Sabado na pala! Ngayon na sila uuwi waahh medyo excited ako na ewan eh basta.
Kagigising ko lang kaya naghilamos muna ako ng muka pagkatapos nun kumain naman ako ng almusal.puntahan ko muna si jema para ngayon na kami makapamili tapos pagkatapos nalang namin mamili tsaka ako maliligo.
Nasa tapat na ako ng bahay nila jema kumatok na ako
"Jema" tawag ko
Wala pang 1mins bumukas na yung pintuan.
Para namang bumagal yung mundo ko at bumilis yung tibok ng puso ko nung makita ko siya. Naka leggings siya tapos white na tshirt tapos naka sneakers.
"Huy deanna natulala ka diyan?"
Bumalik lang ako sa dati nung biglang nagsalita si jema."Ah- ehh wala"
"Ah okay bakit pala?"
"Ano kasi yayain kita na bumili na ng mga ingredients mo. Diba nga ngayon na uuwi sila papa. Di naman pwede ako lang mamili di ko naman alam mga lulutuin mo tsaka di rin ako marunong"
"Ay oonga pala! Eh kasi magjojoging ako eh"
"Halata nga. pero kung gusto mo mag jogging narin tayo tapos mamili diba?"
"Oonga sigeh lakad lang tayo"
"kaya nga jogging eh hahaha joke Palit muna ako rubbershoes"
"Okay"
Nakapalit na ako. Habang nag jojoging kami siyempre kinakausap ko siya para naman hindi ako ma awkward basta yung may ma tanong lang o masabi.
"Parang ngayon lang kita nakitang magjogging?"
"Ah oo ngayon ko lang kasi naisipan mag jogging. Pero sa gym talaga ako nageexercise. Ikaw?"
"Ah, ako din ngayon nalang din ako nakapag jogging kasi diba yung paa ko na injured so ayun."
"Ay oonga pala no? Tapos nung pumasok ako sa bahay niyo natumba ka. Sorry di manlang ako kumatok natumba ka tuloy kasi naman eh ang tagal mo buksan yung pinto kaya binuksan ko nalang sorry ulit"
"Okay lang. past na yun matatawa ka na lang pag naalala mo"
"Hahaha oonga eh"
"Tapos nung daig mo pa nanay ko kung pagalitan mo ako kasi pasaway ako hahaha"
"Hahaha oonga eh pasaway mo kasi eh!"
--
nandito na kami sa grocery para mamili ng mga ingredients para sa lulutuin niya mamaya si jema ang taga sabi kung ano ang mga bibilhin at ako naman ang taga lagay sa pushcart at taga tulak. Mamaya pa naman siguro sila darating kaya may oras oa kami para makapag prepare tsaka maaga pa naman. Maaga nga kami ni jema umalis eh siguro mga 7:30 tsaka para makapag jogging nadin. Maykalayuan pero sulit naman kasi nakasama ko siya."Tsaka kuha ka na din ng pasta"
"Para san naman to?" Tanong ko sa kanya
"Mag cacarbonara ako"
"Wow! Favorite ko din yun eh damihan mo ah! Matakaw kasi yung mga kapatid ko baka maubusan ako hehehe"
"Hahaha okay kuha kapa isa ay dalawahin mo na pala"
"Okay"
Sinunod ko naman yung inutos niya pagkatapos sabi ko sakanya na bumili nadin kami ng mga chips para may kinakain ako habang nanonood sakanya pero hindi siya pumayag dahil tutulong daw ako sakanha sa pagluluto at dahil sa kacutan ko napapayag ko siya hahaha pero tutulungan ko parin naman siya.
"Deanna, tama na nga yan mauubos yung budget eh. Bayaran na natin to."
"Sige pero pwede kumuha pa ako ng isang piatos?" Tapos nagblink blink ako ng eyes para mapapayag siya.
"Tsskk! Di bagay muka kalang tanga hahaha"
"Pero aminin mo cute ako ayiiee" tapos sinundot sundot ko yung tagiliran niya
"Oona nga lang, sigeh na kumuha ka na din ng piatos isa lang ah! Bilisan mo." Lumakad na siya papunta sa counter
"Opo, hahaha pero cute ko noh?! Hehehehe"
"Bilisan mo diyan!"
"Oo na haha eto na oh cute ko"
"Isa pa babatukan kita"
"Sabi ko nga tama na.."
Nagbabayad na kami ni jema tapos napapansin ko naman yung babae sa counter napapatingin saakin sabi ko na eh cute ako hahaha. Tingin talaga ng tingin eh type niya siguro ako?
"Hello miss" bati ko dun sa counter. Napansin ko naman si jema na tumingin saakin na nagtataka pero hindi ko Muna pinansin at nagpokus muna doon sa babae
"Hi po cutie" bati niya naman saakin pabalik.
Pero si jema nakita ko naman na parang sumimangot bakit kaya? Binalik ko muna ulit yung pokus ko dun sa babae.
"Haha mas cute ka" sabi ko. nagblush naman yung babae pero si jema hindi yata nag blush yung sakanya namumula yata sa galit hala lagot.
"please! po miss paki plastik muna tong mga pinabili ko bago ka makipaglandian!" Sabi ni jema. Nung maplastik na yung mga pinabili namin hinablot niya to dun sa babae tapos umalis na di man lang ako hinintay.
Nagpaalam na ako dun sa babae tapos hinabol ko si jema anyare dun? Grabe ang bilis pala maglakad ni jema ah kala mo tumatakbo na.
"Jema huy anyare?" Di parin ako pinansin tumuloy tuloy parin sa paglalakad.
Tumakbo nalang ako para maubatan siya tapos hinawakan ko siya sa braso
"Huy jema"
"Ano ba! Dun ka na nga makipaglandian!"
"Hala di naman ako nakikipaglandian ah? Binati ko lang naman yung babae sa counter kasi kaibigan ko yun ganun talaga kami yun na yung bonding namin kunyari di kami magkakilala pero di ako nakikipaglandian" Paliwanag ko dito
Totoo naman talaga eh kaibigan ko yun ganun talaga kami kunwari di kami magkakilala.
"Eh ikaw kasi eh! Himbis na bilisan mo nalang nag hi hi ka pa doon! Kahit na kaibigan mo edi sana bilisan mo nalang! Tapos may pa cute cute pa!"
"Hahaha sorry na. Teka? Nag seselos ka no?"
"Ako?! Hindi ah!"
"Wew selos ka lang eh"
"Hindi nga! Kulit mo!"
"Selos kalang eh wag ka mag alala mas cute ka dun."
"Tskk! Ikaw kasi eh sabi mo friend mo yun? Ako lang dapat yung friend mo pinaka cute mong friend tapos ako dapat favorite friend mo"
"Hahaha opo na so? Nagselos ka nga"
"Oona nagselos ako kasi dapat ako lang pinaka cute mong friend"
"Opo na nga haha ikaw yung pinaka cute kong friend jema tsaka ikaw lang favorite friend ko"
Ouch naman! Nagselos lang pala siya kasi dapat siya lang pinaka cute kong FRIEND gusto ko sana na nsgselos siya dahil alam mo na. Pero hindi.
--
A/N
Sorry hindi ako nakapag Update kaagad dahil busy po ako.
P.S: Pag-kabukas ko ng aking wattpad nagulat nalang ako 2.39k readers na. Vote po tayo Thank you hahaha! Nakakaexcite!
BINABASA MO ANG
I Can't Love You Back (JeDean/GaWong)
Fanfic#50 Random 11/5/2018 #126 Fanfiction 11/5/2018 "I can't love you back deanna, Im sorry" -jema