CHAPTER 20: Mutuals
Nagising ako nang may maramdaman akong may pumulupot sa akin. Tangina naman, Arrow.
"Arrow!" Sigaw ko habang tinalukbong ko sa mukha ko ang niyayakap kong unan. Pesteng ahas na ito, bakit ba ako niyayapos nito. Mukhang masyado rin akong na-miss ng ahas na ito.
Gusto ko pang matulog pero marahan itong pumulupot sa akin na parang nanglalambing ito, nangyayakap.
"Isa!" Sigaw ko na namang muli. Nang nairita na ako sa presensiya ng ahas na ito ay umupo na ako at tumingin nang masama sa ahas na na ngayon ay nakapulupot na sa paanan ko.
Lumabas si Arrow mula sa isa pang pintuan ng kuwarto niya, basang-basa pa ang buhok niya na bahagyang tumutulo pababa sa katawan niya. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng pang-itaas dahil may nakasampay sa balikat niya na twalya at dire-diretsong tumabi sa akin. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko kaya mas minabuti ko na lang na yumuko.
"Morning.." bulong nito atsaka hinalikan ang pisngi ko. Hindi na ako nakagalaw dahil bigla akong natulala sa matipunong katawan niya, hindi ko siya pinagpapantasyahan, sadyang ganito lang ako tuwing umaga. I'm not a morning person atsaka kaya ko nga nasabi na para akong isang Queen of the Night ay dahil nalalanta rin ako kapag sumapit na ang umaga. Masyado pa kasing maaga kaya ako nagkakaganito.
Kinuha niya ang ahas at nakipaglaro rito. Nag-iba ang kulay niya, pero papaano?
"This is their baby. She loves you too." Nakangiting saad niya at binigyan ako ng pagkatamis-tamis na mga ngiti.
Kahit likod niya rin ay isa nang napakagandang tanawin. Ay ano ba itong mga pinagsasabi ko!
"Mukhang pinagpapantasyahan mo na ako," natatawang sabi niya. Natauhan ako at mabilis na tumingin sa kaniya.
Tumayo na ako at pumunta sa banyo, hindi naman niya ako pinigilan.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan nito, puro kulay ginto at puti ang makikita mo sa paligid. Dito pa lang sa mga gamit niya ay masasabi kong magkasalungat kami. I was born in the dark and we are opposite.
May extra'ng toothbrush akong nakita na naka patong sa lababo, masasabi kong sa akin ito dahil kulay itim ito. Maging ang sa kaniya ay kulay puti na may ginto. Sobrang hilig naman niya sa kulay na ito.
Naghilamos lang ako. Tiningnan ko ang napakagandang mukha ko na kasalukuyang may sugat ngayon. Damn this wound, heal faster!
Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko pa rin siyang nakikipaglaro sa baby niya. Pati ang gintong ahas ay nasa harapan na niya, nasa ibabaw ito ng kama samantalang ang puting ahas ay nasa sahig lamang at nakatingin sa kanila. How sweet this family is, kumpleto pa sila. Ang pamilya niya kaya, kumpleto pa?
Umiwas ako ng daan sa ahas na nasa sahig at umupo ulit sa pinadulong parte ng kama, baka kasi paluputan na naman ako.
Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay nagsinula na namang gumapang ang nanay na ahas papunta sa akin.
"Stop right there! Ihahampas ulit kita!" Sigaw ko at dinuro siya, agad siyang napatigil na parang naiintindihan niya ako at bumalik sa puwesto niya.
Muli akong napatingin sa likuran ng lalaking ito. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin inaalis ang tuwalya sa balikat niya, at ang basang balikat niya ay hindi pa rin niya napupunasan mula sa basang buhok niya.
Lumapit ako sa likuran niya at kinuha ang tuwalya.
Una kong pinatuyo ang buhok niya. Nag-iingat nga ako dahil baka bigla akong kagatin ng ahas.
BINABASA MO ANG
Epiphyllum Oxypetalum
AcciónSche, a seventeen year old girl who was traumatized by celebrating her birthday because of her thorny past. Every year, her close friends nor her family wanted to celebrate her birthday, but she's always hiding inside of her room because she knows...