Palapit ng palapit sa akin yung lalaking kasama nung naka bangga ko kanina sa school.
Hindi naman sa assuming ako pero, alam kong sa akin siya patungo at naka tingin.
Nang tuluyang makalapit na nga siya, ay hindi ako nag kamaling ako nga ang pupuntahan niya. Siyempre baka isipin niyong assuming ako hehehe.
"Hi, alone?" Alone pa ang nais itanong, mamaya pakantahin ko siya ng Alone jan eh. Hihihi
Bumalik ako sa wisyo at siyempre hindi ko pinahalatang ganun ako mag isip hehehe. Mamaya isipin niya may saltik ako wahahaha.
"Yup" Nangigiting sagot ko. Hindi ako kinikilig, napapangiti lang ako minsan sa mga iniisip kong ka baliwan.
"By the way I'm Dowenber" sabay lahad niya ng kamay niya sa akin. "And you are?" Pag papatuloy niya
Ngumiti muna ako bago ko siya sinagot at kasabay ng pag sagot ko ay ang pag tanggap ko sa kanyang kamay na naka lahad.
"I'm Francessca but you can call me Cess for short" sagot ko
"Woah, nice name. Half half ka no?" Wow ha! Interview na ba to agad? Hahaha mamaya sugudin ako nung babaeng kasama niya kanina kasi kitang kita ng dalawang mata ko na nanlilisik na yung mata niya kakatitig saming dalawa.
Hindi ko naman kasi inaasahang pag tingin ko sa likod niya eh, di ka layuan ay may mata na palang kung makatingin akala mo kanina pa ako namatay sa sobrang panlilisik ng mata niya.
"Hahaha you got it" sagot ko naman.
"I find you interesting" Bakit niya ba kelangan sabihin niyan habang umiinom ako ng wine? Ayan tuloy na ibuga ko yung wine. Pasalamat siya hindi sa muka niya naibuga.
"Hahahaha" tanging pag tawa nalang ang isinagot ko.
Hindi ko alam pero may part sa akin na biglang kumabog yung dibdib ko.
Hindi na kami gaanong nakapag usap dahil nag uumpisa ng mag start yung program.

BINABASA MO ANG
Broken Pieces
Teen FictionAng pag ibig nga naman. Kapag tinamaan ka, hindi mo na mapipigilan.