Chapter 6

210 28 25
                                    

CHAPTER 6: Stolen Kiss



Agad akong napabalikwas sa kama ko nang makarinig ako nang ingay na nanggagaling sa aking banyo. Naghanap ako ng maaari kong ipamalo sa taong nasa loob nito. Sakto namang may nakita akong baseball bat malapit sa banyo ko. Kanino galing ito? May mga bakas pa ng dugo. Mukhang hindi na ako magugulat kapag nakakakita ako ng bakas ng dugo, rito ako nakatira, eh.

Bumwelo ako at hinintay ang lalabas sa banyo ko. Wala akong kasama sa bahay kaya imposibleng may maliligo nang ganitong oras dito sa kuwarto ko. Atsaka, sinara ko ang gate at ang mga pintuan sa bahay ko.

Nararamdaman ko na palabas na siya kaya hinanda ko na ang pamalo ko at ang aking sarili. Saktong paglabas niya ay ang pagpalo ko sa balikat niya. Not too hard, but not too soft.

"Shit!" Sigaw nito at napahawak pa sa balikat niya. Agad ko namang nabitawan ang pamalo dahil sa biglaang pagsigaw niya, nang mahimasmasan na ako ay saka ako lumapit sa kaniya.

Kita ko ang pamumula ng balikat niya. Kasalanan ko bang mamalo ako dahil may kung anong nakapasok na sa bahay ko? Atsaka, ang lakas naman ng loob niyang makiligo rito sa bahay ko at lalabas ng banyo ko na hindi man lang nakakapagbihis.

"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" Inis na tanong ko kay Walter. Medyo malayo kasi ang mansion nila sa bahay ko kaya bakit dito niya pa naisipang maligo? Ano itong bahay ko, isang paliguan lang?

"Nakitulog." Bored na sagot nito at iniwasan ang tingin ko.

"Nakitulog? Saan ka naman natulog? Sa tabi ko?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Pigil hininga akong nakatingin sa kaniya habang hinihintay ang isasagot niya sa akin. Hindi kami masyadong close, bakit tatabi siya sa akin? Kahit naman kanino siguro, hindi ako tatabi matulog, mga kapatid ko nga ay gusto akong katabing matulog pero tumatanggi ako. Hindi naman sa ayoko sa kanila, I want privacy for them and for me.

"Assuming ka? Sa lapag ako natulog." Walang ganang sagot niya sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag sa sinagot niya. Pumasok ulit siya sa banyo. Napatalikod ako nang tinanggal niya ang t'walya sa baywang niya. Hindi niya kasi sinara ang pintuan. Walang hiya niyang tinanggal ang t'walyang nakapulupot sa baywang niya. Nakaboxer naman siya, pero napaka-awkward naman ng ginagawa niya. Hindi ba siya nahihiya? Ganito ba talaga siya? Damn! This is my first time seeing him act like that.

"Bastos!" Sigaw ko sa kaniya at sinara nang malakas ang pintuan. Ano naman kayang ginagawa niya rito at papaanong nakapasok siya sa bahay ko kung sinara ko naman at ni-lock ang mga bintana at pintuan? Maliban na lang kung may binasag siyang bintana. Napatingin ako sa bintana ko at nakitang basag-basag na ito. This guy! Lahat na lang atang bintanang makikita niya ay nasisira niya!

"Walter!" Sigaw ko at agad naman siyang lumabas ng banyo na naka v-neck white shirt at black fitted ripped jeans and white low-cut converse, simple lang pero ang lakas ng dating sa kaniya. Bagay kasi sa kanila ang lahat ng style, maski ang simpleng damit na kulay puti.

"Oh?" Painosenteng tanong niya sa akin. Babatukan ko sana siya nang bigla niyang kinuha ang kanang kamay ko at agad akong isinandal sa pader. That was a smooth move.

"Hoy! T-teka lang," nauutal na saad ko at umiwas pa nang tingin. Hinigit ko ang kamay ko at naglakad pakaliwa nang bigla niyang hinarang ang kanang kamay niya. Tumalikod naman ako at naglakad pakanan nang hinarang niya rin ang isa niya pang kamay. Habang umiiwas ako ay siya namang paglapit ng mukya niya sa akin.

"Ano ba!" Naiinis na sigaw ko sa harapan niya. Ilang pulgada na lang ang pagitan namin. Ano ba talagang balak nito at medyo kinakabahan pa ako dahil noong huling may gumawa sa akin nito ay napahamak ako. Damn those eggs, sila ang may kasalanan kung bakit ako kinakabahan kapag may naggaganito sa akin.

Epiphyllum OxypetalumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon