya bakit ako pa?

Mukhang mababait naman sila. Mukhang hindi nga nila ako kayang patayin, eh. Halos lahat naman ng nakakasalamuha ko ay nasasabi kong mabait, pero alam ko ring delikado sila at may mga tinatago ring mga baho.

Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa mapadpad na ako sa mataong lugar. Mukhang malayo na ito sa amin. Is this a province?

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng short ko.

Pumunta ako sa isang tindahan.

"Excuse me, ano pong lugar ito?" Tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya muna ako nang matagal.

"Nasa probinsya Malindag tayo, Hija. Hindi ka ba taga rito?" Tanong niya rin sa akin. Umiling ako dahilan para mas lalo niya akong titigan.

"Someone kidnapped me, I need to contact my friends for me to escape here. Can you help me?" Mahinang sabi ko habang may pagmamakaawa sa mukha. Aba, malamang ay hahanapin nila ako ng mga humahabol sa akin.

"Oh sige, dumaan ka rito."

Sinara niya muna ang tindahan niya at pumunta kami sa loob ng kanilang tirahan. Pati ang mga anak niya na nasa labas kanina ay pinapasok niya.

Tiningnan lang nila akong lahat at ni isa sa kanila ay walang nagsasalita.

"Sche! Ano ba? Kahapon ka pa namin kinokontak!" Sigaw ni Lynch. Nailayo ko naman ang cellphone ko sa tainga ko.

"Chill. Here, kausapin mo yung may-ari ng bahay kung nasaan ako para mapuntahan niyo na ako." Saad ko at ibinigay sa kaniya ang cellphone ko.

Nang makuha na niya ito ay tumayo siya at umalis sa sala. Kailangang private?

"Bakit nandirito ka? Mukhang hindi ka taga rito," tanong ng anak niya na mukhang kasing-edad ko lang.

"Someone kidnapped me." Maikling sagot ko. Tinanguan lang nila ako.

Binuksan ko muna ang bag ko at hinanap ang dagger na nasa secret pocket. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ito na nandirito at mukhang hindi nagalaw.

MAKALIPAS ang ilang oras ay nakarating na rin sila rito. Pinapasok muna sila sa loob ng bahay.

Sina Lynch ay nasa kuwarto at kausap ang may-ari ng bahay at ang mga anak nito. Si Walter naman ay kaharap ko at nakatitig lang sa akin.

"What are you looking at?" Tanong ko dahil hindi niya talaga inaalis ang titig niya sa akin.

"Nothing. I am just worried. Did they do something to you?" Nag-aalangang tanong nito saka tinaas-taas ang magkabilaang mga kamay ko. Magkaharap kasi kami at kaunti na lang ang pagitan namin.

"Nope. They just threatened me because I'm not telling them where the rose is, but swear, I don't know what rose they are talking about. Mabuti na lang at may dumating at sinabing hindi ako ang babaeng hinahanap nila." Tumatango-tanong sagot ko sa kaniya. Aba, hindi ko talaga alam kung anong rose ba ang tinutukoy nila. Puwede naman silang magtanim ng rosas, bakit kailangang mang-kidnap pa? Atsaka, ano namang kinalaman ko roon? Imbis na nag-aaral na ako ay kung anu-ano naman ang nangyayari sa araw-araw kong pamamalagi rito.

Ilang minuto pa ang nakalipas at lumabas na rin sila sa kuwarto. Mukhang seryoso ang mga mukha nila.

"Let's go home." Seryosong saad ni Lynch saka ako hinila. Uh-oh, mukhang may nangyayari na naman ba? Tama nga ang naisip ko noon pa, na sa tuwing nakakasama ko sila ay maraming panganib ang dumarating sa buhay ko. But that's okay, as long as they will save me, I am willing to fight with them. Elude when in trouble, fight if can. Wounds heal by touch, tears fade by sweet stares, fallen could rise again by love.

Epiphyllum OxypetalumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon