CHAPTER 23: Reunion
Nakasalumbaba lang ako habang pinagmamasdan kong silang tatlo na nag-aasikaso sa kusina. Nagluluto kasi sila, ang dami nga nilang niluluto na parang may darating pang iba.
Napabuntong hininga ako at tumayo na. Nagsisimula na akong maglakad pero napansin ata nila ako.
"Sa'n punta mo?" Tanong ni Neji sa akin habang may hawak-hawak na sandok.
"Malamang uuwi na." Walang emosyong sagot ko sa kaniya. Ayokong magkasiyahan sa iba knowing that my sisters are missing. Anong karapatan kong magsaya ngayon kung nawawala naman ang lima kong kapatid?
"Ihahatid ka na lang namin mamayang gabi. May bisita tayong darating ngayon. Kailangang maipakilala ka namin sa kanila." Si Arrow na mismo ang nagsalita ngayon habang hinuhugasan ang mga gulay na gagawin nilang salad.
"So what? Ako ang mag-a-adjust?!" Inis na saad ko.
"What's your problem?" Nakangunot na tanong sa akin ni Arrow. Binitawan niya ang hawak niyang sandok at iniwanan ang niluluto niya, lumapit siya sa akin.
"My five sisters are missing." Sagot ko sa kaniya. Lumingon naman ang tatlo sa akin na may gulat sa mga mata. "Damn, Neji, you forgot about it!" Inis na saad ko. Kumuha ako ng tinidor na nasa harapan ko at ibabato na sana ito nang pigilan ako ni Arrow.
"Nawawala ang mga pamangkin ko?" May gulat sa mga mata na tanong ni uncle. Inirapan ko siya.
"You heard it right. Tss." Tinanggal na niya ang apron niya atsaka nauna pang maglakad sa akin. Tiningnan ko lang siyang naglalakad. Wow, concern na concern sa mga kapatid ko?
Narinig kong bumulong si Neji at sinundan din si uncle. Hinarangan niya ito at tiningnan nang masama.
"Get out of my way." Malamig na utos niya. Wow! Ngayon ko lang siya narinig sa ganitong tono!"Umayon ka sa pinag-usapan, dude. You can't just walk away and throw our plans. Look at Sche, she's calm as fuck. Her sister has been missing for how many days and yet she's here and doing nothing." Aba, anong walang ginagawa? Kaya nga ako naglakad kanina para hanapin sila, eh. Atsaka, ayokong takutin ang sarili ko. I need to be calm as long as I can.
"Damn.." bulong ni uncle at pinadayo ang kamay niya sa buhok niya. Inis siyang bumalik sa ginagawa niya.
"Chill, dude. Lagyan mo ng pagmamahal 'yang niluluto mo dahil kung hindi, hindi 'yan sasarap. Imagine-nin mo na lang ako." Saad ko sa nakatalikod na tito ko. Mamaya na lang siguro ako aalis. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom.
"What the crap?!" Napatingin kaming tatlo kay Arrow nang bigla itong sumigaw. Nasa harapan ko pa siya kaya naitulak ko siya dahil nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya. "Why did you say that? You shouldn't say'imagine-nin mo na lang ako'. Damn!" Dugtong niya sa sinabi niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. May nasabi ba akong mali? Parang nireregla naman ang isang ito!
Parang bata siyang ngumuso at sinuot ang apron niya. Nakatalikod silang tatlo sa akin. Nice backs, guys. Topless kasi silang lahat. Ewan ko ba sa tatlong ito, simula nang matapos kaming mag-usap kanina ay nagsitanggalan sila ng pang-itaas.
Tumunog ang door bell. May tao sa labas ng gate. Nagsitinginan silang lahat sa akin. "What?" Tanong ko sa kanila habang parehong nakataas ang magkabilaang kilay at balikat ko. "Could you please go out and look who rang the doorbell? " Utos sa akin ni Neji. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Don't you have cameras?" Balik tanong ko sa kaniya. Bisita lang din naman ako, bakit ako ang magpapapasok sa mga bisita rin nila? "Tss.. ako na." Uncle insisted. Napatingin si Arrow sa kapatid niya at inirapan ito.
BINABASA MO ANG
Epiphyllum Oxypetalum
AksiyonSche, a seventeen year old girl who was traumatized by celebrating her birthday because of her thorny past. Every year, her close friends nor her family wanted to celebrate her birthday, but she's always hiding inside of her room because she knows...