CHAPTER 7: Show Me
Huminto kaming lahat sa lugar kung saan wala ka nang makikitang ibang tao at puro mga nagsisitaasan na mga damo at puno na lang nag makikita mo sa paligid. Nakahilera ang kotse nilang pito at nakasandal sila sa kaniya-kaniyang hood nito. Nakaupo naman ako sa hood ng sasakyan ni Walter, nagalit naman si Walter dahil baka may kung anu-anong biglang magsiliparan sa direksyon namin at hindi ako kaagad makababa pero wala siyang nagawa kundi ang tumayo na lang sa gilid ko.
Ang nakaaway ko kanina ay may mga kasama na ngayon. Walo na sila at nakasandal din sila sa mga hood ng kotse nila. Kung mag-aaway kami rito, patas na ang magiging labanan dahil ang huling nagkita kami ay mag-isa lamang ako.
"Is this a staring contest?" Natatawang tanong ko sa kanila. Nagtititigan lang kasi kami rito.
"We are waiting for your sign." Natawa ako sa sinagot ng isa sa kanila. Sa akin pa rin pala si nakadepende.
"Sorry, I'm here to study, not to do inappropriate things," Saad ko. Ang akala ko ay mamumuhay na ako ng maayos ngayon. Mukhang hindi pa pala. Hindi talaga nila ako tinitigilan. Kahit na ata saan ako magpunta, nahahanap pa rin nila ako. Hindi ko na nga alam kung saan pa ba ako kailangang pumunta huwag lang nila ako mahanap. Kung puwede lang sana sa Mars ay matagal ko nang ginawa, eh.
"Silly girl." Bulong naman ni Walter at mahinang tumawa.
"Just kidding. Welcome to the Philippines!" Bati niya na may halong pagkasarkastiko. Pumalakpak sila nang sobrang bagal. Nginitian ko sila at bumaba na sa hood ng sasakyan ni Walter. Nagtatakha naman silang napatingin sa aking lahat.
"Let's go, boy. Mga may saltik sa utak ang mga kaharap natin." Sabi ko at pumasok na sa loob ng kotse ni Walter. Tiningnan ko sila mula sa loob dahil hindi pa rin gumagalaw ang mga kasama namin, matatalim ang titig nila sa kabila, okay? Nang makalipas ang dalawang minuto ay sumakay na rin sila sa kanilang mga sasakyan.
"Hoy! Kailan mo balak palitan 'yung bintana na binasag mo?" Tanong ko kay Walter habang nagmamaneho siya patungo sa bahay ko. Hindi naman kasi kami bumili kanina, paano ako makakatulog nang maayos mamaya kung lagi kong iniisip ang bintana ko? Baka kasi may pumasok na naman sa bahay ko at kung ano pa ang gawin sa akin.
"Nagpabili na ako kay Dunn tutal siya ang nag-ayos ng bahay mo." Sagot niya. Tumango na lamang ako bilang tugon.
"Ay oo nga pala, ang sabi ng tatay mo ay titira ako sa bahay mo," sabi niya kaya napatingin na ako sa kaniya. Ako? Titira kasama ang lalaki na hindi ko kadugo?
"Sigurado ka bang inutusan ka ni Daddy?" Tanong ko sa kaniya. Seryoso, daddy? Matapos kong alagaan ang aking ano nang ilang taon, tapos ganito ang ipapagawa mo?
"Malamang. Hindi ka raw kasi marunong magluto at gumawa ng mga gawaing bahay kaya tuturuan daw kita," sabi niya. Inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya. Duh! Marunong ako! Ako nga ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay kapag nasa inyo ako, eh. "16 ka na, Sche, anong ginagawa mo sa buhay mo? Matuto ka naman sanang gumawa ng mga gawaing bahay. I'm here, we are here to help you," dugtong niya.
"I can teach myself. I can even fight for myself," sabi ko sa kaniya. I knwo what he's talking about, hindi ang gawaing bahay ang totoong dahilan. He wanted to protect me, I don't want them to protect me kasi paano kapag naulit na naman iyon? Kunsensya ko na naman ang kalaban ko, I can't live well kapag naiisip ko 'yon.
"No, Sche, look at me," sabi niya. Hinawakan niya pa ang baba ko at pinaharap ito sa kaniya. Traffic kaya nakahinto kami ngayon.
"You're not alone, okay? I will always be at your side. I'm always at your side but you can't see my worth," malungkot na sabi nito. What are you talking about?
BINABASA MO ANG
Epiphyllum Oxypetalum
AcciónSche, a seventeen year old girl who was traumatized by celebrating her birthday because of her thorny past. Every year, her close friends nor her family wanted to celebrate her birthday, but she's always hiding inside of her room because she knows...