24=past & Reality

769 29 2
                                    

Kaharian ni haring solomon
Ang kaharian ng mga alambra..

Dito nag umpisa kung saang lahi nanggaling si ej.. Ang pangalan ni ej noong nasa kaharian pa sya ng kanyang ama at dipa sya nakakatapak sa kalupaan ng mga mortal na tao.. ay prinsipe Zamihr sya ang nag iisang anak at tagapag mana ni haring solomon.

Si haring solomon ay may matalik na kaibigan si Haring Magno na nagmamay ari nman ng isang malawak din na kaharian sa gawing hilaga at may nag iisa din itong anak si Sabaya.. Ipinagkasundo ang dalawa na pagdating ng takdang panahon ay sila ang mag mamana ng mga kaharian at mag iisang dibdib sila..

Subalit sa totoong buhay ang apat na kaharian na nilikha ng maykapal para sa apat na hari.. Ay nakatakdang magunaw..

Ang kay haring solomon ay sa kanluran..
At ang kay haring magno ay hilaga..
Kay haring Affhar naman ay sa Timog
Ang huli ay kay haring Zubbar ang Silangan

Sa apat na tagapangalaga ng mga kaharian ay may matatawag tayong sakim.. Si haring Zubbar ay isang tuso at si haring Affhar naman ay walang anak kaya kailangan nya ng tagapagmana.. Nakipag kasundo ito kay haring Zubbar para gawing impyerno ang buhay ng pamilya nila haring solomon at haring magno na hindi naman lingid sa kanila na matalik na magkaibigan..

Naiinggit sila sa dalawa dahil sa tinatamasa ng mga ito na karangyaan.. Sa kabilang banda pare-parehu nman sila ng mga karangyaang biniyaya ng maykapal subalit ang dalawang ganid na hari ay nilustay ang mga biyaya ni ama sa kanila.. Samantalang ang dalawang hari na maayos ang ugali ay pinagyaman ang anumang ibinigay sa kanila at sa nagyon ay nagtatamasa sila ng katiwasayan..

Guys yan muna ang ating clue sa pagkatao ng dalawang bida natin ha.. Saka kona ikkwento sa inyo pag sa book 3 na.. Mag iisip pako ng Title ehh haha😊😊😊 basta support nyo lang ako guys.. Yaan nyo paaabutin ko ng eps 30 ang kwento ng buhay ni erica..

Dito na tayo sa reality
Si erra ay palaging tinuturuan ni ej sa math dahil mahina ito sa mga number..
Matatandaan nating si erra ay anak ni aling
Nilda at mang Fidel si erra.

Oo nga anak nga nila si erra subalit may nangyari doon na kakaiba..

Panganganak kay erra
Sa maliit na bahay ng manghihilot dinala ni mag fidel ang asawa nyang si nilda para isilang ang anak nila.. Yon nga si erra.

Sobrang sakit na ng tyan ni aling nilda hindi na nya matiis ng may naramdaman syang kakaiba sa sinapupunan nya.. Tila hindi gumagalaw ang sanggol..

Naiiyak na sya sa kaba.
Umiri ka utos ng manghihilot na matanda.
Umiri nga sya ng umiri gang naramdaman nya na may lumabas na sa galing sa sinapupunan nya.

Pero hindi umiiyak ang sanggol.
Nanlalambot si aling nilda nawalan na sya ng ulirat.

Nataranta ang manghihilot ng mapagtanto na wala ng buhay ang sanggol na isinilang ng ginang.

May idad na ang manghihilot at madami na syang alam na sikreto.. Nakakapanghula din sya minsan. At ramdam nya may kakaiba sa paligid may ibang awra syang nararamdaman.

Ng ilapag nya ang sanggol tatawagin sana nya ang asawa ng ginang ay may tila usok na dumaan sa harap nya.. Papunta sa walang buhay na sanggol.

Wala pang isang segundo ay umiyak na ang bata. Napanganga nalang si aling Iska na manghihilot.

Wala nadin ang usok kinarga nya ang bata.. Ang kaninang ichura nito ay naiba anong nangyari.. Hindi sya ang sanggol ng mag asawa.. Kinabahan si aling iska..

Third Eye ni Erica  HUnted House part ll (complette) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon