7=Bangungot

963 37 0
                                    

maayos naman ang naging lagay ni enrico mula ng lumabas ng hospital.. yun ngalang ay nasa bahay lang ito kasi malalim ang tinamong sugat at kailangan ng ilang buwan bago tuluyang maghilom ang sugat..

kabilin bilinan  ng doctor na wag kalimutan ang pag inom ng gamot three timex a day..

wala namang angal na sinusunod ni enrico ang mga bilin ng doctor at sa tulong na din ng pag aalaga ng aswa at mga anak nya..

dalawang araw nalang ay kaarawan na ni erica.. magkahalong takot at saya ang nararamdaman nilang mag asawa...

2days before erica's birthday

nasa room nya si erica.. at nakaupo habang nakatingin sa salamin na bintana.. malapit na syang mag labing walong taon.. sabi ng mama nya mamayang gabi sila ay pupunta sa bahy ng mang gagamot na si ka tasyo ito din daw ang nakapag pagaling noon sa mama nya..

sana nga matulungan sila nito para tuluyang maisara ang kanyang third eye.
ayae na nya ng ganitong kakayahan na nakakakita at nkakausap ang mga kaluluwa sapagkat  pati ang mga mahal nya sa buhay ay napapahamak..

dahil ngaba sa kakayahan nya kung bakit napahamak ang daddy nya.. oh dahil sa pinili ni enrico na mahalin si cassandra.. kaya nabuo si erica na hanggang ngayon ay nahihirapan..

maya maya pa ay nakaramdam ng antok si erica.. humiga sya sa kama at pinikit ang mga mata.. baka pag nakatulog sya ay mabawasan ang mga inaalala nya.

hindi naman nagtagal ay inagaw na ng antok ang diwa nya..

muling pagkikita
sa isang ilog napadpad si erica.. napakalinis ng ilog.. lalapit sana sya ngunit may narinig syang mga boses.. tila nag aaway.. mula sa kinaroroonan nya ay  tanaw nya ang dalawang tao..

si edilberto at may kausap itong babae.. hindi nya makita ang mukha dahil nkatalikod ito.. paharap kay edilberto..

anu kaba crusita?? hindi porke magkamukha kayo ni carmelita ay mahuhulog na ang loob sayo ni enrico..

dapat planuhin natin ito.. saad ni edilberto sa kausap..

ng humarap nman sa kinaroroonan nya ang babae na tinawag ni edilberto na crusita.. ay kitang kita nya.. ito ang babaeng kaluluwa na nakita nya sa elevator at ito ang pumukpok sa ulo ng daddy nya..

crusita ang pangalan ng babae na may hawig sa mama nya at malamang kamukha din nya ang babae..

ng madulas sya sa pagkakayuko lumikha ng ingay ang mga sanga.. kaya napalingon ang dalawang nagtatalo..

umaliwalas agad ang mukha ni edilberto.. ng makita sya..

napakamot nalang ng ulo si erica.. habang si crusita ay nakasimagot..

ohh carmelita andyan ka pala umpisang pagbati ni edilberto.. tumango nalang si erica.. bahala nga sya bakit ba carmelita ang tawag nito sa kanya..

napatingin si erica sa damit nya.. bakit ngaba nag iiba ang damit nya hindi nman sya nagsusuot ng mahabang saya ahh.. anuba ang nangyayari..

lumapit sya sa ilog at sa linaw ng tubig ay kitang kita nya ang kabuuan ng ichura nya.. kulot ang mahaba nyang buhok at nkadamit syang parang sa sinauna..

OMG bakit sya nakulot namaligno ba sya.. takang tanong nya sa sarili.. hinawakan ni edilberto ang kamay nya dahil akala nito ay tatalon sya sa ilog..

malalim ang ilog carmelita at maaari kang mamatay pag tinangka mong tumalon dya pahayag nito..

paglingon naman nya ay nakita nya si crusita na masama ang tingin sa kanya..

tara doon sa bahay at ng makahigop ng mainit na tsaa pagyaya ni edilberto sa mga kasama..

nauna sa paglakad si crusita at sumunod naman si erica nasa likod nya si edilberto at nkaalalay sa kanya..

reality
nag aalala na si cass sa anak dahil halos 24hrs na itong tulog..
kaya pinasundo na nya si ka tasyo..
nahintakutan ang matanda ng makita ang nangingitim ng mga labi ni erica..

isa lang ang solusyon dyan..
ang pumasok ang taong mahalaga kay erica sa kanyang panaginip para maibalik sya dito..

pero sino po?? panabay na tanong ni cass, enrico at jun..

ikaw jun... mahinang sagot ni ka tasyo.. sapagkat kahit ndi mo aminin ay alam namin na tinatangi mo si erica..

nakayuko lang si jun.. hiyang hiya sya sa mama at daddy nya..

hinawakan ni enrico ang balikat ni jun.. anak wala kaming magagawa kung mahal mo si erica ang sa ngayon dapat natin problemahin ay kung paano sya maililigtas..

tumango tango lang si jun bilang pagpayag..

pinahiga sya ni ka tasyo sa tabi ng natutulog na si erica.. sisindihan ko ang kandilang ito dapat bago ito maubos ay nakabalik kana masundo mo man o hindi si erica.. dahil kung hinde pareho kayong mamamatay.. pagbabanta ng matanda..

hindi sya natatakot basta para sa mahal nya.. yun ang iniisip ni jun.. bago ipikit ang mata..

may inilagay si ka tasyo sa braso ni jun isang tila relo iilaw yon pag malapit ng maubos ang kandila at kailangan na nya yun buksan para magising sya..

nag umpisa ng mahimbing si jun..

sa kabilang mundo
    naglalakad si jun sa kakahuyan at nagtaka nman sya bakit nasa kakahuyan sya akala kasi nya doon sya mapupunta kung nasaan si erica..

     hindi pa sya nakakalayo ng makaramdam sya ng panunuyo ng lalamunan.. nauuhaw sya..

    maghahanap muna sya ng maiinuman.. baka may bahay sa gitna ng gubat na ito.. pero malamang ay wala dahil sino ba nman ang titira dito ehh. napaka daming puno..

    maya maya pa ay nkakita ng ilog si jun..

lumapit sya sa gulid ng ilog maghihilamos sya at iinom.. muka namang malinis ang tubig dahil kitang kita nya ang mukha nya na parang salamin ang tubig..

    pagkahilamos at pagkainom nya ay maghahanap ulit sya. hindi sya dapat magsayang ng oras.

   napatingin sya sa lupa may mga bakas ng sapatos.. mukang may mga taong galing dito..sinundan nya ang bakas..

hanggang makarating sa isang maliit na kubo.. kakatok sana sya ng may humawak sa balikat nya..

   oh erica andito kalng pala ehh.. tara na.. yaya ni jun sa taong humawak sa balikat nya.. hindi nya napansin ang pag kunot ng noo nito subalit napangisi naman kalaunan at humawak na sa kamay nya..

    tulad ng bilin ni ka tasyo.. na buksan nya ang tila relo sa braso nya pag nakita na nya si erica.. ayginawa nga nya at habang hawak nya ng mahigpit ang kamay ni erica ay binuksan nya iyon ng isa nyang kamay..

    pero bago pa sila makabalik ay bumukas ang pinto ng kubo at lumabas doon ang isang babae na kamukha ni erica..

   napatingin si jun sa mukha ng babaeng hawak nya.. isa ang mukha nila.. naguluhan si jun pero huli na... dahil pabalik na sila sa mundo nila.. paalis sa mundo ngbangungot..

Third Eye ni Erica  HUnted House part ll (complette) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon